My handsome Boss

My handsome Boss

book_age18+
117
FOLLOW
1K
READ
billionaire
CEO
boss
mafia
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

si Ashley ay isang simpleng babae na ginagawa ang lahat para makatulong sa kanyang ina dahil bata palang siya nung namatay ang kanyang ama, Kaya simula noon siya na Ang katuwang ng kanyang ina sa hanap buhay. ngunit sa pag tungtong niya sa ciudad may makikilala syang isang matipuno at makisig na lalake na lihim niyang minamahal..ito ay ang kanyang boss.

ano ba ang dapat niyang gawin upang palambutin ang pusong bato ng taong kanyang iniibig.

ano Kaya Ang mangyayari sa kanya makabubuti Kaya para sa kanya Ang lalakeng minamahal niya o pagsisisihan niya lang ito sa huli.

chap-preview
Free preview
chapter 1. The beginning
someone's Pov. Isang abalang umaga ang sumalubong sa kanya ng araw na iyon ang dami nilang kailangan tapusin na trabaho. maagang naulila si Ashley sa ama, bata palang kasi siya nang mamatay ang kanyang ama dahil sa sakit sa puso. wala naman kasi silang sapat na pero para ipagamot ang kaniyang ama, kaya hindi na naagapan ang kanyang ama. galing sa mahirap na pamilya si Ashley na nakatira sa isang probinsya. gustuhin man nilang ipagamot noon ang kanyang butihing ama ngunit walang wala naman sila. ang tanging kayamanan lang ang mayroon sila ay ang respeto sa kapwa at pagmamahal sa pamilya at education. mabubukit lang kasi ang kanyang ama at ang kanyang ina naman ay tumatangap lang ng labada paminsan sa kanilang kapit bahay na may kaya sa buhay, at maliit lang din ang kita dahil hindi naman araw-araw nag-papalaba. may kapatid pa siyang nag-aaral sa grade six kaya kumakayod talaga siya para lang matulungan ang kanyang ina at kapatid. umalis siya sa kanilang probinsya pagkatapos niya ng high school. ***nakaraan*** "anak pwede mo ba itong ilako ang mga gulay na pinitas natin kaninang umaga sa ating taniman, itong talong at saka pechay wala na kasi tayo pambigas e,." Sabi ng nanay niya. "opo mama, ako na po bahala magbenta niyan mga gulay." "salamat anak." "Wala po yun ma. tayo nalang kasi ang nandito sa bahay ngayon kaya kailangan nating mag-tulungan. at Isa pa mama siguro kailangan ko na muna tumigil sa pag-aaral para mas matulungan ko po kayo." anak yan ang huwag na h'wag mong gagawin dahil mahalaga ang edukasyon tsaka last mo na to sa high school at Isa pa isang buwan nalang graduation na hindi ba?! opo mama pero kasi nahihirapan na kayo sa paghahanap buhay. wag mo akong alalahanin anak bahala na kung nagkanda-kuba man ako sa pagtatrabaho basta makapag-aral lang kayo ng kapatid mo. dahil yan lang ang maipapa mana namin sa inyo. at kayo narin ang tutupad sa pangarap namin ng papa mo na hindi namin nagawang tuparin noon dahil sa hirap ng bahay. -- habang nilalako ni Ashley ang mga gulay ay nakasalubong niya ang kaniyang mga kaibigan na sina Anna suarez at levi Agustin. Kaya nag-usap muna sila saglit. hoy reyna ng mga gulay! tili ng kaibigang bakla na si Levi. uy! saan kayo galing levi , Anna? ah, dyan lang sa malapit sa school nag computer kasi kame dahil chi-nat ko ang tita ko na nakatira sa maynila dahil nagpatulong kame ni Levi na mag hanap ng pwedeng gawing part time job dahil gusto namin maging working student ayaw ko kasi na tumigil sa pag-aaral gusto ko pa mag college. sagot ng kaibigang si Anna. ikaw ba reyna ng mga gulay ano balak mo pagkatapos ng graduation natin hindi kana ba mag aaral ng college? kasi sayang naman girl matalino ikaw tapos hindi mo itutuloy ang studies mo saka pwede ka naman kumuha ng scholarship. aniya ng kaibigang si Levi. oo, nga naman Ashley bat di ka nalang kaya sumama sa amin sa maynila at ipag patuloy ang kolehiyo dahil pwede ka namang kumuha ng scholarship dun tapos pwede karin maging working student. pagsang-ayon ni anna sa sinabi ni Levi. syempre gusto korin mag patuloy sa pag aaral pero hindi naman kaya ni nanay yun, kaya gusto kong mag trabaho para kahit papaano ay makatulong ako kay nanay at sa kapatid ko. sagot ni ashley. sakto pwede kang sumama sa amin sa maynila dahil doon maraming pwedeng applyang trabaho at magpatulong tayo sa tita ko na nagtatrabaho sa isang company. sagot ng kaibigan sa masayang tono. naku hindi ako tatangapin dun kasi high school graduate lang ako dahil company Yun! puros mga college yun dun nagtatrabaho malamang at nakaka hiya naman sa tita mo Anna. gage! matagal ng nakatira dun sa maynila si tita ko, malamang marami na yun kilala dun at marami na yun alam kung saan tayo pwedeng mag apply ng trabaho, sige na pumayag kana! pagkukumbinsi ni anna. Reyna ng mga gulay kung ako sayo e, grab mo na ang chances bago mahuli ang lahat, you haved you're dream so don't loose hope besides pwede ka naman kumuha ng scholarship then at the same time maging working student like us. pwede ka parin mag ipon para sa nanay at kapatid mo girl. kasi pag scholar ka bibigyan ka ng allowance ng school so ang sasahurin mo pwede mong ipadala sa nanay mo dito. sagot ni Levi. sige pero mag papaalam muna ako kay nanay baka kasi hindi papayag yun. sagot ni Ashley sa maga kaibigan niya. at pagkatapos nilang mag-usap ay itinuloy na niya ang kanyang paglalako ng mga gulay. ngunit habang nilalako niya ang kaniyang mga gulay ay iniisip niya ang mga sinasabi ng kanyang mga kaibigan kanina mapag kakatiwalaan naman ang kanyang mga kaibigan dahil mga masisipag naman ang mga ito mag aral hindi puro kaartihan lang dahil may pangarap din ang mga ito tulad ng kaibigang si Levi gusto magpatayo ng parlor at si Anna naman ay gustong maging flight attendant at maging isang model. pagkarating ng alas singko ay umuwi na siya, masaya siya kahit hindi man naubos ang kanyang benta pero marami naman ang kanyang naibenta at meron na sila pambili ng bigas. kaya malaki ang ngiti niya habang pauwi sa bahay nila. lumipas ang isang buwan ay graduation na ni ashley kaya masaya siya at ang kanyang nanay. sinabi na niya sa kanyang nanay ang balak niyang pagsama sa kaibigan papuntang maynila nung una hindi pa nito pumapayag pero kalaunan ay napapayag narin niya. ***kasalukuyan*** Kaya eto siya ngayon nagtatrabaho bilang isang kasambahay sa isang mayaman pero hindi pa niya nakikilala ang binatang amo daw niya dahil wala ito sa bahay ngayon dahil out off town daw sabi ng nagpakilalang yaya daw ng kanilang amo nasi manang cellia, mabait naman ang matanda ngunit hindi niya lang alam kung mabait din ba ang kaniyang boss. dahil wala ito sa bahay ngayon, sila lang dalawa ni manang cellia ang nakatira sa bahay ngayon. marami siyang kailangan linisin ngayong araw pero tinutulungan naman siya ni manang cellia. malaki ang bahay kung saan siya namamasukan ang kusina palang nito ay parang ang kabuuang bahay na nila sa probinsya pero dito kung saan siya nagtatrabaho ay kusina palang ito. mala palasyo kasi ang laki ng bahay. at kapag aakyat ka sa taas ay mapapagot ka kaagad dahil ang haba ng hagdan 5 palapag din ang bahay at sobrang lawak nito. talagang nga mayaman talaga ang may ari. may elevator naman din ang bahay. kahit nakakaramdam na ng pagot si Ashley sa paglilinis ng malaking bahay ay kinakaya niya, kahit pagod at tagak-tag na ang pawis niya sa katawan ay binabalewala lang niya dahil iniisip niya ang kanyang nanay at kapatid na nara probinsya. at gusto niya rin makaipon para sa darating na enrollment ay mag aaral siya, itutuloy niya ang kaniyang pag kokolehiyo. para balang araw mas matutulungan niya ang kanyang nanay na paaralin din ang kaniyang kapatid at para magpapa hinga naman ang kaniyang nanay sa pag tatrabaho sa bukid dahil may katandaan narin ito. masipag si ashley lalo na para sa kanyang pangarap at pamilya kaya ginagawa niya ang lahat mapa mahirap man o hindi basta maabot niya lang ang kayang pangarap. kaya niyang tiisin ang lahat. balak niyang kumuha ng kursong business ad. o (BA) dahil pangarap niyang magpatayo ng negosyo balang araw para sa pamilya niya. bago siya magsimulang magtrabaho dito ay sinabi niya sa nag recruit sa kanya na gusto niya mag aral ng college habang nagtatrabaho siya dito at pumayag naman ang magiging boss niya pero hindi siya ang kumausap dito kundi ang empleyado nito sa companya na pagmamay ari din ng magiging boss niya. Simpleng babae lang si Ashley walang arte sa katawan. hindi mahilig sa makes-up hindi naman na kailangan iyon dahil maganda naman na si ashley at morena. at marunong makisama , madali lang niya nakakasundo ang mga tao na nasa paligid niya. alas 4 na ng hapon na siya natapos sa paglilinis ng malaking bahay at pagod na pagod siyang naupo sa kanyang kama. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya dahil sa sobrang pagod dahil sa paglilinis. Nagising nalang siya sa sunod sunod na katok sa pinto ng kanyang kwarto. Nung buksan niya ang pinto nabungaran niya si manang cellia ito pala ang kumakatok sa pinto na nagpagising sa kanya. Dahil tinatawag na siya nito para maghapunan dahil alas 8:00pm na pala ng gabi at hindi pa siya naghaha punan. Hindi kasi niya namalayan na gabi na pala dahil nakatulog siya sa sobrang pagod. Pagbangon niya kanina ay biglang nanginig ang kanyang mga tuhod, pati mga braso,binti at balakang niya ay sumasakit. Inisip niya siguro ay dahil iyon sa pagod at matagal siya kaninang nakatayo habang naglilinis, kaya dahan-dahan lang ang pagbaba niya ng hagdan papuntang kusina nasa 3rd floor kasi ang kanyang kwarto. may elevator naman pero ayaw niyang gamitin iyon dahil natatakot siya, kaya sa hagdan nalang siya dumadaan. "oh, iha, kumain kana d'yan ng hapunan dahil alas 8 na ng gabi at masamang nagpapalipas nang gutom." "opo manang pasensya na po nakatulog kasi ako nang hindi ko namalayan." Sagot naman ni Ashley na may pakamot- kamot pa sa ulo. "kayo po manang hindi po ba kayo kakain.?" "kumain kana d'yan dahil tapos na ako kanina pang alas 7pm. tinatawag kita para sana sabay tayo pero hindi ka naman suma sagot ay dahil tulog ka pala." Ang sabi ng matanda kaya medyo nahiya si Ashley dahil bago palang siya ay ganon na ang ipinakita niya kahit sabihin man na hindi ito ang amo niya pero pakiramdam niya nakaka hiya parin yun. "pasensya na po ulit." hinging paumanhin ni Ashley. "ayos lang yon! naiintindihan ko dahil bago ka palang dito at Isa pa alam kong hindi ka sanay na maglinas ng ganito kalaking bahay buti ka pa nga nakayanan mong tumagal dito ikaw palang ang umabot ng tatlong araw dito dahil ang iba ay sumusuko na agad. pakakita palang nga sa bahay at malaman na araw-araw itong lilinisin ay suko na agad. oh! siya sige kumain kana d'yan. at bamalik kana sa pagpapahinga dahil panibagong araw na naman bukas." Sabi ng matanda at tumango-tango naman si Ashley sabay ngiti. Habang kumakain si ashly naisip na naman niya ang kanyang nanay at kapatid. Kung kumain naba ang mga ito o hindi dahil minsan wala naman silang pambili ng bigas. Kahit na masarap ang mga ulam na nasa harapan niya ay wala siyang gana kumain dahil parang nokokonsensya siya sa isiping siya masasarap ang mga pagkain kinakain araw-araw tapos ang nanay at kapatid niya hindi. iniisip niya sana may saging saba na nakuha ang kanyang ina sa bukit para may makain ang mga ito. ganon kasi sila sa probinsya kung walang bigas saging ang niluluto para may makai. Kaya ang plano niya na pagdating ng sahod niya ay ipapadala niya ang higit sa kalahati ng sweldo niya dun sa nanay niya para pangbili ng isang sakong bigas. --- Pagdating ng linggo ay day off niya nag usap silang magkaibigan na magkita sila sa isang mall. si Anna at si Levi ay magkasamang nagtatrabaho sa isang restaurant bilang cashier si Anna at si Levi naman ay waiter. Doon din sana ang gusto niya para magkakasama lang sila dahil hindi naman niya kabisado ang maynila kaso lang wala na daw bakante kaya ang ino-fer sa kanya ng tita ni Anna ay ito kung saan siya ngayon nag tatrabaho bilang kasambahay. Wala namang problema Kay Ashley iyon dahil ang mahalaga sa kanya ay makaroon siya ng trabaho para hindi naman masayang ang pag punta niya sa manila at nahihiya siya sa tita ni Anna kung mag-iinarte pa siya. Kaya kahit na kasambahay ang ino-fer sa kanya ay tinangap niya ayaw din kasi siya maging pabigat sa ibang tao. Kahit pa mahirap ay kakayanin niya dahil naniniwala siya sa kasabihang basta may tiyaga may nilaga. Ikinwento niya sa mga kaibigan niya kung gaano kalaki ang bahay ng amo niya at Kung gaano siya napagot mag linis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
20.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.5K
bc

His Obsession

read
97.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
155.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
7.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook