CHAPTER 11

1156 Words

“GISING na, Dzai!” Naalimpungatan si Maldita sa malakas na boses ni Marie sa loob ng kanyang silid. Nang dumilat siya, nilalapag na nito ang isang tray ng pagkain sa bedside table. “Ano ‘yan?” salubong ang mga kilay na tanong niya dahil kahit kailan ay hindi naman siya nagpapahatid ng pagkain sa kuwarto. Mahigpit iyong pinagbabawal ni Octavia. Ayaw nitong may kumakain sa silid-tulugan. Buntong-hiningang umupo si Marie sa gilid ng higaan. Seryosong-seryoso ito. “Pinahatdan ka ni Sir Dax ng agahan. May gamot din diyan para sa sakit ng katawan.” Makahulugan siya nitong tiningnan. Umupo siya saka sumandal sa headboard. Halos madaling araw na sila natapos kanina ni Dax. Kung anu-ano nang posisyon ang pinagawa nito sa kanya. Kaya hindi na siya nagtatakang sobrang sakit ng buong kata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD