Gustong sabunutan ni Isla ang sarili. Siya na mismo ang nagsabi kay Alpheus na ayaw niyang maging katulad nina Marcus at Frida na nanakit sa damdamin niya pero heto siya ngayon at hindi naman mapakali habang hinihintay ang pag-uwi ng binata. Pinatungan niya lang ng roba ang pantulog. Nakakrus ang mga kamay niya sa tapat ng dibdib at patuloy na nanghahaba ang leeg kakatanaw sa labas ng mataas na gate, umaasang makikita na ang headlights ng sasakyan nito. Inuubos na siya ng lamok at nangangalay na rin ang mga binti niya. Kanina pa siya nakatayo roon. It was almost 11 o’clock now. Pero wala pa rin ito. Napasarap ba ang pakikipag-usap nito sa mga kaibigan? Natutop niya ang dibdib. Her chest hurt so bad. Nag-aalala siya nang husto. Aaminin niyang napamahal na sa kanya si Alpheus. Totoong p