“DID YOU have s*x with my daughter?” diretsahang tanong ni Octavia kay Dax habang nag-aagahan sila sa hardin na nasa tabi lamang ng swimming pool ng mansion.
She asked the question calmly as if she was just asking if he liked the food. Walang kahit na anong bahid ng galit. Hindi pasigaw. Hindi nang-aakusa.
Pero lahat ng taong nakapaligid kay Octavia, alam nilang mas delikado ang babae kapag kalmado ito.
Huminga ng malalim si Dax saka tumingin sa pool. Naalala niya ang pinagsaluhan nilang init ni Maldita kagabi at kung paano sila nabitin.
“No,” simpleng sagot niya.
Tumaas ang isang kilay ni Octavia saka humithit ng sigarilyo habang hawak sa isang kamay ang baso ng orange juice. “Pero tinikman mo ba ang katawan niya?”
Binalik ni Dax ang paningin sa babae. “Walang lalaking hindi matutukso sa anak mo.”
Tinitigan siya nito habang walang tigil sa paghithit-buga ng sigarilyo. Kapagkuwan ay ngumisi ito saka iiling-iling na tumingin sa malayo. “Ang lakas din talaga ng loob mo. Tinakas mo si Maldita at pinahiya ako kay Mr. Go. Para ano?” Muli siya nitong tiningnan. “Para kayo ang magk*ntutan?”
“Sinabi ko na sa ‘yo. Hindi natuloy ang nangyari sa amin. Bigla kang tumawag,” iritado niyang sagot.
Nagsimulang maningkit ang mga mata nito at inusog ang upuan patabi sa kanya.
“I already told you before, Dax. I don’t like sharing my property.” Dinaklot nito ang p*gkalalaki niya at marahas iyong minasahe. “Kahit sa anak ko.”
Nagsukatan sila ng tingin.
Mayamaya mabilis na hinapit niya ang batok ng babae at siniil ito ng mapusok na halik. Nag-unahan sila sa pagsipsip ng mga labi at dila ng isa’t isa.
Pero agad siyang napaatras nang bigla nitong kagatin ang ibabang labi niya at nagdugo iyon.
Kapwa sila hinihingal. Kapwa matalim ang mga mata. Pinunasan ni Dax ang ibabang labi gamit ang hinlalakii at sinubo iyon kay Octavia na agad naman nitong dinilaan nang mapang-akit.
Matapos ang ilang segundo ay may ngiting sumilay sa labi ng babae pero napakalamig ng mga mata nito.
“Alam mong baliw na baliw ako sa ‘yo, Dax. Pero huwag kang magkakamaling gamitin ang pagkabaliw ko sa ‘yo laban sa akin.”
Hinawakan ni Octavia ng mariin ang ang pulsuhan ng kamay niya at senswal na nilabas-masok ang kanyang daliri sa loob ng bibig nito. “Hindi ako magdadalawang-isip na itapon ka pabalik sa basurang pinanggalingan mo.”
Ngumisi siya. “Napaka-hot mo talaga kapag galit ka, babe.”
Bigla itong tumayo at sinakal siya habang nanlilisik ang mga matang nilapit ang mukha sa kanya. “Kaya kong pumatay ng sarili kong anak, Dax. Oras na malaman ko na nakikipagmabutihan ka sa kanya, ako mismo ang papatay sa inyong dalawa.”
Sa pagkakataon na ito, kitang-kita ni Dax ang mala-demonyong kislap sa mga mata ng babae.
He softened his face and smiled sweetly. Hinapit iya ulit ang batok nito gamit ang dalawang kamay at masuko itong hinalikan sa labi. “Ito naman, nag-enjoy lang naman ako kaunti kagabi kasi na-bored ako sa party na ‘yon. Huwag ka na magalit, babe, please?”
Marahas siya nitong binitawan at bumalik na ito sa pagkakaupo. Kapagkuwan ay nagpatuloy na ito sa pagkain na parang walang nangyari.
…….
“WOW! Saktong-sakto. I’m famished!” Malapad ang ngiti ni Maldita nang datnan niya ang kanyang ina at ang fiance nito na kumakain ng agahan sa hardin.
Kararating niya lang galing sa hotel at hindi pa siya kumakain. Pawang masasarap ang mga pagkaing nasa harap ng mga ito kaya bakit hindi na lamang niya saluhan ang mga ito? After all, it would be a great chance to irritate her mother more.
Malamig ang tingin sa kanya ni Octavia at si Dax naman ay hindi niya mabasa ang nasa isip. His face looked neutral na para bang hindi siya kamuntikan na nitong angkinin kagabi.
“Oh, wait!” Kinuha niya ang cellphone sa bag at saka kinuhanan ng picture ang mga pagkain sa mesa na ang background ay ang pool.
Nagsimula siyang mag-type sa cellphone at habang ginagawa iyon ay binabasa niya nang malakas. “Breakfast… with… the fam. Feeling… blessed.”
Nang matapos ay matamis na nginitian niya ang mga ito. “I just wanted to share this happy moment with my million followers on social media.”
Nang lisanin niya ang bansang Pilipinas dala-dala ang limang milyon na pinangblackmail niya noon kay Congressman Amorcillo, nagsimula ng bagong buhay si Maldita. Likas ang hilig niya sa pag-blog hanggang napunta siya sa pagiging content creator sa isang sikat na online platform.
Sa ngayon, marami na siyang sponsors. Bawat paid advertisement sa kanyang account ay malaking halaga ang katumbas. She tried to paint a socialite image to her followers. Luxurious lifestyle ang forte niya. Kaya naman pawang high-end products ang nakukuha niyang sponsors sa ngayon.
Pinaikot ni Octavia ang mga mata. “Buti may nagta-tiyaga pa sa mga basurang posts mo.”
Nagkibit siya ng balikat. “Buti may nagta-tiyaga pa sa basurang ugali mo.”
Humalakhak ito saka binalingan si Dax. “Well… I must be lovable enough for this man to be so deeply in love with me.”
Walang babalang hinila nito ang damit ng lalaki para gawaran ito ng matamis at senswal na halik sa mga labi. It was slow, passionate, with tongues entertwining with each other.
Napaiwas ng tingin si Maldita. Alam niyang gusto lang din siyang inisin ni Octavia. And as always, nagtagumpay na man ito.
Naiisip niya ang mga labing iyon ni Dax na labis na nagpaligaya sa kanyang katawan kagabi. Gusto niyang hablutin ang buhok ni Octavia at ilayo ito sa lalaki.
Kinuyom niya ang mga palad. Nang nakapag-desisyon siyang akitin ang fiance ng kanyang ina, kasabay na din niyang tinanggap na may mga pagkakataong makikita niya ang mga ganitong eksena. Kailangan niyang ihanda ang sarili. Makikisalo siya rito. Kailangan niyang tibayan ang sikmura kahit pa gusto na niyang masuka.
Octavia always played dirty.
Well, Maldita would play even dirtier.