Isusubo na sana niya ang pagkain nang mapansin niya ang bagong dating na customer. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makagalaw sa kanyang kinaupuan. Hindi siya maaaring magkamali o linlangin ng kanyang mga mata dahil si Jessica talaga ang kanyang nakita. May kasama itong bruskong lalaki at isang bata. Sinundan ng kanyang mga mata kung saan naupo ang tatlo at lihim siyang nainggit sa kanyang nasaksihan. Napakagat si Sam sa kanyang labi habang pinagmasdan ang babae mula sa malayo. Nang inagaw ng batang lalaki ang kanyang atensyon, tinanong niya ang kanyang sarili kung talaga bang minahal siya ni Jessica dati o napilitan lang itong magpakasal sa kanya? Kung tama kasi ang hula niya, simula nang umalis si Jessica sa bahay ay lumipat agad ito sa kandungan ng ibang lalaki at nagpabuntis. Nag