Ep.12 Nayah

530 Words
Habang umoorder si Liam,pinakatitigan niya ang binata.Ang gwapo talag ng boyfriend niya at ang tangkad pa.Kung alam lang siguro ng mga babae sa university na pinapasukan nila na magkasintahan na sila baka kung ano ang isipin nito sa kanya. Para sa binata handa siyang ipaglaban ito.Mahal na mahal na niya ito noon pa man hindi lang niya masabi-sabi dito pero ipagtatapat na niya ang tunay niyang nararamdaman sa debut niya.Matapos ang order ng binata,ginagap nito ang kanyang palad. "Hey,are you okay?Hindi ka ba komportable dito?tanong nito. Umiling siya at ngumiti dito.Kung pwede nga lang ipagsigawan niya ang relasyon nilang dalawa ay ginawa na niya kaso hindi pa ito ang tamang oras at panahon,kapag nakapagtapos na siya sa pag-aaral ng sa gayon ay maipagmalaki na niya ang sarili sa pamilya ng nobyo. "By the way,malapit na pala ang birthday mo it's your special day.I have a surprise to you,wika nito.Hinalikan nito ang kanyang palad na nagdulot naman ng kakaibang kuryente sa kanyang buong katawan. Handa na siya.Handa na siyang ipagkaloob ang kanyang sarili sa binata pagsapit ng kanyang birthday.Mahal niya ito at gagawin nia ang lahat mapasaya lamang niya ang binata. "L...Liam, kahit wala kanang ibigay sakin na surpresa ang mahalaga...ikaw.Okay na ako makasama ka lang sa birthday ko,madamdaming pahayag niya sa nobyo. "Nayah, it's okay to give you a gifts..you deserve those things.You know I really like you." Hindi na lamang siya komontra at tumango na lamang siya.Knowing Liam he will do everything he want.Kaya hindi na lamang siya kumibo.Maya-maya dumating na ang kanilang order ng binata. Ang inorder nito para sa kanya ay isang caffee latte at mango snow cake samantalang sa binata ay hot tea and chocolate moist cake.Masaya nilang pinagsaluhan ang kanilang order. Masarap ang inorder ni Liam sa kanya kaya ito na ang magiging paborito na niya sa mga susunod na mga araw. Malapit nang maubos ang pagkain niya at ang lalaki naman ay may tinitingnan sa cellphone ng mapatingin siya sa pintuan dahil maiingay ang mga pumasok. Nagulantang siya at bigla siyang kinabahan ng makita ang grupo nina Shirley na papasok sa coffee shop kung saan andun din sila! "Sana naman hindi nila kami mapansin,"naisaloob niya sa sarili.Hindi na siya tuloy mapakali sa kanyang kinauupuan at nawalan na siya ng ganang ubusin ang kanyang pagkain.Napansin naman siguro ng binata ang kanyang pagkabalisa.Ginagap nito ang kanyang palad. "Relax sweetheart.Ako ang bahala sa kanila okay." Kahit na iyon ang sinabi nito hindi pa rin siya komportable at kinakabahan pa rin siya. Dalawang palad na nito ang hinawakan ng binata kaya napatingin siya sa mga kamay nito na nakapatong sa mga palad niya. "I'm here okay?"pagpapakalma nito. Tumango siya dito at tiningnan muli ang papalapit na tatlong babae malapit sa kanilang pwesto. "L...Liam paano kung makita tayo?Baka ano sasabihin nila sakin,kabadong tanong sa nobyo. "No sweetheart they will not hurt you. I'm here just trust me okay.? Hindi na lamang siya kumibo at bahala na kung ano man ang mangyari. "Sana hindi kami makita nina Shirley kasi alam ko naman na mga socialite sila at baka isipin nila na pinipirahan ko lang si Liam kaya pinatulan ko,"nawika niya sa sarili. "Sana lang hindi talaga kami makita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD