Episode 2

1156 Words
            "Hay! Sarap maligo! Ang presko." Sumulyap siya sa ikinabit niyang wall clock sa room na iyon.      "Mag aalas kwatro na pala ang bilis naman ng oras ah!" Napapaisip siya.      "Kanina ay tanghali lang, at speaking of tanghali hindi pa pala ako naglalunch." Naalala niya.            "Eh di isahan na lang pala para tipid lunch and dinner na." Sagot niya sa sarili. Dumako siya sa malaking cabinet.                  "Bakit nakaawang kaya ito?" Tanong niya sa sarili. Isinara at binuksan niya iyon ng mga tatlong beses siguro yon para makita kung ano ang deperensiya.           "Ahh maluwag na talaga siguro." Naisip niya.               "Maganda talaga ang ideya ko na tumira dito saglit para malaman ko ang mga may sira at makumpuni agad." Sabi niya sa sarili. Binuksan  na niya ito ng tuluyan para kumuha ng damit na isusuot ng araw na iyon. Nang may mapansin siya.              "Teka nasaan na iyong panty ko na blue?" Inisa isa na niya lahat ng nakasalansan na panty niya pero wala talaga doon. Balak pa naman niya na iyon ang isuot niya dahil magbublue siya ng t-shirt para iisang kulay ang suot niya. Mahilig siya sa mga ganoon kapag nag a outfit siya ng isusuot, yung terno lagi.                      "Tsk. Tsk! Nakalimutan ko ba iyon doon tinirhan ko? Wala naman akong iniwan doon kahit isa ah." Saloob niya. So tumagal pa siya ng ilang minuto sa paghahanap bago niya naipasya na huwag na iyon ang suutin.                     "Kakainis sayang naman!" Napapapalatak siya sa nadaramang pagkadismaya. Maingat kasi siya sa mga gamit at halos lahat ng mga damit ultimo panloob ay branded, ang rason niya ay pangmatagalan naman ang gamitan nuon.                       "Saan na kaya napunta iyon? Hanapin ko na lang bukas nga." Naisip niya. Nakatapis pa siya ng tuwalya at humarap sa salamin unti unti niyang pinakawalan ang katawan niya mula sa tuwalya na iyon, at tinignan niya ang kanyang kabuuan. Natutuwa siya sa nakikita, tamang tama lang ang kanyang dibdib at tayong tayo pa rin sa kabila na lagpas na sa kalendaryo ng edad niya at pagkatapos ay  maliit ang kanyang baywang na bumagay sa bilog niyang balakang, matatawag talaga siyang seksi.              "Kaya ang daming napapalingon sayo eh!" Kausap niya sa sarili, pagyayabang niya  Naisipan niyang hawakan ang kanyang matatayog na dibdib, ang lambot na mga iyon, at pinagapang pa  niya ang kanyang palad pababa  patungo sa tiyan, pababa ng puson at pababa pa. Nang sumapit iyon sa gusto talagang puntahan ay tumigil na siya.                 "Ano ba yan!Praning na yata ako??" Pagalit niya sa sarili.             "Para akong timang eh." Natatawa tuloy siya sa inaasal niya. Actually ay hindi na siya virgin dahil naibigay na niya iyon ky Zandro, akala niya kasi ay mahal na mahal siya talaga nito yon pala ay may gusto lang makuha. Bigla siyang nakaramdam na naman ng pagkainis sa sarili. Ang tanga tanga niya para mapaikot siya nito, pero isang beses lang may nangyari sa kanila at mula noon ay hindi na ulit siya nakaranas makipag s*x.      Hindi naman siya nasarapan isip isip niya, nasaktan lang naman siya nung gabi na yon at lalo na sinaktan pa siya nito ng sobra matapos niyang madiskubre na may totoo pala itong girlfriend. Fiance  na nga kung tutuusin at nasa ibang bansa lang kaya ayon nagloko muna ito bago magpakasal at sa malas niya ay siya ang biktima.         Pero minsan nakakaramdam siya ng pagkamiss sa lalaki na iyon kaya naisip niya siguro ay mahal pa niya talaga kasi sineryoso niya talaga si Zandro at katunayan ay ibinigay niya dito ang iniingatang yaman. Hindi pa naman iyon kasal ayon sa balita niya pero hindi na niya ipinaglaban dahil ayaw niya ng gulo. Isip isip niya kung siya ang mahal nito ay ipaglalaban siya dapat nito, na hindi naman nangyari dahil pinili nito ang fiance talaga nito.        Move on naman siya agad, ayaw niya sayangin ang oras niya sa pagmumukmok, focus na lang siya sa ibang mahahalagang bagay.      Nagmukha na nga siyang tanga tapos magpapakatanga pa siya sa paghiginagpis, lesson learn na lang kumbaga.             "Magdidilaw na lang ako ng t-shirt." Naisip niya, kaya nagsuot na siya ng yellow na panty at bra, then fitted maong pants at yellow na pang itaas, tinignan niya ang replika niya sa salamin.                   "Hindi kaya ako mapagkamalan na dilawan?" Biro niya sa sarili.           "Infairness seksi na dilawan." Sabay tawa siya, bakas kasi sa suot niya ang  itinatago niyang alindog.              "Hahaha!! Maglaway na lang silang mga mapagnasa." Wika niya sa sarili.       Very confident talaga siya lagi, isa iyon sa mga good attitude niya at hindi siya mahiyain, ginagamit niya rin ang charm niya lalo na sa mga kliyente niya kapag nagmimeet sila,  syempre para uulit. Kinuha na niya ang body bag niya na nakasukbit sa pader, lagi niyang bitbit iyon pag aalis, kumpleto kasi ang mga gamit na kailangan niya at hindi na niya inaalis doon iyon sa loob ng bag.. Huling sulyap pa at lumarga na siya           "Ooooooopppps! Bago ko makalimutan." Ang cellphone niya at susi ng motor, nakakapagod pa naman ang pag akyat at panaog lalo na at malaki ang house.      Palabas na siya ng mansyon patungo sa nakapark na motor niya, pero yung pakiramdam na may nakatingin sa kanya, kaya biglang lingon siya sa especially sa bintana ng room niya sa itaas, nakasara naman iyon. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay, feeling weird siya.             "Enebeyen Carina Mae,        mukhang napapraning ka ahh.." Saway niya sa sarili.       Nang maalis na niya ang damit ng kanyang motor ay binuksan na niya ang malaking gate, pero bago iyon ay napaisip siya.              "Ano kaya ang magandang kulay ng gate?" Iyon ang bibilhin niyang pintura.               "Siguro ay brown na may touch of white." Bukas ay balak niyang gawan ng graphic design para kopyahin na lang ng magpipintura.    Bago siya tuluyang umalis ay tiniyak niya na nakasara talaga ang main door at nakalock, iniwan niyang nakaopen ang ilaw sa sala at sa may labas ng pinto para mamayang pagbalik  niya.         Nang paalis na siya ay napansin niya ang katapat niyang bahay, isang babae na nasa mid age ang nakatingin sa kanya, mukha iyong mabait. Kinawayan niya ito bilang pakikipagkilala at siya ay bago sa lugar na iyon. Kailangan niya ng mga bagong kaibigan lalo na at mag isa lang  siya. Gumanti naman iyon ng ngiti, sabay pinaharurot na niya ang kanyang motor at tuluyang pumunta sa kabayanan ng probinsya na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD