UMALIS na si Mr. Hernandez pero nanatili pa rin sina Maldita at Daxton sa coffee shop. Hindi nila inaalis ang tingin sa isa’t isa. “Why do you look like you’re going to devour me?” mapang-asar na nginitian ni Maldita si Daxton. “Dahil ba nanggigigil ka sa galit dahil naagaw ko si Mr. Hernandez, o nangigigil kang angkinin ako?” Humugot ng malalim na hininga ang lalaki habang gumagalaw-galaw ang muscles sa panga. Binawi nito ang tingin sa kanya. “Hindi pa naman final ang deal ninyo. Wala pa kayong kontratang pini-pirmahan. Puwede ko pang baguhin ang desisyon niya.” Ngumisi siya at saka ipinilig ang ulo. “You think so? Gusto mo bang makipagpustahan sa akin?” Bahagyang dumilim ang mukha ni Dax at akmang tatayo na pero pinigilan ni Maldita ang kamay nito. Kinuha niya iyon at dinala sa la