NAGISING si Cierra sa isang haplos. Nag-inat siya nang katawan at napa-aray nang maramdaman ang sakit. “I sometimes forget that I’m not young anymore. And not sexually active as when I was in my twenties,” ungol niya.
“Gusto mong pumunta ng med bay?” May pagkabahala sa tono nito. “Do you think we overdid it?”
Umiling siyang tumayo at napakamot sa ulo. “I’m thirty five. Siguro s****l peak ko na.”
“Only thirty five? And you feel that you’re old?” He laughed. “I’m over five thousand years old.”
Napadilat si Cierra. “No s**t! You like you’re in your early thirties. And here I am looking older than you.”
Nag-mellow ang reddish eyes ni Loged at hinaplos ang ulo niya. “We live longer. Curious lang ako if ang mga asawang tao ng mga Fidrag ay ma i-extend ang buhay.”
Tumahimik si Cierra. Kung magkatotoo man, pano siya?
Tumayo si Loged at nag-inat ng katawan. “Cleansing unit, please.” Lumabas ang scanners sa ceiling at nilinisan ang lalaki. Lumingon ito sa kaniya, “Ikaw?”
Umalis siya sa kama at lumapit dito at hinayaang linisin siya. “May damit po ba ako, Master?” Nahihiya na siyang tawagin ito sa pangalan lalo na’t hindi na sila nagpapanggap na mag-asawa.
Kumuha ito ng leather shirt at ibinigay sa kaniya. “Puntahan mo si Evox mamaya para kumuha ng damit na sukat sa’yo.”
Dahil sa tangkad ni Loged, nagmukhang whole dress ang shirt nitong ibinigay sa kaniya. Kinuha rin niya ang inabot nitong sinturon at itinali sa bewang. Isinuot na rin niya ang kaniyang sariling sandalyas habang inirintas ang kaniyang buhok.
“May food processor dito pero hindi pa marami ang menus galing Earth,” sabi nito. “Baka matulungan mo kami.”
Tumango siya.
“At ni-record ko na ang boses mo rito kaya pwede kang mag-explore nang hindi nahaharangan,” sabi niya, “except na sa mga classified information.”
Tumango ulit siya. “Master, ano po ang itinerary natin?”
“May daily meeting ako sa mahal na hari, may invitation ako sa lunch sa isang noble family sa dulo ng capital, may titingnan kaming bagong paaralan.” Nag-isip pa ito. “Pero dito na siguro ako maghahapunan.”
“Ahmm…anong itinerary ko po ngayon?” Nakakahiya rin namang wala siyang ginagawa buong maghapon at maghihintay na lang kung kailang siya kakantutin ng prinsipe
Medyo napangiwi ang lalaki. “Punta ka muna kay Evox. At ipagluto mo ako ng hapunan. Gusto kong tikman ang putahe galing Earth.”
“Okay po, Master.”
Umalis ang lalaki at naiwan si Cierra sa silid. Nag-order siya ng kanin at tinolang isda at natuwa rin naman siya kasi available ang dalawa. Masarap naman ang pagkain although hindi talaga kuha ang lasa. Napag-isipan niyang subukang magluto gamit ang preskong ingredients.
“Anong pangalan mo?” tanong niya sa kwarto. Pero walang sumagot. “Virtual assistant?”
“What is your command, Mistress?” sagot ng robotic na boses ng isang babae.
“Anong pangalan mo?”
“FidragXVSGWT409358103947 of the Fourth Order, Mistress.”
“Ang haba.” Tawa niya habang ngumunguya. “Can I call you Miel? Namiss ko kasi kaibigan ko sa Earth.”
“If it pleases you, Mistress.”
“Miel, sabihan mo ako tungkol sa Royal Family, please.”
“Beloved King Onax Kr’Fura is the highest ruler in Northern Lands. He ruled for seven thousand and five hundred years...”
Napaubo siya. “Seven thousand five hundred! Wow! Antagal.”
“Beloved Queen Shata Kr’Fura is the ruler and protector of women in Northern Lands. Princess Nirsa Kr’Fura, deceased, died from the virus. Prince Loged Kr’Fura, future king. Prince Arzit, the ambassador. Prince Kirkal, the head of defense.”
Umiling siya. “Unfortunate naman at namatay ang prinsesa.”
Although alam niyang pwede naman siyang gumamit ng iba pang high tech facilities para linisin ang buong silid pero gusto niyang maaliw kaya siya na lang ang nag-ayos ng kama nila. Namumula ang kaniyang pisngi nang maamoy ang ebidensya ng kanilang pagniniig kagabi.
“In fairness, it was really hot.” She smiled. “I would be lying if I would not like it to happen again.”
“Mistress, tumatawag si Evox.”
Muntik na siyang matumba sa kama nang lumabas ang hologram at nakitang nakangiti si Evox sa kaniya. “Hello, Cierra. Nagpasabi ang mahal na prinsipe na tutulungan kita ngayong araw sa pag-aayos ng mga damit mo.”
“Be there in a sec.” Dali-dali siyang naglinis ng pinagkainan. Nagpatulong na rin siya kay Miel kung paano mapupuntahan ang opisina ni Evox.
“Did you have a wonderful night?” Nakangiti si Evox nang pumasok siya sa opisina nito. “Good mood ang mahal na prinsipe ngayon so pinag-isipan kong maganda ang samahan niyo kagabi.”
Uminit ang mga pisngi ni Cierra.
He waived his hand. “Oh, you’re face is turning red. Are you feeling alright? Pupunta ba tayo sa med bay?”
Napasapo siya sa mukha. “Humans blush when we feel embarrassed, shy or anxious.”
Napa-‘oww’ si Evox at dali-daling tinipa ang datapad. “Wow, akala ko kung napano ka. Never expected to see an interesting event today. Do you also change in other colors?”
Umiling siya.
He gave her a cheeky grin. “Well, dapat alam ko ang mga information tungkol sa human species. Para handa ako kapag nakatagpo ko na ang mate ko.”
“Excited kang magkaroon ng asawa?”
Sumayaw ang hikaw sa sungay nito nang tumango ang lalaki. “Sino ba namang hindi? I’ve been waiting for three thousand six hundred seventy nine years for her.”
Napanganga si Cierra. And she felt she was at the peak of her life at the age of thirty five.
“Turuan mo ako kung paano mapapaligaya ang asawa ko, Cierra.” Tila nag-korteng puso na talaga ang mga mata ng lalaki. “Nabasa kong nagbibigay ng bulaklak at pagkain ang mga lalaki niyo sa inyo, right?”
“Ah courtship.” Napabuntong-hininga siya bigla kasi biglang sumagi sa isipan niyang baka magpapaturo ito ng s*x. “Ano bang ginagawa ng mga lalaking Fidrag para makuha ang mga babae niyo? Or kailangan ba talagang asawa niyo lang ang ligawan niyo?”
He clucked his tongue. “Well, open kami sa s****l relations. Mind you, magkaiba ang s*x at mating,” pahayag nitong akalang inosente siya. “Pero kapag gusto naming makipag-s*x sa mga Fidrags, usually hinihila namin buhok nila at pipiliting lagyan ng hikaw ang kanilang mga sungay. Tapos sasampalin nila kami.” Kinilig ang lalaki sa alaala. “Tapos sasabunutan namin sila hanggang sa tumuwad – ”
Umubo siya bigla nang maalala ang ginawa ni Loged kagabi. “Don’t do that to human females, please.”
Inilagay nito ang palad sa dibdib at napatingin sa kaniya’y akala nainsulto sa binitiwan niyang salita. “I know, Cierra. Anliliit niyo kaya. Baka matanggal ulo niyo kapag hinila namin buhok niyo.”
Mabuti na lang talaga at hindi siya sinabunutan ni Loged. At nagpapasalamat na rin siyang gusto nitong matututo kung paano paligayahin ang isang babaeng tao.
Binigyan niya ng ngiti ang kausap. “Tutulungan kita sa larangang ‘yan. Pero limited lang ang knowledge ko sa experiences at sa mga nakita ko sa probinsya namin. Pwede ka ring humingi ng tips sa ibang babae na galing sa ibang Earth regions.”
Kumislap ang kulay dalandang mga mata nito. “Tatawagin natin ‘tong Project Cierra.”
Napaigik siya. “What the heck?”
Unlike Loged’s, his teeth were straight as he gave her a wide grin. “Kasi ikaw ang nakaisip nito. I’m so glad that you’re here.”
Napaisip si Cierra. Hindi rin naman masama kung magkakaroon siya ng partisipasyon sa proyektong ‘to. Siya ang pinakamatanda sa lahat ng kandidata. Trentay singko na siya at karamihan sa mga prospect brides ay nasa late teens hanggang mid-twenties. Though hindi naman siya promiscuous, active naman siya sa courtship at s*x life kahit andon siya sa Earth.
“Game ako diyan,” sagot niya. At least man lang hindi palaging s*x ang aatupagin niya.
“Game? Lalagyan mo ng laro ang project?”
Umiling siya. “Earth slang, meaning niyan ay okay ako sa proyekto.”
“Ooh, I like that.”
Pumasok sila ni Evox sa isang silid. Malawak ang lugar lalo na’t napapalibutan ito ng mga halaman. May malaking sofa rin sa sentro ng silid.
“Are you excited for some shopping?”
“Akala ko’y lalabas tayo.”
Umiling ang kausap. “Dito lang muna raw tayo sabi ng mahal na prinsipe. Baka gusto niyang siya mismo ang mag-tour sa’yo sa lugar. Sabi ko naman sa’yong mabait na amo si Prince Loged.”
Amo.
Kung hindi niya babantayan ang sarili, baka delikadong mahulog ang puso niya sa prinsipe. Andito siya para ihanda ang lalaki sa future bride nito.
Umupo siya sa sofa at napalundag sa gulat nang may lumabas na matandang Fidrag sa isang hologram.
Tumawa si Evox. “Si Strov, ang royal tailor.”
Pinakita nito sa kaniya ang usong mga damit sa mga kabataang babaeng Fridag noong ‘di pa namatay ang mga ‘to sa virus. Medyo nalungkot siya kasi ibibigay na lang ‘tong mga designs sa mga bagong salta sa planetang Terra Du. At dahil kulang sila sa babae, pati siyang isang alipin ay mabibigyan ng ganito kagandang damit.
Kaya hindi na siya nahiya at namili sa mga collections. Ayaw din naman niyang insultuhin ang sastre lalo na’t halata sa tinig nito ang excitement na ipakita ulit sa younger generation ang skills nito sa paggawa ng damit.
“Darating na ang mga damit mo mamayang gabi sa kwarto ng mahal na prinsipe,” pahayag ni Evox nang matapos siyang kuhanan ng measurements ng mga scanners at ipinadala kay Strov. “Now, our itinerary is…” Pina-excite pa nito ang boses. “Lunch with the queen.”
Tila nahulog ang panga niya sa gulat.
Tumawa naman si Evox sa kaniyang reaction. “Sana naman ganiyan ang future mate ko. ‘Yong hindi nagtatago ng emosyon.”
“Sorry.”
“Don’t be.” He shook his head as he guided her outside the room. “Mabait ang mahal na reyna kaya huwag kang mabahala.”
Hindi naman maiiwasang kabahan si Cierra lalo na’t ang babaeng may pinakamataas na posisyon ang haharapin niya ngayon. Ina rin ‘to ng kaniyang amo.
Pumasok sila sa isang silid na mukhang elevator. May mga pinindot si Evox. “Sa chambers ng queen tayo didiretso.” Lumabas ulit ang scanners mula sa gilid. “Let’s clean ourselves.”
“May dapat ba akong gawin kapag nakita ko ang mahal na reyna?”
“Ah, kung Fidrag, yuyuko kaming hahawakan ang pinakamalaking sungay namin.” Sagot nitong pumikit habang nakikinig sa humming sounds ng cleansing units. “Nakikita ko sa mga banyagang bumibisita, yuyuko silang hawak ang kanilang ulo lalo na’t wala silang sungay. Like your species.”
“Attached talaga kayo sa mga sungay niyo ano?” Aabutin sana niya ang sungay ni Evox pero natakot at natarantang umatras ang lalaki.
“Don’t casually do that, Cierra.” Hawak nito ang dalawang sungay na tila pinoprotektahan nito ang sarili. “Mapapagalitan ako ng mahal na prinsipe kapag nalaman niya.”
“Sorry.”
Bumuntong-hininga si Evox at matuwid na tumayo. Tiningnan nito ang sarili sa repleksyon ng metal na dingding ng silid. Hinaplos nito ang sungay bago nito pinatakbo ang mga daliri sa buhok. “Ang sungay ang sense of pride ng mga Fidrag lalo na’t sa ganitong anyo. When someone caresses your horns, it means they are extremely attracted or attached to you.”
Namilog ang mga mata niya.
“Minsan nakikipag-away ang mga lalaki kung hinahawakan o hinahaplos ng iba ang sungay ng kanilang mga babae.” He shivered. “Nakatanggap ako ng suntok non dahil na-stuck ang sungay ko sa hikaw ng isang mated female. Ayokong mangyari ulit ‘yon, Cierra.”
“Sorry, Evox.” She breathed. “Well, ilalagay natin ang impormasyong ‘to sa Project Cierra. What do you think?”
Umaliwalas ang mukha ng lalaki. “You’re really good.”
Lumabas sila sa elevator at napunta sa isang wing ng palasyo. The Beloved Queen’s Wing sabi ni Evox. May mga Fidrag na mga guards na nakahilyera sa koridor at ‘di maiwasang kabahan ni Cierra nang makita ang tangkad at tila rebultong mga anyo ng mga ito.
“Evox, may grocery stores ba kayo rito sa capital?” mahinang tanong niya.
“Are you really asking that, Cierra?” Tiningnan siya nito na tila isa siyang payaso.
“Gusto ko sanang tingnan ang mga fresh supplies niyo,” sagot niya. “Gusto kong amuyin kung ano ang klase ng amoy ng mga palengke niyo.”
He sniffed. “You humans are really cute. Sasabihan ko ang mahal na prinsipe sa request mo.”
Kumatok si Evox sa isang malaking pinto na gawa sa ginto. Lumingon ito sa kaniya at bumulong, “Ayaw ng mahal na reyna na lagyan ng high-tech gadgets ang chambers niya. Lalong ayaw niya sa mga virtual assistants at kung anong klaseng droids.”
Bumukas ang pinto at may matandang Fidrag ang ngumiti sa kanila. “Oh, andito na si Evox at ang human female, Mahal na Reyna.”
Nakita niyang nakayuko si Evox at hawak ang mga sungay nito kaya kinopya niya ang lalaki. Hindi niya kita kung saan sila pupunta kaya nagdesisyon siyang sumunod nalang sa likuran nito.
“Evox, I’m glad you’re here.” Malumanay ang boses ng babae. “Where’s the human?”
“Beloved Queen,” bati ni Evox. Hinawakan ng lalaki ang kaniyang braso at hinila siya paharap. “Cierra of Earth.”
“Beloved Queen,” mahinang bati niya rito, nanginginig ang mga kamay niyang nakakapit sa kaniyang ulo.
“Rise.” May command talaga ang pananalita nito.
Tumingala si Cierra at nagulat sa nakita. Hopefully, hindi nito kita ang pamimilog ng kaniyang mga mata at pag-awang ng kaniyang bibig. This was the mother of Loged? Holy horns! Ito na yata ang isa sa mga pinakamagandang alien na nakita niya. And she traveled across different planetary systems in this galaxy for three years.
The woman looked like forty. Makinis ang balat nitong kulay smoke gray. May pilak na kaliskis ito sa kamay, braso, balikat, baba, at noo na mukhang tattoo kung titingnang maigi. Matingkad na pula ang kulay ang buhok ng babae at may dalawang medium size na matulis na sungay sa ulo nito. Hugis puso ang mukha ng reyna, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Kung titingnan lang ang features, mukha talaga itong babaeng tao na makikita sa mga TV ads. Siguro ang sungay lang sa gitna ng noo at ang mahabang pointy ears nito ang naiiba.
Kaakit-akit talaga ang mahal na reyna at maganda rin ang hubog ng katawan nitong nababalot sa simpleng flowing na light green dress. Alam niyang apat ang naging anak nito pero parang dalaga pa rin ang tayo ng mga dibdib nitong hindi masyadong kalakihan.
Na-conscious bigla si Cierra kasi this woman was probably ten thousand years old but she looked still looked like a hot momma at forty years. Hindi katulad niyang thirty five at mukhang...well...thirty five or older. Kunsabagay, her life on Earth was not bed and roses kaya nahahalata na rin sa hitsura niya.
“You’re too small.” Tumayo ito sa kaniyang harapan.
Of course the queen stood at six feet or more. Her bearing was so regal that Cierra wanted to weep in anxiety.
“Halika, little human.” Inakay siya nito sa isang mesang gawa pa rin ng ginto. “I’ve been told last night that my son bought you. Did you have s*x already?”
Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan sa tanong ng mahal na reyna.
“You’re face is turning red.”
“Beloved Queen, napag-alaman kong namumula ang mukha ng mga tao kapag nahihiya o nababalisa. Normal reaction lang ‘yan,” balita ni Evox.
Her well-shaped eyebrows rose. “Interesting. Talking about s*x embarrasses you, human?”
“Talking about s*x with your son lang po,” mahinang sagot niya.
Ngumiti ang babae at nakita ang matutulis na mga ngipin nito. Nagmana siguro si Loged sa ina. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Ah, okay. But did you sleep with him last night?”
Kagat-labi siyang tumango.
Inilahad nito ang palad sa mesa. “Eat. Sinubukan kong mag-order sa food processor, ayokong gumamit non mind you, pero I thought about you.”
