Chapter 2: Injury

1767 Words
“I’M BACK!” Rome cried when he arrived inside the court, His teammates looked at him with a wary face, like his being warn in anticipation. Nagtataka naman sya sa reaksyon ng mga ka-teammates nya. Ngunit napagtanto nya ito nang makaramdam sya ng pananayo ng balahibo nang mapansin nya ang presensya ng kanilang coach sa kanyang likuran. Tumaas ang sulok ng labi ni Rome dahil sa kaba, napalunok rin sya dahil sa tensyon. Dahan-dahan syang napalingon at doon nya nakita ang umuusok na ilong ng kanilang Coach. “Silvano mukhang pa-easy easy kalang? porque ikaw ang captain magiging tamad kana? Anong ginawa mo kahapon at hindi ka umattend ng practice?” Nanlilisik na matang tanong ng kanyang coach, awkward na tumawa naman si Rome dahil hindi nya alam kung ano ang i-dadahilan rito. Hindi naman pwede na sabihin nya ang totoo na nag-sneak-out sya dahil gusto lamang nya tumambay sa condo ni Rio. “Ahh kase coach..ahmm—ay oo pala! nag-solo practice ako! Yun oo Tama!” Pag-dadahilan nito at tinaas pa ang hintuturo nya. Kumunot naman ang noo ni coach. “Solo?” “Yes, Coach! May pina-practice kasi akong move coach, kailangan ko kasi ng matinding concentration para magawa ‘yon kaya nag-practice ako mag-isa hehehe” aniya habang nautal-utal pa, mukhang nahuli naman nya ang antensyon ng kanyang coach at napatango-tango pa habang hawak ang kanyang baba. “Sige anong move nyan Silvano?” “Ganito ‘yan coach—” Napailing nalamang ang mga ka-teammates nila sa kasinungalingan ng kanilang Captain. Halata naman na gawa-gawa lang nito ang sinabi ngunit mukhang napaniwala ang kanilang coach. Hindi rin nila masisisi ito dahil masyadong stress si Coach sa paparating na laban at kahit anong rekomendasyon patungkol sa laro ay papatusin nito. That’s how intimadating the DLSU basketball team, May the best school win nalang talaga, sana kayanin ng mga maroons ang laban sa green archers. Ngunit natigil ang lahat nang tawagin ni Mike ang pangalan ni Rome, hinahabol nito ang hininga at tila ba tumakbo nang napakalayo. Hinihingal na lumapit ito kay Rome, sisingit pa sana ng sasabihin ang kanilang coach dahil late ito sa practice nang mag-salita si Mike puno ng pag-aalala ang mukha nito na pinagtaka ni Rome. “R-rome si Rio—” nang banggitin na ni Mike ang pangalan ni Rio doon na kumabog ang dibdib ni Rome sa kaba. “Bakit anong nangyare kay Rio?” pag-aalalang tanong ni Rome sa kaibigan. “S-si Rio sinugod sa infirmary—TEKA LANG!” Hindi pa tapos magsalita si Mike nang dali-dali ng tumakbo si Rome palabas ng Gymnasium, tinawag pa sya nang kanyang Coach ngunit tila ba nabingi si Rome at tanging importante lamang sa kanya ay makarating ng mabilis sa Infirmary. Pagkarating nya sa Infirmary ay agad nya hinanap si Rio at nakahinga sya nang maluwag ng makita ito. Nakaupo ito sa kama habang akay-akay nang nurse ang paa nya, binebendahan ito habang napangiwi naman sa sakit si Rio. Lumapit sya sa pwesto ni Rio, nagulat pa si Rio nang makita sya nito ngunit hindi na nakapag-bigkas ng salita si Rio nang biglaan sya yakapin ni Rome ng napakahigpit, nanlaki ang mata ni Rio sa gulat. “R-Rome?..” Rio softly whispered, he was startled about Rome was suddenly hugging him, however, he can feel how much Rome was worried about him. “Pinag-alala mo ako.. akala ko kung anong masama ang nangyare sayo..” Rome whispered as he snuggle at the crook of Rio’s neck, Rio felt uncomfortable and slightly pushed Rome away. “W-wait, what are you doing here?” Rio asked in a panicked tone. “Sinabi ni Mike na sinugod ka raw sa infirmary.. I thought you was stabbed or passed out! Ano ba kasi nangyare? Tapos ano yang sa paa mo?!” “Kumalma ka nga! sino ba nagsabi sayo nyan? Nahulog lang naman ako sa hagdan..” Rio answered as he shook his head, he should have explained more to Mike what really happened so as Rome wouldn’t conclude impulsively. Isa kasi si Mike sa saksi kung paano sya nahulog sa hagdan, sinabihan nya ito na ipaalam kay Rome na hindi sya makaka-sabay kumain ng lunch dahil sa nangyare ngunit iba yata ang nasabi ni Mike sa kanya kaya andito ito ngayon. Actually It was his fault, hindi sya nag-iingat kaya sya nahulog sa hagdan at nagkaroon ng injury. “Excuse me, Mr. Gamboa, I’ve done bandaging you and as I told you kanina, You should not run, jump or do any physical activity that could harm your sprained ankle. Always put coldly compressed in the daytime to reduce the swelling and for the night time make sure you remove the bandage before you sleep and put some cushion under your foot to allow to elevate your injury, you should know this since you’re a med student and of course, if you do it regularly and obey what I said, it will heal in two weeks.” Sabi ng nurse, dumako naman ang tingin nya kay Rome at ngumis ito. “Good for you Mr. Gamboa, you have a handsome boyfriend with you, it will help you to heal faster, maybe I should leave? Mukhang nakaka-abala ako..” dagdag pa nang nurse at tumalikod na, napanganga nalamang ang dalawa sa sinabi ng nurse. Sila napagkamalang mag-boyfriend? Humalagalpak naman ng tawa si Rome “ HAHAHA narinig mo ‘yon? Mag-boyfriend daw tayo?” natatawang sabi nito. Napailing nalamng si Rio habang nakatingin sa pinto na nilabasan ng Nurse, Ano kaya ang naiisip nito at napagkalaman silang mag-boyfriend? “Buti nalang hindi masyadong malala ang nangyare sayo..” He looked at his side and Rome was sitting in the infirmary bed along with him, Rio was sit-up position while gently placing his injured ankle on the cushion. Actually malala talaga ang pagkaka-hulog nya sa hagdan na kahit kaunting kibot lang ay napakasakit na ngunit ayaw ipakita ni Rio ang kanyang emosyon lalo pa at andito si Rome, ayaw nya na mas lalong mag-alala ito. Bakit ba napakalamalas nya? Kahapon lang ay nahiwa nya ang sarili ngayon naman ay nahulog sya sa hagdan? Natatakot sya na baka may ilalala pa ito. “Di’ba may practice kayo? Wag mo sabihin na tinakbuhan mo na naman ang coach mo?” sita ni Rio, kahit hindi sagutin ni Rome ang tanong ay halata naman na sumugod ito sa infirmary without the approval of their coach. “Importante pa ba ‘yon? Ang mahalaga ay makita ko ang kalagayan mo, eh ikaw? Ano ba ang nangyare at nahulog ka sa hagdan? Med student ka nga pero lagi ka naman nadidisgrasya, imbes gumamot ka ng ibang tao sarili mo pa ginagamot mo!” Sermon ni Rome sa kanya, nainis naman si Rio sa lintaya nito. “Hindi ko kailangan ng sermon mo, kung kaya ko gamutin ang ibang tao malamang kaya ko rin gamutin ang sarili ko!” bulyaw pabalik nito. “Kahit na, paano kung malala ang mangyare sayo at hindi mo kaya mag-isang gamutin ang sarili mo? Sino tutulong sayo? Dapat kasi nag-iingat ka, sabihin mo nga sakin ano ba talaga ang dahilan?” napabuntong hininga naman si Rio, “ Hindi naman malalala, May pinapabuhat lang na box sakin si Mr. Gomez at habang dala-dala ko ‘yon aksidente akong napatid sa paa ni Garcia, tapos ayun nagpagulong-gulong na ako sa hagdan, maliit na bagay..psh” Kumunot ang noo ni Rome nang banggitin Rio ang isang pamilyar na apilyedo. “Garcia? ‘yung sa social science?” tanong ni Rome, na pinagtaka naman ni Rio. “Kilala mo sya?” takang tanong ni Rio, dahil ang alam nya ay malayo ang building ng social science sa engineering kaya malabo na magkakilala ang dalawa. “Oo, nung nakaraan lang ay natalo namin sil—“ natigilan si Rome nang may mapagtanto sya. Napakurap naman si Rio sa inasal ni Rome at mas lalo pa syang nagtaka nang nanlilisik ang mata nitong tumingin sa kanya. “I don’t think it was a coincidence, Rio..” . . . . “Bumalik kana sa practice nyo, for sure umuusok na naman ang ilong ng coach nyo..” lintaya ni Rio habang dahan-dahan ginagalaw ang sarili upang tumayo. Buti nalamang ay may saklay na provide ang infirmary sa kanya kaya kahit papaano ay káya nya ang sarili. “Uuwi muna ako, buti pa ako nagpapaalam sa prof pero ikaw kailangan ka pa haligapin para mag-practice, magbagong buhay kana nga..” dagdag pa nito, inaalalayan naman sya ni Rome tumayo. “Hayaan mo si coach, hindi ako ipagtatabuyan ‘nun at ako pa?! baka star player ‘to! Hindi mananalo ang maroons kung wala ako!” pagmamayabang nito na ikinaikot naman ng mata ni Rio. Here he goes again, bragging his postion. “Star player? Baka dog player? Look kapag hindi kayo nanalo ngayong prelims ikaw sisihin ng buong school, tandaan mo ‘yan! Kaya mag-practice kana doon, kaya ko na ang sarili ko” “Ayoko, alagaan muna kita hanggang gumaling ‘yang paa mo!” Rome declared, Rio shooked his head and pinched Rome’s ears hard as he can. Rome grimaced because of pain. “Ang kulit mo, kaya ko nga ang sarili ko! tska baka imbes gumaling ito ng maaga, mapalala pa dahil sayo! Kaya NO, bumalik kana sa gymasium!” hirit nito habang nakikinig sa daing ni Rome. “A-ayoko nga! Aalagaan kita kung gusto ko! kahit tanggalin mo pa tenga ko ‘di ako babalik sa court!” pagmamatigas nito na lalong nagpa-inis kay Rio. He gritted his teeth as he removed his hands away from Rome’s ear. He can’t do anything about Rome’s stubbornness adding the fact that if the coach removes him from the basketball team, instead of grieving he might not care about it at all, that’s how stubborn he is. The only thing he can do right now is to let Rome do what he wants and just shut his mouth up. “Fine! Bahala ka sa buhay mo..” Pag-suko ni Rio at binilisan ang pag-gamit sa kanyang saklay upang unahan si Rome sa paglalakad. “Wait lang baby! Alalayan lang kita!” hiyaw ni Rome dito at hinabol si Rio sa paglalakad. Huminto naman si Rio at sinamaan ‘to ng tingin “ Sabi ng wag mo akong tatawaging baby eh!” galit na lintaya nito. Hanggang makarating sila sa condo ni Rio ay ganoon parin puro bangayan ang maririnig sa dalawa, daily basis na yata nila ang ganito, hindi nagkakasundo ngunit kahit ganoon ay mahal nila nag isa’t-isa bilang magkaibigan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD