AWANG ang bibig ni Maldita habang tinitingnan ang mukha ni Daxton na kunot ang noo na naka-pokus sa harapan nito. Ang lapit na lamang ng bumper nito sa likod ng motorsiklo. Mukhang desidido talaga itong banggain iyon. Kaya naman nag full-speed na ang motor. Halatang nag panic na rin ang nagmamaneho niyon. Pero hindi ito tinigilan ni Dax. Lumampas na ang dalawa sa Grab car pero nakita Maldita na hinahabol pa rin ito ng binata. “Sino naman ‘yon?” gulat na tanong ng Grab driver na halata pa rin ang panginginig. “Nasa shooting ba tayo ng Cardo Dalisay?” Hindi sumagot si Maldita. Naka-focus siya sa blue sports car sa unahan na unti-unti nang lumiliit sa paningin nila. Dahan-dahan hininto ng driver ang sasakyan sa gilid ng daan. “Manong, bakit po kayo huminto?” tarantang tanong niya