“T-thank you po, Beloved Queen.” Kumuha siya ng pizza na may bilog na toppings at kinagat ‘to. Not really bad.
Kumuha rin ito ng isang hamburger at sinumulang kainin. Tumatango-tango ito. “Is this how your food tastes? Interesting. Evox, kumuha ka ng isa.”
Dali-daling kumuha si Evox ng isang hotdog in a bun bago ito tumayo malayo sa kanila at tahimik na kumakain.
Dinilaan niya ang kaniyang pang-ibabang labi. “Ito po ang pagkain sa ibang rehiyon. Tinanong ko si Evox kung pwede ba akong makapag-grocery bukas. Susubukan kong magluto gamit ang mga ingredients mula rito.”
Lumiwanag ang mukha ng reyna. “That’s good. Huwag tayong magdependa sa food processors. I still like my food fresh and hot. Huwag mo akong kalimutang bigyan, ha.” Nang makita siyang tumango, lumingon ito kay Evox. “Sabihan mo si Loged na samahan si...” Ngumiti ito nang sumagot siya. “…Cierra bukas sa local markets at grocery stores. Siguraduhin mong bakante ang oras niya bukas.”
Ngumiti lang siya sa reyna.
Lumapit ang matandang Fidrag at binigyan ang babae ng gintong tela at ginamit itong pamunas ng bibig at kamay. Nakita nitong nakatingin siya. “I really love the color gold. It makes me feel so womanly.”
“Mahal po ang ginto sa probinsya namin,” aniya. “Minsan nagpapatayan pa ang iba dahil sa ginto.”
“Really?” the queen gasped. “It’s really common here. Hmmm…siguro gold na lang ang ibabayad namin sa Earth government instead of silver.” She looked at Cierra with knowing eyes. “You really gave me an idea. I’m glad you’re here.”
“Excuse me, Beloved Queen,” hinging permiso ni Evox. Nang tumango ang reyna, nagpatuloy ito, “I’m really glad that this human is here too. Sa katunayan, may gagawin kaming proyekto: Project Cierra. She would help me collect information about courtship of human females.”
“Oh!” napasinghap ang reyna. “That’s very good.” Lumingon ito kay Evox. “Kunin mo na ‘tong isang box ng picha at iwan niyo muna kami ni Cierra rito. Gusto ko siyang kausaping mag-isa.”
Dali-daling kinuha ni Evox ang kahon ng pizza at dalawang plato ng hamburgers bago ito yumuko at sumama sa matandang Fidrag na lumabas ng silid.
“Now that we are alone,” the queen tapped her clawed fingers on the table, “please tell me honestly if s****l i*********e with my son hurt you so much.” She held her hand on the air, stopping Cierra from speaking. “Hear me, please. Nakatanggap ako ng report ngayong umaga na nagrereklamo ang mga babaeng tao sa s****l i*********e sa kanilang bagong mga mates. At ayaw na ng mga birhen na maulit ito. Nalilito ang mga kalalakihan.”
She breathed. “I think I know where the misunderstanding came from, Beloved Queen. Ganiyan din nangyari sa’kin kagabi kay Loged pero na-settle na namin.”
“You did?” the queen’s eyes widened in surprise.
“Pasabihan na lang po ang in-charge niyo na iretrieve muna ang mga human p**n na nakikita ng mga lalaking Fidrag.” Napahaplos siya sa kaniyang leeg. “Hindi po ganon ang uri ng s*x ang dapat maranasan lalo na ng mga birheng tao. I actually got hurt last night pero pinaintindi ko sa mahal na prinsipe.”
Walang hikaw ang sungay ng reyna pero tila nangingislap ito ng matamaan ng sinag ng araw. “Oh? What did you tell him?”
“I taught him about human s*x,” she truthfully answered. “Okay na rin ‘yon para hindi niya masaktan ang future mate niya po sa wedding night nila.”
May emosyon na naglalaro sa berdeng mga mata ng reyna. “Oh.”
“Isa rin po ang aspect sa s*x ang pagtutuunan ko ng pansin sa Project Cierra, Beloved Queen.” Hinaplos niya ang kaniyang buhok. “Sana makatulong ito sa mga bagong kasal.”
The queen clasped her hands firmly. Her hands were clammy compared to the woman’s ultra warm hands. “I am really glad that you are here, Cierra. I am really glad that my son bought you.”
Ngumiti lang si Cierra kahit na parang piniga ang puso niya dahil kahit makatulong siya sa lipunan ng mga Fidrag, hindi pa rin siya isang bride bagkus isa siyang alipin. At takot siyang baka alipin na siya habang buhay.