LUMAGOK ng alak si Daxton habang kausap niya sa telepono ang isa niyang tauhan. Agad na gumuhit sa kanyang lalamunan ang matapang na likido. Ngunit hindi niya iyon alintana. He needed it to numb the pain that he was feeling inside. “Yes, make sure you gather all the evidences that we have. Lahat ng krimen. Lahat ng under the table transactions. Lahat-lahat. I don’t want you to miss anything, understood?” ”Yes, Sir.” ”Makipag-ugnayan ka din kay attorney. We need his advice on how to proceed with this.” ”Copy, Sir. Pero sigurado po ba kayo? Hindi pa natin nakukuha ang ebidensiya ng—-“ ”Damn it!” Sinuntok niya ang mesa sa kanyang harapan. “Just do what I say!” ”Yes, Sir, copy po.” Nang ibaba niya ang tawag, hingal na hingal sa galit si Daxton. “F*ck!” Binato niya ang hawak na wine