H-hinalikan mo ako,” sambit ni Isla, nahaplos niya ang labi. Nagulat siya sa ginawa ni Alpheus. Hindi niya inaasahang hahalikan siya nito. His kiss was like a puzzle piece that fit perfectly into the crevice of her lips. Kahit na nang matapos ang halik ay dama niya pa rin ang lambot at init niyon. “Yes, I did,” anas nito, matiim ang pagkakatitig sa kanya. His throat moved as if restraining himself from touching her. “Can I… kiss you some more?” Katahimikan. Tibok ba ng puso niya ang kanyang naririnig o pintig ng puso nito? Taas-baba ang dibdib niya. If she allowed him to kiss her again, will she be able to stop him later? Lalo na at sa sarili niya mismo nanggagaling ang hindi matupok na apoy na nag-iinit sa kanyang kaselanan. Tumitig siya sa mga mata ni Alpheus. Intense lust was burni