"Bakit hindi pa kayo natulog?" nagulat si Jessica nang pagpasok nila ni Samuel ay nasa sala sina Francis at Carter. "Sabi kasi ni Tito Francis, may good news daw kayo sa akin." Sumagot si Carter. "Good news?" Tiningnan ni Jessica nang masama si Francis. Kailangan ba talaga nitong gisingin ang kanyang anak? "Tell me about it, Mom.” Sabi ni Carter. "But it's already late, you should go back to sleep. Bukas na lang, okay?" Sinubukan niyang kumbinsihin si Carter na ipagpabukas na lang ang magandang balita kung anuman ‘yon kasi ang totoo ay wala siyang ideya sa pinagsasabi ng bata. Kailangan pa niyang kausapin si Francis tungkol doon. Or baka naman… "Oh no," Carter was disappointed. Sa lahat ng ayaw ni Jessica ay ang makita si Carter na malungkot. Si Francis kasi, eh! "Alright, you're go