“Jasmine!” tawag sa kanya ni Kurt, kasama nito sina Clyde, Jayden at Kayden na nakaupo sa bench sa ilalim ng puno, nasa loob sila ng campus at dismissal time na. Araw-araw silang sabay sabay na umuwi dahil nakatira silang lima sa iisang subdivision.
“Hindi ako sasabay, guys.” bungad niya sa mga ito bago lumingon sa kasama. It’s Ken, her suitor. They were still in third year highschool when he started courting her. Ngayong graduating na siya ay nagdecide siyang bigyan ito ng pagkakataon dahil mukha namang mabuting tao ito, and besides he’s cute! Varsity player ito sa school nila at talagang crush ng mga babae lalo na ng mga junior nila.
“Wala ka pala, Kurt eh!” ngising sambit ni Jayden.
“Sorry, naunahan ka na talaga.” sabi naman ni Kayden.
“What are you talking about?” naguguluhang tanong niya sa dalawa saka lumingon kay Ken.
“Halika na, Ken.” yaya niya rito saka hinatak ang palapulsuhan ng binata.
“Jasmine, you’re coming home with us.” Kurt said in a stern voice.
Pinagmasdan niya ito, seryoso lang itong nakatingin sa kanila. No, sa kamay pala niya na naka-hawak sa palapulsuhan ni Ken ito nakatingin.
“Nope. Ihahatid ako ni Ken.”
“Ako na ang bahala sa kanya, mga pre.” cool na sabi ni Ken na awtomatikong nakapagpa-ngiti sa kanya.
“You see that smile, Kurt?” bulong ni Clyde na rinig naman niya.
“Shut up, Clyde.” seryoso pa ring sabi ni Kurt.
“What’s the problem? Ngayon lang naman ako hindi sasabay sa inyo ah?” sabi niya.
Bumuntong hininga si Kurt saka pinag-krus ang mga braso sa dibdib, “That’s the problem. Pagagalitan ako ni Tito Marx, and besides, we don’t know if we can trust that guy. Baka kung saan ka nyan dalhin.”
“Hey, you got a problem with me?” reklamo ni Ken.
Tinapunan ito ni Kurt ng mabilisang tingin. “I’m not talking to you.”
“Well I am.” sagot muli ni Ken.
“So?”
Ramdam na niya ang tension sa pagitan ng dalawa ngunit hindi niya alam kung bakit. Kilala niya kung paano magalit si Kurt kaya pumagitna na siya sa dalawa. The five of them are childhood friends and they know about each other like siblings. Mandalas silang mag away-away ngunit mas madalas ang masasayang kalokohan nilang lima.
“Stop. I’ll go with Ken. I’ll just see you tomorrow guys.” sabi nya saka hinila na si Ken palayo sa apat dahil baka kung saan pa umabot ang usapang iyon.
Masayang sumakay siya sa kotse ni Ken, hindi pa man sila nakakalabas sa gate ay nabusinahan na sila ng kasunod na sasakyan. And she know that car, it was Kurt’s. Malakas itong bumusina at saka sila nilampas at pinaharurot ang sasakyan.
“What’s with that Kurt guy?”
“He’s just overprotective.” balewalang sagot niya.
“Really? I think it’s more than that.” anito na nakapagpalingon sa kanya.
“What do you mean?”
“Never mind. Let’s grab some snacks before I drive you home.”
Sa isang snack bar sila nagpunta upang mag-meryenda, masarap kausap si Ken kaya hindi na nila namalayan ang oras. Halo magdadalawang oras na sila doon, siguradong hinahanap na siya sa kanila. Bente minutos ang tinagal ng byahe nila mula sa school campus nila hanggang sa subdivision nila. Nang makarating sa gate ng bahay nila ay nandoon ang daddy niya na nag-aabang sa pagdating niya.
“Hi dad!” ngiting bati niya pagbaba sa kotse ni Ken. “Uhm this is Ken.”
“Good afternoon, Sir.”
Hindi nito pinansin si Ken at nanatiling nakatingin lang sa kanya, “Where have you been young lady?”
“School?”
“Huwag mo akong pilosopohin. Bakit hindi ka sumabay kina Kurt?”
“Dad, Ken just brought me home. Could you at least say thank you?” reklamo niya.
“I told you to always go with them when going home.” seryoso na ito.
“Dad, 16 na ako. I can go home on my own, and I have other friends aside from them.” sagot niya.
“And that includes going home late?”
“Sir, I acknowledge the fault of getting her home late than usual. Nag-,meryenda lang ho kami sa isang snack bar malapit sa campus.”
Lumingon and daddy niya kay Ken, “Yes, young man. And you should go home now. Jasmine Antoinette, you’re grounded for a week.”
Lumaki ang mga mata niya sa sinabi ng ama, “What?!”
Sabay sabay na lumabas sa gate ang apat na kulugo nang sumigay siya. The siblings were still munching something while Kurt and Clyde were in serious faces.
“I hate you, Kurt!!” sigaw niya bago tumakbo papasok sa bahay nila.
She didn’t get why his Dad always favors Kurt. Minsan iniisip niya kung anak ba nito si Kurt at ampon lang siya. Or just because her dad wanted a son. It’s kinda unfair because she always do what he wants, lalo na noong mamatay ang mommy niya. She became one of the boys, she even played toys for boys, her hobbies are extremely dangerous at kasama niya ang apat na kulugo sa lahat ng iyon. But she still has her feminine side and they need to understand that!
Maya-maya ay narinig niyang may kumatok sa pintuan ng kwarto niya. The door opened and Kurt went inside her room. Binuklat niya ang isang libro na nasa kama niya upang hindi pansinin ang binata. He stayed there for a few minutes without saying a thing, then he walked towards her and put a small black box beside her.
“Sorry.” sambit nito saka naglakad palayo at palabas ng pintuan.
She stared at the box for a few seconds, “Ano to, suhol?!” inis na sambit niya saka ibinato sa nakasaradng pintuan ang kahon.
“I hate you!” she shouted to no one. Humiga siya at nagtalukbong ng comforter.
--
Kurt Morris and Jasmine Antoinette Dmitriu's story.
Chief x Croft : Luxe Series Book 2