Chapter 1. Bump

1580 Words
Disclaimer: . Just a few reminders that this story is work of fiction. So, therefore places, events, names, character, business and incidents are product of the author's wild imagination only. If in some circumstances where cases are real to life or to someone, I'm sorry but it's not my intention and is purely coincidence/coincidental.  Please refrain yourself from printing and copying ones work and that includes mine.  All rights reserved. No parts of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any form, or by any means. Including printing, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission with the author.  Plagiarism is evil, yes it is! And I will consider you as one.  . Author: C.M. LOUDEN This is Rated 18+ Matured content po ito.   . . Althea's POV . . Bump . .   -music intro- Give to me, I'm worth it Baby I'm worth Uh uh I'm worth it Gimme gimme I'm worth it . "Bend! One, two, three. Up! push, push, down, down," tugon ng trainor. . My sweat constantly falling while trying to catch my own breath. Nag-eehersisyo para mapanatili ang ganda ng katawan ko. I'm a member of body and fitness gym for over a decade. Ito lang din ang ginagawa ko sa tuwing Sabado. Getting my body fit is the least in my priority. Masyado kasing abala ang mundo ko, pero ito na lang din ang libangan ko. . I cannot go out with my friends because at weekends they spend it together with their families. They have their husbands, kids, and their priorities. While me? Just me, myself and I. . "Come-on, Thea, one more. Push it up darling," tugon ni Logan, isa sa mga fit instructor dito. . Nakatayo siyang nakaharap sa akin habang pinagmamasdan ang pwet ko. I stared at him and I'm giving him a warning. Mapanukso kasi ang mga mata niya at sa parteng ibaba ko ito nakatitig na. Ang manyak talaga! . "Uh, uh I'm worth it. Gimme, gimme I'm worth," sabay kanta niya at titig sa dibdib ko. Bahagyang napangiti na ako at tumayo na. Natapos na din kasi ang kanta. "Well done, girls! Good job!" saad ni Maya, ang fit instructor namin dito. . Mabilis kong pinahiran ang pawis ko gamit ang maliit na towel. Nakatitig lang din ako ng husto kay Logan ngayon. Walang bakas na ngiti akong pinakita sa kanya. Pero kakaiba nga naman siya dahil iba ang tinitigan ng mga mata niya at ang dibdib ko ito. . "Are you free tonight, Thea?" he bit his lower lip while asking me. I chuckled and raised my brows at him. "Sorry, Logan. Hindi kita type. Ayaw ko sa mga bata," sabay irap ko. Humakbang na ako para mainom ng tubig. Nakasunod lang din siya sa likurang bahagi ko. "Hindi na ako bata, Althea," sa pilyong ngiti niya. Sumandal na siya gilid ng harapan ko at nakangiti na parang aso. Ang sira talaga ng utak ng batang ito! Ang kulit niya, sobra! "FYI, Logan, ka edad mo lang ang bunsong kapatid ko na lalaki. Gusto mo sabunutan kita?" Pinalakihan ko siya ng mga mata ko at natawa lang din ang walanghiya! Napailing na din siya. "Si ate naman oh, basted na agad ako," nguso niya at ngumiti pa talaga. "Hoy, Logan! Makakatikim ka talaga sa akin. Tigilan mo ako. Maghanap ka ng ka-edad mo!" Sabay irap ko. Humakbang na ako at kinuha ang gym bag ko sa gilid. "See you, Althea. Next week ulit! Hindi ka ba sasama sa amin mamaya? Party! Party?" siglang tugon ni Maya at ngumiti pa. "Titingnan ko okay. I can't promise anything. But I'll let you know later after lunch," sabay kaway ko sa kanya. "Okay, darling. Take care!" Kaway niya at kumaway na rin ako. Mabilis akong humakbang palabas na sana, nang mapansin na nakabuntot pa din talaga di Logan sa akin ngayon. Hinarap ko agad siya. "Tigilan mo ako, Logan!" Turo ng hintuturo ko sa mga mata niya. Napaatras agad siya at natatawa pa. "Ikaw naman. Nakalimutan mo ito."  . Binigay niya agad ang membership card at key card ko. Kinuha ko agad sa kamay niya at inirapan lang din siya. Nagpatuloy na ako at hindi ko na siya pinansin pa. . Logan is twelve years younger than me. The same age with my younger brother, Beau. Makulit, palangiti at papansin. Ang mga lalaking katulad niya ang iniiwasan ko. At my age forty, I am looking for someone that is older than me and still single and free. Pero ang malas ko nga naman dahil halos lahat ng mga manliligaw ko ay mababa sa edad ko. . Pumasok ako sa kotse at pinaandar ito. I need to go back to my condo and clean up. I have a meeting in an hour. I need to see Geoff, a workmate of mine for a certain project. . "Where are you?" si Geoff sa kabilang linya. . Napakunot ang noo ko at pinahinto ko muna ang sasakyan sa gilid ng daan para masagot ko siya ng tama. I turn on the volume of phone so that I can hear him better on my Bluetooth earphone. I glanced at my wrist watch, and it's early. Ang aga niya naman sa usapan namin. . "Mamay pa tayo 'di ba? I just finished my gym." "Gaga! Have you forgotten that we have an appointment to meet Mr. Lagdameo at ten thirty? He will be here in ten minutes!" . Napanganga ako at tarantang kinuha ang diary sa glove box ng sasakyan. . "T-Teka lang. Are you sure, Geoff? Hindi ko alam." "Oh my god, he's here Althea! Come over here right now!" Sabay patay sa tawag niya. . What the- halos magmura na ako nang makita na nakasulat nga naman ito sa diary ko. Pero nasa babang bahagi ito. Hindi ito nakalagay sa mismong araw. Siguro noong isinulat ko ito ay abala ko ano? Ang tanga ko talaga. E, ang tanda-tanda ko na! . Mabilis kong inayos ang sarili ko at nataranta na ako ng husto. Nakatali ang mahabang kulot na buhok ko. I'm wearing my sport jacket and underneath it is just my sports bra! Wala akong damit man lang. At talagang naka-sport leggings lang ako. Dios ko, bahala na nga! . Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at pinaliko ito pabalik sa syudad. Malapit lang naman ito sa condo ko at limang minuto lang. Nang makarating at maiparak ng maayos ang sasakyan at lumabas agad ako rito. Mabuti na lang at dala ko ang diary at iilang documento. Hindi ko kasi ito nilabas sa sasakyan ko kagabi dahil sa pagod ko. . I went inside the coffee café shop and the attendant smile at me. Kilala na nila ako. Madalas kasi ako rito. . "Si Geoff?" tanong ko kay Marie, ang isa sa mga staff dito. "Nasa itaas, Ma'am Thea," ngiting tugon niya. "Thank you!" . Mabilis akong umakyat at rinig ko pa ang pito ng isa sa mga lalaki na nasa gilid. Nahinto ako at nilingon siya, si Alejandro ito, ang isa sa mga staff cleaner dito. . "Good morning, Miss Althea," ngiti niya habang naglilinis sa sahig. "Morning!" ngiti ko, at mabilis na akong umakyat pa. Nasa rooftop kasi sila. . Kinapa ko ang sarili at nahinto ako dahil wala sa akin ang cellphone ko. Naiwan ko ito sa loob kotse. My goodness, me Althea! Ang tanda mo na talaga. Makakalimutin ka na! Isip ko. Kaya bumaba akong patakbo pabalik sa labas. Pinindot ang susi para ma-unlock ang sasakyan at mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa loob. . I have eight miscalls and it's all from Geoff! Great! . I ran back inside without looking and without thinking. Para akong sumali sa climb up stairs marathon nang pumasok ako sa loob at umakyat ng hagdanan. I rang Geoff and he answered it. . "Bruha!" igting na boses niya. "I'm coming. Oh, my god. I'm panting. Hinihingal ako bakla!" Sabay akyat ko, "three more staircase and I'm there!" . Pinatay ko agad ang tawag at napayuko ako habang umaakyat sa hagdanan. I'm panting and catching my breath. Mabuti na lang at physically fit ako sa mga ganitong bagay. Pero nahinto ang mundo ko nang maramdaman ko ang dibdib niya sa mukha ko. Almost face plant on his chest. He caught me and hold me quickly before I could roll over behind me. . "Waaa! Aaahhh!" sigaw ko. "Opps!" . Mabilis siyang napahawak sa likod ko at napayakap sa akin nang husto. Parang kinarga na rin niya ang katawan ko at mabilis na pinaikot para mailagay sa tamang pwesto. Namutla ako. Kamuntik na kasi akong mahulog sa hagdanan. Ang taas pa naman nito. . "Sorry, Miss," baritonong boses nito. . I lifted my chin and stared at him. Nag-abot ang kaba at takot sa puso ko. Parang lumabas ang kaluluwa kong saglit at bumalik agad ito sa katawan ko. . "Ano ba! Hindi mo ba ako nakita?" Sabay tulak ko sa katawan niya. Napatitig agad siya sa kabuuan ko. Pero mas nagtagal ang mga mata niya sa dibdib ko. "Sorry. I saw you, yes. Umiwas ako, pero mukhang ikaw ang hindi," pilit na ngiti niya. Ngayon nakatitig na siya sa mga mata ko. "Ano? My goodness me! At talagang--" I was about to say more but my phone ring. "Che!" tugon ko sa kanya .Sumenyas na ako at umakyat na lang din. Hindi ko na siya pinansin. "Geoff. I'm coming!" Bilis na takbo ko. . . C.M.LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD