Natawa si Samuel sa sinapit ng kanyang mukha. Akalain ba niyang, bading pala ang lalaking iyon? Kung alam lang ng Francis na iyon na pinagselosan niya ito dahil kay Jessica, to the point na gusto niya itong patayin, sigurado siyang pagtawanan lang siya nito. Ano ba ang nangyari at lubos siyang minalas? Una ay sinampal at sinipa siya ni Jessica at pagkatapos ay biglang dumating ang lalaking iyon at niyakap siya bigla. Kaagad niyang sinuntok ang mapangahas na lalaki ngunit marunong itong umilag. Hanggang sa inatake siya nito katulad ng isang pusang gala. Tuloy, puro galos ang kanyang mukha. Posible bang magkaanak ang isang bakla sa babae? Paalis na siya mula sa resort nang mamataan ang grupo ni Jessica at hindi siya nagdalawang-isip na sundan ang mga ito. Habang si Jessica ay kasalukuyang