Ep.9

507 Words
"Huli ka!At sino naman ang iniimagine mong kahalikan ate!bulalas nito. Napamulagat siya ng mata at kinutusan ito. "Nikko ano ba,hindi kaman lang marunong kumatok diyan at bigla-bigla ka nalang pumapasok. Ano ba ang kailangan mo,reklamo niya.Inis siya sa kapatid dahil naudlot ang kanyang magmumuni-muni sa binata na ngayon ay bf na niya. Napangiti siya ng wala sa oras at hindi pansin ang kanyang kapatid na nasa harap niya pala. "Para ka namang tanga diyan ate,maiinis tapos mangingiti bigla.Baka may bf kana diyan kaya ka ganyan",nagdududang sabi nito. "Halika nga dito dahil kung ano-ano pumapasok sa utak mo",sabi niya sabay kiliti sa kapatid. Humahalakhak naman itong lumayo sa kanya at agad na kinuha ang pakay nito na ballpen. "Pahiram ate na inlove!"tukso nito Todo tanggi naman siya. "Tse!Lumayas kana nga at magpapahinga na ako." Isinara na niya ang pinto ng silid at bumalik ulit sa pagkakahiga. Maya-maya ay nagring ang kanyang cellphone.Medyo may kalumaan na ito dahil 2nd yr.college pa siya na regalo ito ng kanyang papa sa kanya pero dahil maingat siya sa gamit parang bago pa rin ito. Tiningnan niya unregistered number ang nakalagya at nagdadalawang-isip pa siyang sagutin ito. "Hello?Sino to? "Ilang oras lang tayo nagkahiwalay pero nakalimutan mo na agad ang boses ko?tila nagtatampong wika ng binata sa kabilang linya. "Pati sa telepono ang ganda ng boses niya..este ng bf ko pala.Sana totoo ito at hindi panaginip Lord,promise iingatan ko po ang siya at mamahalin ng sobra-sobra,naisaloob niya. Napangiti siya sa sinabi nito. "Hindi naman di ko lang akalain na tatawag ka at saan mo ba nakuha ang number ko?" "I have my ways Nayah."By the way what are you doing?tanong nito. Sasabihin ba niyang iniimagine niya ito?Nakakahiya naman kung yun ang isasagot niya. ''Wala..magpapahinga na sana.Ikaw?balik-tanong niya. Here..lying and I imagined our kiss awhile ago,diretsang sagot sa kanya.Hindi siya nakakibo at natahimik siya sa kawalan ng masabi. "Nayah are you still there?untag nito. "Hah...ah..oo bakit?" Napabuntong-hininga ito.Alam siguro nito na naninibago pa siya sa mga salita na ganun kaya humingi ito ng paumanhin sa kanya. "I'm sorry..pero yun ang totoo later on masasanay kana din."Can I still kiss you Nayah?tanong nito Matagal bago siya sumagot.Pwede pa nga ba at papayagan nga ba niya? Tanga,bf mo na nga yung tao diba ano kapag magkita kayo titigan nalang lage?Masanay kana Nayah at tsaka masarap naman humalik si Liam eh!kontra ng isipan niya. "Oo naman Sir.Diba ganun naman yun kapag bf at gf?"wika niya. Tumawa ito ng mahina sa kabilang linya. "Yeah.And ngayon lang siguro ako makakaencounter na mag bf at gf pero Sir ang tawag ng gf niya sa bf niya. Nayah stop calling me Sir okay? If you call me again Sir kahit sa public I'll kiss you,warning nito. Napangiti siya ng lihim. "Hindi pa kase ako sanay eh tsaka biglaan kasi,nawika niya. Natahimik ito sa kabilang linya. "You mean nabigla kalang na sagutin ako dahil nahalikan kita?"tanong nito kapagkuwan. Agad naman siyang sumagot ayaw niyang magkaroon agad sila ng misunderstanding. "No Liam..nabigla lang ako dahil hindi ako makapaniwala na magkakagusto ka sakin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD