CHAPTER 13

1139 Words

Mga bandang alas-dos ng hapon ay umalis si Samuel dahil magkikita sila ni Ortega sa bahay nito. Sa tindi ng traffic mula sa Lapu-Lapu patungong Guadalupe, kailangan niyang umalis ng mas maaga. Nagpumilit si Carter kanina na sumama sa kanya pero pinigilan ito ni Jessica. Magaan ang kanyang loob para sa bata na para bang magkadugo sila. Kung sinuman ang ama ng bata, makakatikim ito sa kanya dahil sa pag-iwan nito sa mag-ina! Malaki ang kanyang pasasalamat kay Francis dahil sa ginawa nitong kabutihan kay Jessica at sa anak nito. Kung hindi dahil kay Francis, baka kung saan na napunta ang mag-ina. Sa mata ng diyos at sa mata ng tao, kasal pa rin silang dalawa kaya may pananagutan siya sa babae. Hindi niya ito pababayaan kahit na nagkaanak ito sa ibang lalaki. "Bilib na talaga ako sayo, Ort

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD