CHAPTER TWO
COMATOSE
___
LA CARMELA HOSPITAL, TAGAYTAY.
"MISS PRIYANKA, IWAN NA LANG KAYA NATIN SYA RITO..." ani ni Mae kay Priyanka. Maayos nilang nadala sa hospital ang lalaking nabangga niyang hindi niya naman talaga sinasadya.
Nagtaas siya ng tingin dito. Kilala niya si Mae, alam nyang kabado din ito sa mga nangyari.
"Mae, relax. Wala kang dapat ipag-alala. Kilala ko iyong doctor dito, kaibigan ko. Magiging okay iyong lalaki. Iyon iyong pangako niya sa akin," patuloy niya sa pangungumbinsi dito.
"Pero, Ms. Ria. Gusto ko pa pong ikasal. Natatakot akong makulong.."
Ngumiti siya rito. Naiintindihan niya naman si Mae.
"Ayaw ko naman na hayaan ka kung sakali. Kasi... Kasi aakuin ko kapag nangyari 'yon." Muli siyang nagtaas ng tingin dito.
Hindi niya lubos maisip na handang isakripisyo ang sariling buhay at kalayaan nito para sa kaniya.
"Hindi mangyayari. Magdasal tayo, ipagdadasal natin ha. Magiging okay siya. Hindi ko naman siya pababayaan eh. Magtiwala ka lang, Mae."
Hinawakan niya ang kamay nito at pinaupo sa tabi niya.
"Magdadadal lang ako sa chapel, Ms. Ria. Maiwan muna kita rito."
Tumango-tango siya rito. Gusto niya man samahan ito para ipagdasal din ang lalaki pero kailangan niyang mag-stay d'on. Gusto niyang malaman agad ang resulta.
Dinala ito sa operating room, ang sabi sa kaniya ni Dok Glory matindi daw ang impact sa ulo nito.
Ilang beses na ba siyang magpakawala ng hangin sa sobrang kaba na nararamdaman niya.
Maingat naman siya iyon ang alam niya. Eversince! Hindi naman siya nakakabangga ng kahit na ano o kahit na sino eh. Ngayon pa nangyari kung saan dapat aalis siya para i-close ang isang project kasama ang ilang kaibigan niyang engineer.
Siya si Priyanka Morales— may 1/4 ng Indian dugo niya dahil sa mommy niya Indiano ang lolo nito at Filipino naman ang lola niya. Dito siya sinilang sa Pilipinas hanggang sa lumaki siya. Kulot ang hanggang balikat niyang buhok, kayumanggi ang kulay niya, ayon sa lahat ng nakakilala sa kaniya napakaganda ng kulay ng mata niya ganoon din ang pilikmata niyang sadyang makapal na talaga.
Wala na siyang magulang, bata pa siya nang maghiwalay ang parents niya mula n'on wala na siyang balita sa mga ito. Lumaki siya sa lolo niya at namatay naman ito last year dahil sa sakit sa puso. Si Mae iyong naging karamay niya sa lahat. Sobrang swerte niya kay Mae. Ni handa pa nga nitong i-alay ang sariling kalayaan nito para sa kaniya. Ganoon siya kamahal ni Mae at ganoon din naman siya para dito. Ang pangako niya ngayon ay ang maging maayos iyong lalaking nabangga niya para hindi na rin mag-alala sa kaniya si Mae.
Lihim siyang nagdasal para sa kaligtasan nito. Gusto niya rin sana sisihin ang lalaking 'to dahil sa pagtawid nitong hindi man lang tumitingin sa daan.
Muli siyang napabuntong-hininga. Nangyari na ang hindi dapat mangyari, aniya sa isip niya. Kapag pala talaga aksidente kahit na gaano kapa kaingat hindi talaga maiiwasan.
Isang oras na ring nasa operating room ang pasyente at hindi pa rin nakakalabas si Glory. Alas una na ng tanghali at halos wala pa siyang kain ganoon din si Mae. Marami pa sana siyang planong lakad ngayon, kasama na ang dadalawin niya ang puntod ng Lolo Marcing niya.
'Lo, tulungan niyo po ako na maging okay iyong lalake. Ayaw ko pong may mangyaring masama sa kaniya dahil pwedi may pwedi ring mangyaring masama sa akin. Gabayan niyo ako, Lo. Please, Lord.." lihim niyang dasal.
Sana naman pakinggan siya ng langit. Na sana ibulong niya sa Diyos na napakarami niya pang plano sa buhay niya, kasama d'on iyong mga taong gusto nyang tulungan.
'Sana po! Sana maging maayos ang lahat...' dugtong pa niya.
____
LA CARLAN, CEBU.
HINDI halos nagalaw ni Melody ang almusal na iniwan sa kaniya ni Benjie bago ito umalis. Sinundo ito ng kaibigan nito sa bahay nila nang alas-sais ng umaga. Pinagsabihan din siya nitong huwag na siyang maghatid dahil malulungkot lang sila pareho. Sinunod niya naman ang payo sa kaniya ni Benjie. Hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi pa rin ito tumatawag sa kaniya hanggang sa mga oras na ito.
Ang sabi nito sa kaniya tatawag agad ito pagdating nito sa trabaho. Sobrang nag-aalala na siya rito. Hindi ganoon si Benjie, sa lahat ng oras siya ang inuuna nito lalo pa't iniwan siya nito dito sa Cebu.
"Melody.. Tumawag na ba si Benjie?"
Napatingin si Melody sa paanan ng pinto niya si Manang Jiselle ang nakatayo r'on ang tiyahin niyang kapitbahay nila.
"H-hindi pa nga po," malungkot niyang sagot dito.
Tumingin siya sa pagkain niya; fried tocino, kanin na lumamig na at omellete egg na gawa ni Benjie para sa kaniya.
"Wala ka bang pweding tawagan na ka-trabaho niya?" Umiling-iling siya.
Gusto niya nang umiyak sa sobrang pag-alala sa asawa. Ayaw niya naman mag-isip ng mali at baka paranoid lang talaga siya.
"Tiyay, iwan niyo muna ho ako. Okay lang ho ako, baka maya-maya tatawag na rin sa akin si Benjie.." pagpapalakas ng loob niya sa sarili.
"Sige. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka ha," bilin nito sa kaniya.
Alam niyang iniwan siya ni Benjie sa tiyahin niyang 'to bago ito umalis. Pag-alis nito, tumingin siya sa maliit na altar na gawa ng asawa niya. Taimtim siyang nagdasal para sa kaligtasan ni Benjie. Hindi niya matatanggap na may mangyaring masama rito. Kahit pa na bumalik ito sa piling niya nang wala-wala ayos lang para sa kaniya. Ang mahalaga magkasama sila nito na hindi nila pababayaan ang isa't isa.
'B-Benj.. B-Benjie please. Tumawag ka na..' hiling niya.
"DOK..." Salubong ni Priyanka kay Doc. Glory nang lumabas ito ng operating room.
Binigyan ito ng nag-aalalang tingin ni Priyanka.
"Relax, Ms. Priyanka.." aniya.
"I can't relax, Doc. Lalo pa na ako ang dahilan kung bakit nabangga iyong tao."
"He's fine. He is fine. Okay na siya. But the bad news now is.."
"W-what?"
"He is comatose.."
Napahawak ako Priyanka sa sariling bibig niya nang marinig ang lahat ng iyon kay Dok Glory.
"Anong mangyayari, Dok? Magiging okay pa ba siya."
"Yes. Everything is stable. Sooner or later magkakamalay din siya, Riya."
"How long, Dok?" tanong niya hindi pa rin matawaran ang pag-aalala.
"Weeks. Months. O baka taon ang pweding lilipas, Riya."
Muli siyang napa-awang ng tingin dito.
"Are you okay, Riya?"
"Pwedi ko na ba siyang puntahan?"
Tumango-tango lang ito bilang tugon sa tanong niya rito.
DAHAN-dahan ang ginawang paghakbang ni Priyanka sa silid ng lalaking ayon kay Dok Glory, comatose ito. Pinasadahan niya ng tingin ang mukha nito; gwapo ito, hindi maikakaila iyon kahit na halos puno ng pasa ang pisngi nito ganoon din ang ulong may nakabalot na benda.
"Please. Be fine," aniya ni Priyanka dito.
"I will take good care of you. Hindi ko alam kung sino ka, at kung ano ang magiging parte mo sa buhay ko. Pero aalagaan kita, hanggang sa maging okay ka, Benjamin..." kausap niya sa walang malay na nakilala niyang Benjamin dahil sa highschool ID na nakuha sa bulsa nito.