Guminhawa kahit papaano ang dibdib ni Isla nang ma-install nang maayos ang vertical blinds sa opisina niya. Makabubuti iyon sa kanyang puso. “Maraming-maraming salamat po, Sir,” pasasalamat niya sa taong nagkabit ng blinds. Pagbukas niya ng pinto ay tatlong lalaki ang naglalagay ng CCTV sa tapat mismo ng opisina niya. “Ano iyan?” Kulang ang sabihing nagulat siya. “Baka naman gusto n’yong ilapit pa? Nahiya pa kayo. Parang gusto n’yo pa talagang itapat na lang sa mukha ko,” komento niya. Ang layunin lang yata ng nagpakabit niyon ay ang makita kung sino ang pumapasok at lumalabas ng kanyang opisina. Napakamot lang sa ulo ang tatlo. “Sino ang nagpakabit niyan?” Walang sumagot. “I’m the guilty party here,” sambit ni Alpheus. Nahawakan niya ang tapat ng dibdib. Bakit ba bigla na lang sumus
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books