Chapter 2

2038 Words
Roux I DON'T know why I need to do this. Katatapos ko lang sa isang napakahabang meeting at pauwi na dapat ako. I want to rest after a long day. Pero bigla na lang may tumawag na isang pasaway na bata. Kahit na ayokong siyang puntahan ay wala naman akong choice. After I accepted and signed that contract she made a few months ago ay natali na ako sa isang responsibilidad na hindi ko alam kung bakit ko nga ba dinidibdib. I could just leave it and forget about it. Ngunit nang makita ko siya ngayon with blood in her shoulder, I feel my heart ache. She might be a spoiled brat but she doesn't deserve to be hurt. Hindi ko talaga mapigilan matawa nang makita ang reaksyon niya matapos mahawakan ang isang condom na nasa ilalim ng kinauupuan. Hayop talaga si Vincent. Kahit kailan hindi nadala. Hindi na talaga siya makakahiram ng kotse sa akin. Si Vincent lang naman ang huling gumamit ng kotse ko at hindi ko na nagawang ipalinis dahil nga nagmamadali ako kanina. He has been my best buddy since college. Kinuha ko na lang 'yon saka itinapon sa plastic para simulan gamutin ang sugat niya na mukhang hindi niya napansin kung hindi pa humapdi dahil sa kaka-spray ng pabango. A lavender scent that always relaxes my mind… in a short time. Dahil alam ko na ang may-ari ng amoy na 'yon ay isang sakit sa ulo. "Stay still," paos kong sambit habang halos gahibla na lang ang layo ng aming mukha. Naramdaman ko ang tila pagtigil niya sa paghinga. "Breath, Rylee," I called her by her real name at baka bigla na lang tumama sa mukha ko ang kamao niya. She hates me every time I call her Minx. Bagay kaya sa kanya 'yon. "Ouch!" daing niya sabay tulak sa akin nang sinadya kong diinan ang pagkakadampi ng bulak sa balat niya. Para kasing nilamon na naman ng kawalan. Lumayo na ako sa kanya at tinanong kung gaano kalala ang naging away at nasaktan siya. Pero mukhang wala na siya sa sarili. Minsan ang hirap din niya kausapin. May sariling paniniwala at higit sa lahat ay may sariling mundo. Ipinagpatuloy ko ang paggamot sa kanya pero hindi ko na inilapit ang mukha ko at may ibang hatid ang pagkakalapit ng mukha namin. Matapos ko masiguro na maayos na ang kanyang sugat ay kinuha ko ang binili kong chocolate sa kanya. Narinig ko naman ang sinabi niya kanina hindi lang ako sumagot. "Ouchy!" Muli niyang daing sa napakaarteng paraan nang diretso sa mukha niya ang chocolate na hawak ko. Nagulat talaga siya dahil sabi ko nga wala na naman sa huwisyo. Agad kong binawi ang kamay ko nang dumampi ang kamay niya para saluhin ang chocolate. Para kasi may bolta-boltaheng kuryente ang gumapang sa katawan ko. Actually, kanina pa 'yon. Nang hawakan ko ang mga lantad niyang balikat ay talagang kakaiba na ang nararamdaman ko. At hindi ako teenager para hindi malaman kung ano 'yon. Baka nga pati teenager ay alam na 'yon. Pinilit kong iwaksi kung ano man kalokohan ang pilit pumapasok sa isip ko. "Saan kita ihahatid?" tanong ko na lang sa kanya at umayos na sa pagkakaupo. "Oh my gosh! Bring me back to the bar." Napalingon ako sa kanya nang marinig ang tila natataranta niyang boses. "I'm dead! My father is already at home!" Kaya naman pala. Ang balita ko ay ilang buwan na wala ang ama niya at may inaasikaso raw na business sa ibang bansa. Kaya pala kung makagala ay wagas. I know she is rich, a typical spoiled brat heiress of a big company… maybe. Hindi ko naman kasi inalam pa ang pagkatao niya maliban sa pangalan niyang Rylee. "Okay," tipid kong sagot at muling pinaandar ang kotse pabalik sa bar na hindi ko alam bakit siya napunta roon. Hindi 'yon ang bar na hilig niya na puntahan. She preferred those bars with tight security and only for people with money like her. "Bakit naman kasi hindi ako tinawagan ni Daddy? He must inform me that he will come home." Naiiling na lang ako na ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Kung papansinin ko pa ang pagsasadula niya ay ako lang ang ma-stress. Tama na ang stress ko sa opisina. Nang makarating kami ay nakita ko na si Kiefer na nag-aabang. Sa ilang buwan ko siya laging sinasalba ay kilala ko na ito. Sa tingin ko ay kaedaran lang ni Kiefer si Rylee. Pagkahinto ng kotse ko ay wala man lang paalam na bigla siyang bumaba saka dali-daling pumasok sa kotse dala ni Kiefer. Hindi nga nagawang isara ang pinto. Tinanguan ko lang si Kiefer saka sinenyasan na ako na ang magsasara sa pintong iniwan ng mahal na prinsesa. Nang makaalis na sila ay saka naman ako sumunod umalis. Habang nagmamaneho ay bigla kong narinig ang pagtunog ng cellphone ko. Nagtataka ako dahil wala na 'yon sa kinalalagyan kanina. Iginilid ko ang aking kotse saka hinanap kung saan nanggagaling ang tunog. Nang maalala ko ang pagyuko ni Rylee at pangangapa sa ilalim ng upuan niya. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa batang 'yon. Yes, she was a kid to me. Inusog ko ang upuan saka yumuko para makita ang cellphone ko. Madali ko naman nakita dahil nga umiilaw 'yon at tumutunog. Pagkakuha ko ay tumaas ang kilay ko sa nakita. "Prettiest? Talaga? Ang lakas talaga ng confidence sa sarili." Pinindot ko ang green button to answer her call. "You got your phone? That's good, btw thanks again for saving my ass, and thank you for attending to my wounds and for the chocolate. And I hope you like my name on your phone. It's perfect that way. See you again. Bye, take care oldie." Marahas akong napabuga ng hangin matapos niyang tapusin ang tawag na hindi man lang ako nakakapagsalita. Nailing na lang ako na ipinatong sa dashboard ang cellphone ko saka nagpatuloy sa pagmamaneho. Pero, at least she knows how to say thank you kahit medyo may pagkasarkastiko. Paano ko ba kasi nakilala ang suwail na bata na 'yon? Nagising ako nang may tumatapik sa aking pisngi. At nang magmulat ako ay nagulat pa ako nang masilayan ang isang maamong mukha. Akala ko nga ay nanaginip ako pero nang ngumiti siya ay bigla na lang akong napabalikwas ng bangon. Nang igala ko ang aking mga mata ay naroon pa naman ako sa VIP room ng Royal Palace. Pero… sino ang babaeng 'to? Bumalik ang tingin ko sa kanya. "Who are you?" tanong ko. Tumaas ang kilay niya saka humalukipkip. Ang kaninang maamong mukha ay napalitan ng isang mataray na ekspresyon. Umayos ako ng upo. Pilit inaalala kung ano ba ang nangyari. Ang natatandaan ko lang ay nagpunta ako rito dahil gusto ko mag-relax. Dumating ang waitress at dala ang alak na order ko. Nang makalabas ito ay agad kong tinungga ang beer na order. Beer is better than wine for me. Tapos… Ano na nga ba ang sumunod na nangyari? "Are you done looking for an answer?" untag sa akin ng babae kaya bumalik ang atensyon ko sa kanya. "Again. Who are you, kid?" Kunot-noo kong tanong. Her eyes squinted as she looked at me. "I'm not a kid, old man! Don't you see?" She hissed as her brows furrowed. I deeply sighed and asked again, "Okay. Young lady, who are you and what are you doing here?" "That's the right way to ask someone who saved your ass!" Tumaas na naman ang kilay ko sa sinabi niya. Did she say she saved me? How? "What do you mean, young lady?" Imbes na sagutin niya ako ay inilahad niya ang cellphone sa aking harapan. Nagtataka man ay kinuha ko 'yon. Nang tingnan ko ay nasa isang recorder apps 'to at para bang sinasabi na i-play ko 'yon. So, I did what I thought she wanted me to do. Then… My jaw clenched as the recorder stopped playing. Nagtaas-baba ang aking dibdib. Sino ang maglalakas ng loob na gawin 'yon. Gano'n na ba siya kadesperada? Nabalik ako sa sarili nang agawin ng babae ang cellphone niya. Nang tingnan ko siya ay may ngisi sa kanyang labi. "It's already cracked. Though I will replace it, it doesn't mean you can make dagdag sira my phone. So… what's your reaction?" She pouted her lips and I couldn't stop my eyes from looking at it. She has plump lips and it's f*cking… kissable. Biglang kong ipinilig ang aking ulo. Halata naman na masyado pa siyang bata. Pero may utak naman para maisip na iligtas ako kahit hindi naman niya ako kilala or baka naman… "Where is the woman?" I stood up and distanced myself from her and ignored those indecent ideas in my mind. The young lady crossed her legs. I won't deny that she's attractive but not my type. Too young for me. "Ano ba iniisip mo, Roux? The young lady just saved you, that's it." Sermon ko sa sarili. "She's already left—" "What? Bakit mo naman pinaalis? She must pay for it! I won't tolerate her actions! Paano kung hindi mo siya napigilan… I can't imagine what that crazy woman would do." I am controlling myself not to shout. Dahil hindi naman siya ang may kasalanan. She saved me, right? To a possible scandal. "Parang deserve ko naman ng thank you? I could just let her and focus on my own life as to what I should do." The young lady beamed at parang natakot ako sa ngiting 'yon. Para bang walang mabuting gagawin. Para matapos na ang usapan na 'to na hindi ko alam bakit pinagtitiisan ko siyang kausapin. "Okay fine. Young lady, I am very much thankful to you for saving me. Now, how could I repay your kindness?" Sarcastic is visible in my voice. Mas lumawak pa ang pagkakangiti niya. Para ngang ngiting tagumpay. Ano kaya binabalak niya? Hindi naman siguro niya gusto na matikman ako—Oh f*ck! Dumudumi utak ko sa babaeng 'to. "Simple lang naman…" she trailed off while giving me beautiful puppy eyes that made me gulp. Tangina talaga! "I want you to be my 'one call away, buddy." Isang katok mula sa bintana ng kotse ang narinig ko kaya naman nabalik ako sa sarili. Ni hindi ko nga namalayan na nakauwi na pala ako kahit lutang ang isip ko. Binuksan ko ang bintana. "Magandang gabi po, sir. Papasok po ba kayo?" tanong ni Kuya Isko, ang guwardiya na nakabantay sa gate ng bahay ko. "Oo. May tumawag lang," tipid kong sagot saka pinasok na ang kotse ko sa loob ng bahay. Hindi naman mansion ang bahay ko pero hindi rin naman maliit. Sakto lang para sa tulad ko na may-ari ng modeling agency na kilalang-kilala na hindi lang sa Pilipinas. Pero kahit gano'n ay mas pinili kong mamuhay ng simple. Kinuha ko ang cellphone ko saka ang attache case na dala na nasa back seat ng kotse nang makita ko ang stiletto ni Rylee. Napailing ako saka kinuha 'yon para pagsamahin at nilagay ko lang sa ibaba. Isinara ko na ang pinto kasabay naman ng pagtunog ng aking cellphone. Nag-pop up ang name na prettiest at may message raw siya. Sumandal muna ako sa kotse at binuksan ang message ni young lady. Prettiest: I hate you! Buti na lang may dala ako laging extra footwear sa kotse. Don't throw my stuff, I will get it tomorrow, okay. Goodnight, oldie ? Nakagat ko ang ibabang labi nang may emoji with kiss sa dulo nakakabit sa message niya. Isip-bata talaga. Pinatay ko na ang cellphone saka inilagay sa bulsa ng pantalon ko. Hindi ko na siya nireplyan kahit curios ako kung ano kaya nangyari sa pagkikita nila ng ama niya. Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay. Tanging ang liwanag na lang na nagmumula sa may hagdan ang nakabukas. Oras na rin naman. Kapag lumagpas na ako ng alas-dyes ay binilinan ko si Manang Nur na magpahinga na rin. Umakyat na ako. Maingat ang bawat paghakbang ko at ayokong makaabala pa. Pagkarating ko sa ikalawang palapag ay tinungo ko muna ang katabing silid ko. Maingat ko 'yong binuksan saka pumasok. Lumapit ako sa may kama at nakita na mahimbing na natutulog si Ehra. I kissed her forehead. "Goodnight, baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD