CHAPTER 7

1683 Words
“I-SHA-SHARE mo ba sa akin o hindi?” Napatigil sa pagsusuklay ng buhok si Maldita at tiningnan sa repleksiyon ng salamin si Marie na nakatayo sa may pintuan ng kanyang silid. “Anong ibig mong sabihin?” Nagpatuloy siya sa pagsusuklay kahit alam naman talaga niya kung ano ang tinutukoy nito. Tuluyan nang pumasok si Marie at umupo sa gilid ng tokador habang pinag-aaralan ang mukha ni Maldita. “Narinig ko mga ungulan n’yo kanina sa kusina. Hindi lang ako naglakas-loob na silipin kung anong ginagawa ninyo do’n. Pero tanga lang ang hindi makaka-gets no’n, Dzai. Buti na lang nagpapahinga ang lahat sa maid’s quarter kanina. Gusto mo ba talagang mamatay? Kilala mo naman ang mommy mo, hindi ba?” Bahagyang nandidilat pa ang mga mata nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya saka nilagay ang suklay sa loob ng drawer. “Exactly. Kilala ko si Octavia. Alam ko ang ginagawa ko.” “Alam mo ang ginagawa mo?” Tumaas ang isa nitong kilay. “Pero alam mo bang mali?” “Andito ka ba para sermonan ako?” “Andito ako bilang kaibigan mong gustong magbigay ng payo.” Saglit silang nagkasukatan ng tingin. Kapagkuwan ay muling nagsalita si Marie. “Alam kong dati ka pang kating-kating makapaghiganti sa mommy mo, pero hinay-hinay naman, Dzai. Baka mamaya niyan hindi mo namamalayan, nagiging katulad ka na din niya.” “I will never be like her!” Nanlilisik ang mga matang nahampas ni Maldita ang ibabaw ng tokador kasabay ng mabilis na pagtayo. Sunod-sunod ang pagkurap ni Marie. Halatang nagulat sa kanya. Napapikit naman si Maldita at pinilit na ikalma ang sarili. “I’m sorry, hindi kita dapat sinigawan. Alam mo naman na ayaw na ayaw kong nakukumpara kay Octavia.” Huminga ito ng malalim saka tumango. “Pero, Dzai, alam mo ba hanggang saan lang ang limit mo? Sa kagustuhan mo kasing saktan ang mommy mo, sinundan mo na siya sa kadiliman. Paano kung maligaw ka nang tuluyan?” “Hindi mangyayari ‘yan.” Tumalikod siya at umupo sa kama. “Ano ba kasi talaga ang plano mo? Pinauwi kita rito para bigyan ka ng babala sa mga binabalak ng mommy mo. Hindi para agawin ang fiance niya.” “Puwede niya akong tanggalan ng mana. Wala akong pakialam doon. Kahit itong mansion na ito ay wala akong balak na ariin kahit sa akin iniwan ni Simon. Pero hindi niya puwedeng pakialaman ang lupa ng papa ko sa Laguna.” “Anong kinalaman doon ni Sir Dax?” “Wala. I just enjoy playing with him.” “Maldita!” Ngumisi siya saka humiga sa kama, nakaunan sa dalawa niyang kamay. “Bakit ba kasi hindi mo ako winarningan kagabi na siya pala ang fiance ni Octavia? Gosh! Ni hindi man lang ako naghinala kahit kaunti. He doesn’t look like a poolboy.” “Well, nabihisan na siya ni Ma’am Octavia. Pero kahit noong bagong salta siya rito, guwapo na talaga si Sir Dax. Ang hot! At sinubukan ko naman sabihin sa iyo kagabi kaso nagmamadali ka nang sumakay ng kotse niya na bigay ng mommy mo.” Umingos si Maldita. “Sabi niya model daw siya ng Luxe Legacy.” “Sa ngayon, oo. Model na talaga siya. Pinapagawan siya ng sculpture ng mommy mo at ilalagay daw iyon sa harap ng entrace ng Luxe Legacy office. Hinala ko nga, sa sobrang pagkabaliw ni Ma’am Octavia sa kanya ay baka ipalagay na niya ang nude sculpture ni Sir Dax sa lahat ng building na pag-aari niya.” Nag-angat ng mukha si Maldita para tingnan ang kaibigan. “Nude sculpture?” Tumango-tango ito. “Nude sculpture. As in hubad na hubad.” Sumimangot si Maldita. “Pinicture-an siyang nakahubad?” “Hindi, Dzai! Live sculpting talaga. Nakahubad siya habang ini-sculpt para mas magaya daw kahit ang kaliit-liitang detalye ng katawan niya.” Napaupo siya. Salubong ang mga kilay. “Sino naman ang sculpture?” “Nakalimutan ko pangalan pero sikat daw ‘yon.” “Lalaki?” “Oo, lalaki.” Nakahinga siya ng maluwang. Biglang humalakhak si Marie. “Bakit kung babae? Magseselos ka? Ikaw ba ang fiance?” “Sira.” Pinaikot niya ang mga mata. “Nandiyan nga sila ngayon sa pool house. Kakaumpisa lang nila.” Napadilat si Maldita. Iyon ba ang ibig sabihin ni Daxton na magiging busy ito sa mga darating na araw? Dahil pinapagawan ito ng sculpture ni Octavia ngayon? Hindi niya alam kung bakit bigla siyang na-tense sa isipin na nandoon ngayon si Daxton sa pool house. Hubo’t hubad. Kailan kaya aalis ng kuwarto ko itong bruhitang Marie na ito? “O, ano ‘yan?” Natatawang pinag-aralan ni Marie ang mga mata niya. “Gusto mo akong paalisin para silipin si Sir Dax doon?” Umingos siya saka humalukipkip. “Makikita ko din naman katawan no’n one of these days.” “Huy, Maldita!” Nanlaki ang mga mata ni Marie at natutop pa nito ang bibig. Ngumisi lang siya saka muling nahiga at tumingin sa kisame. “I told you. Aakitin ko si Dax. He will be mine.” ………… “JUST keep your eyes on that direction.” Nakagat ni Maldita ang ibabang labi nang buksan niya nang kaunti ang pintuan ng pool house at sumilip sa loob. Nakaupo si Daxton sa isang malaking mesa habang ang katawan ay naka-side view sa banyagang sculptor. Ang isang isang paa nito ay malayang nakabitin at ang isang naman ay nakatupi ang tuhod at nakaapak sa gilid ng mesa ang talampakan. Ang isang kamay ay nakatukod sa mesa at ang isa naman ay nakapatong sa tuhod. “Enough. Tired. Need rest,” wika ni Daxton na nagpangiti kay Maldita. Kahit papaano ay napaabot naman nito ang gustong sabihin sa sculptor kahit hindi buo ang pag-e-english. Bumuga ng hangin ang sculptor. “I just need another ten minutes and then we’ll resume tomorrow.” “Okay, okay.” Tumango ang binata at nang dumako ang paningin nito sa may pintuan, nagtama ang mga mata nila ni Maldita. Pero hindi man lang ito nailang na kitang-kita ang kahubhan nito na parang masarap na putahe sa ibabaw ng mesa. Without any of his clothes on, Maldita could clearly see all the muscles in his body. Parang ang sarap damhin ng mga iyon. Simula sa balikat nito hanggang sa mga braso at papunta sa dibdib, at pababa sa tiyan na may six-pack abs. May bumaba pa ang paningin ni Maldita at napalunok siya sa nakita. Kahit kasalukuyang natutulog ang alaga nito ay hindi maipagkakailang nabiyayaan ito pagdating sa bagay na iyon. Ngumiti siya at senswal na dinilaan ang ibabang labi. Napamura ng mahina ang binata at nag-iwas ng tingin. Gumalaw-galaw pa ang mga muscles nito sa panga. Mas lalo namang napangiti ang dalaga. Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng pool house at dahil nakatalikod sa kanya ang sculptor ay hindi siya nito napansin. Nang dumako ulit ang paningin ni Daxton sa kanya ay sinubo ni Maldita ang kanyang hintuturo at dahan-dahang nilabas-pasok iyon sa loob ng kanyang bibig. Kitang-kita niya ang pag-apoy ng mga mata nito. Ngunit ang mas nakapagpatuwa sa kanya ay ang nakikitang pagkabuhay ng kargada ng binata. Palaki iyon nang palaki. Parang higanteng ginising sa mahimbing na pagkakatulog at ngayon ay nagagalit na. Mas lalo niyang pinag-igihan ang pagsubo at pagdila sa kanyang dalira habang malamlam ang mga matang nakatitig kay Daxton. “Tang-ina!” Biglang tumayo si Dax at hinablot ang robe na nakasampay sa isang upuan. Madilim ang mukha nito pero hindi pa rin humuhupa ang paninigas ng t!te. Kitang-kita iyon kahit sinuot na nito ang roba. Gulat na nagsalubong naman ang mga kilay ng artist. “Wait, I told you I need—” “No more!” iritadong putol ni Dax. “Tomorrow again.” Tumawa ng mahina si Maldita sa nakikitang epekto ng ginawa niya. Saka lamang siya napansin ng banyagang sculptor. “Who are you? No one is supposed to be here except—” “It’s okay.” Ikinumpas niya ang isang kamay. “I’m Octavia’s daughter. My stepdad said you can go now.” Nagpasalit-salit ito ng paningin sa kanilang dalawa saka tumango at kinuha ang mga gamit at lumabas. Ngumiti ng matamis si Maldita kay Daxton. Kinagat niya ang ibabang labi at tumingin sa parte ng katawan nito na nasa pagitan ng mga hita. “Bakit ka nandidito?” bahagyang pagalit nitong tanong. “Nagagalit ka ba kasi naaapektuhan ka sa presensiya ko?” “Itigil mo na ito, Maldita.” Umalis ito sa sala at pumasok sa kuwarto nito. Ayon kay Marie, dito nakatira sa pool house si Daxton simula nang maging sila ni Octavia. Bagama’t guest house lamang iyon, may kalakihan pa rin naman. High ceiling ang buong pool house kaya naman perfect iyon na lugar para sa ginagawang sculpture project ng binata. Sinundan niya sa kuwarto si Daxton pero pumasok na ito sa banyo at nag-shower. Naghintay na lamang siya sa sala. Nang mamataan niya ang mini-bar ay napangiti siya saka kumuha ng alak at dalawang kopita. Ilang minuto lang ay lumabas na ang binata. Nakatapis ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito at pinapatuyo din nito ang buhok gamit ang isa pang tuwalya. Medyo nagulat ito dahil hindi pa rin siya umaalis. “Gusto mo ba ipagluto kita ng dinner mamaya? Masarap ako magluto,” offer niya sa malambing na boses. “Huwag na. Doon ako sa mansion kumakain.” “Ba’t hindi na lang natin ipadala rito?” “Umalis ka na muna, Octavia. Gusto kong matulog. Hindi madali ang manatili sa ganoong posisyon buong araw. Pagod ako.” Bumuga siya ng hangin saka tumayo. “Fine! I’ll just see you at dinner.” Inabot niya rito ang isang kopita at itinaas naman ang isa pa niyang hawak. “Cheers?” nakangiti niyang anyaya. Saglit siya nitong tiningnan ng masama saka inisang lagok ang alak. Hinaplos niya pisngi nito at masuyo itong hinalikan sa labi. “Now go to sleep, Daddy. See you at dinner time.” Kumunot ang noo ni Dax. Napatingin ito sa hawak na kopita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD