UMANI ng samu’t saring reaction ang post ni Maldita sa kanyang social media account. May ibang sumuporta sa kanya, mayroon namang ibang nagalit. May ibang nagsasabi na ginagamit niya lamang ang ibang sikat na social movements para sa pang sariling interest at para umani ng supporters. Isa raw siyang pekeng tao at influencer, pero hindi na importante iyon kay Maldita. Nagawa na niya ang kanyang goal: Ang papaniwalain ang lahat na wala na ang sanggol sa kanyang sinapupunan. At least sa ganoong paraan ay lulubayan na ito ni Octavia. Marami pang kailangang gawin si Maldita. Nagsisimula pa lang ang laban nila. Ngayong alam niyang may alas na siya laban sa sariling ina, hindi siya titigil hangga’t hindi ito gumagapang sa hirap. Humugot siya ng malalim na hininga at tiim-bagang na tumin