bc

The Taste of Lj (Cougar Series # 48)

book_age18+
850
FOLLOW
2.7K
READ
possessive
age gap
sweet
bxg
serious
city
servant
selfish
seductive
like
intro-logo
Blurb

I will make sure that he wouldn’t want like to taste another woman. Only just the taste of Lj.

-Lj Albano

After LJ’s husband, Lito, died, she did not try to find another man to love and live with. She just focused on her business and on her life. Because for her, Lito was the only man she would ever love in her whole life.

However, some things changed after Lj went to visit her cousin. That time, she was looking for a personal driver. She was afraid to drive again because it was the reason of his husband’s death. Lj’s cousin- Aya introduced Randal to her and recommended him to be her personal driver then the 34 year old widow agreed because she badly needed a driver.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob nila sa isa't-isa.

Magiging hadlang nga ba ang pitong taong agwat nila isa't-isa? Ano nga ba ang mas matimbang ang edad o, ang kanilang pagmamahalan? Ang estado sa buhay o, ang sarap ng pag-ibig na pinaramdam nila sa bawat isa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1-Lj
“Ay, Lj bilisan mo na riyan sa banyo!” sigaw sa akin ng kaibigan kong si Joanne. Kasalukuyan akong nakalublob sa bath tub ng aking banyo mag-iisang oras na ako kaya panigurado akong inis na inis na sa akin si Joanne aalis pa naman kami ngayon sa lugar ng aking pinsan na si Aya. Birthday kasi ngayon ng anak niyang babae at magpipitong taon na ito kaya pinaghahandaan talaga nila ito. “Lj, ano ba? Lalabas ka pa diyan o, riyan ka na sa tub mo mismo sasakay ng bangka?!” galit na nitong tanong sa akin, habang kumakatok sa pintuan ng banyo. Loko-loko talaga ang babaeng ito. “Ito na palabas na po,” pasigaw kong tungon sa kanya, sabay ahon sa tub at saka nagbanlaw. Paglabas ko ng banyo ay hindi na maipinta ang pagmumukha ng best friend ko ang noo niya ang parang kinuyumos na papel na. Hindi pa talaga siya nasanay sa akin. “Nakalimutan mo na bang nasa kabilang isla pa, nakatira si Ayana?” mariin niyang tanong, habang nakapamewang. “Ito na po magbibihis na po, Nay,” pabirong tugon ko sa kanya, saka tuluyang nagbihis sa walk-in closet ko. Simpleng damit lang ang sinuot ko dahil isla naman ang pupuntahan namin. Malapit lang sa isla ang lugar ko kung kaya’t beach resorts and hotel ang naging negosyo ko rito sa Palawan. Ang Starlight Hotel and Resorts sa loob ng apat na taon ay napalago ko ito ng maayos at hanggang ngayon ay dinadagsa pa rin ito ng mga tao. At sa loob din ng apat na taon ay ito na ang naging negosyo ko na pinagtuunnan ko na ng pansin. Bahay, trabaho lang palagi ang routine ko sa araw-araw minsanan lang nga din akong umuuwi rito sa bahay dahil may kwarto naman ako roon sa Starlight mas mainam kasi kung nandoon na lang ako para wala ng hassle. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad ako sa walk-in closet at nadatnan ko si Joanne na tumitipa sa cellphone niya. Ngunit napatingin naman agad ito sa gawi ko at tinago na agad nito ang cellphone niya. “Halika na, at baka maabutan na tayo ng alas kwatro,” masungit nitong turan sa akin, at kinuha na nito ang duffel bag namin sa kama saka tuluyang lumabas ng aking kwarto. Napapailing na lamang ako habang nakasunod sa kanya inip na inip na siya kakahintay sa akin parang hindi na nasanay. Nang makababa na kami ay nagpaalam muna ako sa aking katulong na si Mae pina alam ko rin sa kanya na bukas pa ako ng hapon makakabalik ulit dito sa bahay. Kaya naman binilinan ko itong huwag na huwag magpapasok ng bahay nang hindi niya kakilala. Naka lock naman ang kwarto at library ko sa taas at naka attach din sa phone ko ang footage ng CCTV, dito sa bahay kaya kahit mawala ako ng isang araw ay wala akong dapat ikabahala. “Lj, nag text pala sa akin si Aya na nakahanap na raw siya ng bagong driver mo at nandoon na raw sa bahay nila,” wika ni Joanne, habang nasa sasakyan na kami maya-maya lang binuhay na niya ang makina ng kotse ko at saka na namin tuluyang nilisan ang bahay. “Mabuti naman kung ganun,” tugon ko naman sa kanya. Simula kasi noong namatay ang asawa kong si, Lito ay hindi na ulit ako nagtangka pang magmaneho dahil iyon ang dahilan kung bakit nawala siya. He died in a car accident and I’m the one who’s driving the car that time. Kaya hindi simula nu'n ay hindi na talaga ako nagmaneho dahil takot na akong ma aksidente ulit at baka may bawian na naman ng buhay. Mabuti na lang at napakiusapan ko si Joanne na siya na ang maging driver ko pansamantala. Pero bukas nga ay hindi na dahil may negosyo ring inasikaso si Joanne kaya nagpahanap ako sa pinsan ko ng magiging driver at mabuti na lang ay may nahanap naman siya agad. Sandali lang ang binyahe namin ni Joanne dahil malapit lang din naman ang bahay ko sa dagat. Pagkatapos niyang e park ang kotse ko ay bumaba na rin kami at kinuha ang mga duffel bag namin sa backseat. Safe rito ang kotse ko dahil kilala na ako ng mga bangkero at sila ang inaasahan kong bantayan ang kotse ko. May bangka na ring naka abang sa amin kaya lumapit na kami roon at sumakay malapit lang naman ang bahay ng pinsan kong si Aya kaya hIndi rin kami magtatagal sa bangka. Habang nasa biyahe kami ay kwentuhan at tawanan lang kami ni Joanne at hindi namin namalayang nakarating na pala kami sa aming destinasyon. Pagkababa namin ay nagpasalamat agad kami sa bangkerong humatid sa amin at saka na namin tinungo ang bahay nina Aya sobrang lapit lang kaya narating din agad namin ito. “Lj, Joanne!” nagtitilihang sigaw agad sa amin ni Aya, pagpasok namin sa bahay nila. Sanay na kami ni Joanne sa ganitong reaksyon niya ‘lagi itong sabik kapag nagkikita-kita kaming tatlo. Minsan lang kasi kaming dumalaw dito ni Joanne busy din kasi kami at kung minsan ay si Aya naman ang bumibisita sa amin sa Starlight. “Uy na miss ko kayo,” wika niya, sabay lapit sa amin at kaagad kami nitong niyakap isa-isa. “Na miss ka ka rin namin, Aya,” malambing ko namang saad sa kanya ng kumalas na kami sa pagkakayakap. “Pasensiya ka na at wala kaming dalang pasalubong sa’yo, biglaan kasi itong pagbisita namin,” saad naman ni Joanne “Asus! Ayos lang para kayong others e,” tugon naman agad ni Aya at hinila na niya kami papunta sa dinning area ng bahay nila. Maraming pagkaing nakahain sa mahabang nilang mesa halos mapuno ito sa sobrang dami. Talagang naghahanda si Aya sa tuwing dadalaw kami rito sa bahay nila buti na lang at hindi nagagalit ang asawa niyang si Luigi sa tuwing dadalaw kami rito sa tingin ko kasi ay parang mauubos ang stock nilang mga pagkain. “Kumain na tayo, at magtatanghali na rin naman,” aya niya na agad sa amin, at dahil gutom na rin kami ni Joanne ay nagsiupo na rin kami sa dining chair at kumain. “Siya nga pala, Aya ang sabi mo kanina nandito na sa bahay ninyo ang magiging driver ni Lj?” tanong ni Joanne kay Aya habang kumakain kami. “Umuwi pala muna siya dahil nagkasakit ang anak niya,” tugon naman agad ni Aya. “Pero babalik din iyon bukas ng umaga,” dagdag pa ni Aya. “Bakit nasaan ba ang asawa niya?” tanong naman ni Joanne. “Single parent si Randal kaya siya talaga nag-aalaga sa anak niya kapag may sakit,” tugon naman ni Aya. “What? E, baka naman hindi siya makapagfocus niyan sa pagtatrabaho kasi single parent siya,” nababahalang saad ko kay Aya. Paano na lang kapag naging driver ko na siya at bigla na namang magkasakit ang anak niya? E, ‘di mauudlot din ang trabaho niya mawawalan ako ng driver nito kapag nagkataon. Hindi pwedeng iyon lalo na’t napakarami kong pinupuntahan sa araw-araw. “Hindi iyan, Lj iiwan niya naman kasi ang anak niya sa nakababata niyang kapatid,” tugon naman ni Aya. “Sure iyan, Aya ha? Baka mamaya niyan pumalpak ang driver na iyan,” wika naman ni Joanne sa nambabanta nitong boses. “Hindi ah? Mabait at responsable naman si Randal at maasahan kaya nga siya ang pinapatawag namin ni Luigi sa tuwing may sira ang kotse namin.” “Tulong na rin namin iyon sa kanya kasi nga single parent siya. Alam niyo hanga ako sa lalaking iyon dahil kahit na mahirap ang buhay nila at kaya niynag buhayin ang kapatid at anak niya, wala siyang inaayawang trabaho minsan da-dalawa o, tatlo ang trabaho niya sa isang araw para lang mabuhay silang tatlo,” kwento pa ni Aya sa amin. Napangiti ako sa aking narinig talaga naman pa lang masipag ang Randal na iyon kaya tatanggapin ko siya bilang personal driver ko para na rin makatulong ako sa kanya at para hindi na siya magtrabaho pa ng dalawahan o tatlohan. Siguro naman ay kaya kong tapatan ang kikitain niya kung sakali, hindi naman sa pagmamayabang pero hindi ako madamot magpasahod at tumutulong din ako sa mga tauhan ko sa trabaho in case of emergency. Pasasalamat ko na lang din iyon sa kanila dahil sa kasipagan nila at pagiging matiyaga sa trabaho. “Ganun ba? E, ‘di tamang-tama pala na siya ang magiging driver ko,” saad ko, at isang ngiti agad ang tinugon sa akin ni Aya. “Korek ka diyan!” pag sang-ayon naman ni Joanne habang sumasandok pa ng kanin. Ngayon pa lang ay gusto ko nang makita ang Randal na magiging personal driver ko nakakaantig ng puso ang kwento niya. Ano pa kaya ang kwento ng buhay niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook