“I’M GLAD you changed your mind, darling.” Pinulupot ni Atty. Gentry Corales ang mga bisig sa nakatalikod na si Octavia habang nakatingin sa labas ng bintana ng hotel suite ang babae. Humugot ng malalim na hininga si Octavia. May choice pa nga ba siya? Alam niyang kung tuso siya ay tuso rin ang matandang abogado. Kaya nga ito ang pinakauna niyang pinalitan na tauhan noon ni Simon. Wala siyang tiwala rito kahit noon pa. Hindi niya ilalagay sa alanganin ang kayamanang iniwan ng dati niyang asawa. Sisiguraduhin niyang walang kahit maliit na chance si Maldita na maagaw ang mga iyon sa kanya. Atty. Corales had been known by Simon’s friends and partners for decades. Alam niyang may posibilidad talaga na kaya nitong kumbinsihin ang mga ito na si Maldita ang suportahan. At iyon ang hinding