Ep.4 Nayah

561 Words
Mabilisan ang paglabas niya sa kwarto ng binata at pagkasara niya agad siyang sumandal sa hamba ng pinto at natutop niya ang kanyang dibdib. Kinabahan siya doon dahil yun ang unang beses na kinausap siya ng binata kahit na saglit lamang iyon ay sobrang kaba na ang naramdaman niya. "Matipid din pala siya sa salita,"nawika niya. Nangingiti siya mag-isa. Bumaba na siya sa kusina dahil alam niyang naghihintay ang kanyang mama. "Nayah anak,nakuha mo ba ang sinabi sa'yo ni Mimi? tanong ni Aling Dolores ng nakasalubong niya ito sa kusina.Ngumiti siya dito at itinaas ang dala-dala niyang basket nang labahin. "Opo Nanay Dolores, konti lang naman po ito,ani dito. "Pasensiya na Nayah at hindi ko nasabi kay Mimi na nandun pala si Sir Liam sa kanyang kwarto. Buti at pinakuha sa'yo mga iyan,sabi nito. "Ok lang po yun Nanay.Sige po dadalhin ko na po ito kay Mama,paalam niya sa matanda. Pakanta-kanta pa siya habang palapit sa kanyang ina na nakapagsalang na pala ng mga puting damit."Oh bakit parang ang saya mo yata nagyon?Pakanta-kanta kapa diyan. Anong meron?sunod-sunod na tanong nito. Ngumiti siya dito. "Si mama talaga,hindi ba pwedeng masaya lang ako dahil naisip kong malapit na ang aking debut? Pero ang totoo masaya siya dahil kahit ilang segundo lang ay nakausap niya at nakita pa ng malapitan ang binatang lihim na iniibig. "Nakita ko kase si Andrus my love Ma,at sana nga nahimatay ako sa harap niya para masalo niya ako at mayakap ko man lang siya,kinikilig na nawika niya sa sarili na lalong ikinangiti niya. Napailing-iling na lang din ang kanyang ina.Tahimik nilang tinapos ang labahin at tutulong pa sila sa kusina. "Sa wakas natapos din.Nayah tumulong kina dun kay Eda sa paghuhugas sa kusina at ako na itong magsasampay kaunti na lamang ito,"wika ng ina niya. "Sige po ma." Pagpasok sa kusina nakita niyang marami-rami nga ang hinuhugasan ni Ate Eda niya. "Ate Eda,tulungan ko na po kayo diyan,sabi niya. Nilingon siya nito. "Naku ganda 'wag na at baka magasgasan pa iyang mga kamay mo na malambot.Tulungan mo nalang si Mimi sa paghahanda ng meryenda kase dadating ang mga kaibigan ni Sir Liam,wika nito. "Sige po ate." "Dadating pala sina Daniel at Keith. Kilala niya lahat ng malapit na kaibigan ng binata maliban na lamang sa mga babae at wala siyang balak na kilalanin ang mga ito. Nilapitan niya si ate Mimi niya na nagtitimpla ng tea at siya na din ang nagslice ng cake. Naunang dinala ni Mimi ang tea dahil naghihiwa pa lamang siya ng cake. "Nayah,pakibilisan mo diyan at nandun na ang tea nila sa sala mo nalang dalhin,wika nito. "Sige po ate ito na po patapos na ako." Nang matapos ay dinala na nga niya ang slice ng cake at nakita niyang nagkukwentuhan ang tatlo sa sala tila seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. "Sir,ito na po ang meryenda niyo. Enjoy po,wika niya at nilapag na ang platitong may slice ng red foerst cake sa mesa. Ngumiti sa kanya si Keith. "Thank you..?What is your name?tanong nito na hindi nawawala ang ngiti sa kanya. Sanayah po. Nayah nalang po itawag niyo sakin,nahihiyang sagot niya. For the first time kase nagyon lang din siya kinausap ng mga ito sa university kase mga bigatin ang mga kasama ng mga ito at siya tanging si Doreen lamang ang kanyang nalalapitang kaibigan at bestfriend niya din ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD