Xiru's POV . Remember Me . . "RM tayo, pre. Tutal dalawang oras naman break natin." . Inayos ko na ang gamit sa ibabaw ng mesa at kinuha ang laptop. Napatingin na ako sa oras sa relo. . "Sige. Saang banda ba?" "Sa RM ni Tinay. Masarap sila roon, pre. Matagal na din sila at kilalang kilala na. Hindi mo pa ba nasubukan ang sa Tinay Restaurant?" "Hindi pa, pre. Subukan natin." "Tara na. Gutom na ako!" Tipik niya sa balikat ko at sabay na kaming lumabas mula rito. . Ang kumpunan agad ng mga estudyante ang makikita mo sa bawat sulok. Ang iba sa kanila ay kumakain na at ang iba ay abala sa mga assignments nila. . "Hello, Sir!" tugon ng iilang mga studyante sa amin. . Ang kotse ko na ang ginamit namin ni Benny. May motor siya pero mas mabuting sa kotse ko na si