bc

The Prince On The Island

book_age18+
397
FOLLOW
2.9K
READ
arrogant
prince
princess
blue collar
drama
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Isang prinsipe ang napadpad sa isang maliit na isla. Si prinsipe Cadfael Abraham Marquéz ay ang future King sa Spain ngunit gusto niyang mag travel sa iba’t ibang bansa at isa na rito ang Pilipinas. Hindi pangkaraniwan na prinsipe si Cadfael dahil isa itong babaero, makasarili at masama ang ugali. Patagong nag aral ang prinsipe ng lengguwahe na tagalog para makahanda sa pagpunta niya sa Pilipinas. Naghanda si prinsipe Cadfael ng barko para masasakyan niya ngunit sa kalagitnaan ng dagat, may hindi inaasahang malakas na alon ang sumira sa kanilang barko dahilan ng pagkapagpad niya sa isang maliit na isla na wala sa mapa ng Pilipinas.Ang isla na ito ay tinatawag na Mawi Island kung saan naninirahan ang maliit na tribu rito. Walang internet at walang teknolohiya sa lugar na ito kaya walang makapag trace sa prinsipe sa isla na ito. Paano kung may isang babae ang makakita sa kanya sa dalampasigan na walang malay? Paano kung makilala niya ang isang inosenteng babae na gaya ni Anyangga?Inalagaan siya ng pamilya ni Anyangga sa loob ng ilang buwan at sa loob ng mga buwan na yun, hindi mapigilan ng prinsipe na mahulog sa inosenteng dalaga.

chap-preview
Free preview
Episode 1: Trapped In The Island
Naglalakad lakad ako sa dalampasigan habang inaamoy ang preskong hangin, napangiti ako dahil sa magandang tanawin. Kahit kailan, hindi ako magsasawang pagmasdan ang tanawin dito. Ang Mawi Island ang tahanan ko at wala na akong hinihiling na ibang lugar kundi ito lang. Mahal na mahal ko ang lugar na ito. Sabi nila, maganda raw sa ibang lugar dahil may mga bagay na nasa kanila na wala sa aming lugar ngunit sa tingin ko, lahat na nandito. Napatingin ako sa mga alon at may nakita akong parang kahoy na lumulutang ngunit hindi ako sigurado kung isa ba talaga itong kahoy. Lumapit ako dito at nang malapitan ko na ito, hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Isang tao ang lumulutang kaya agad ko siyang hinila ko siya palayo sa tubig. Tinapik tapik ko ang kanyang pisngi para magising ito. “Gumising ka,” Nag aalala na sabi ko ngunit hindi ito nagigising. Agad akong tumayo at tumakbo patungo sa bahay para makahinga ng tulog. Nakita ko si ina na nagsasaing at si ama na nagbibiak ng kahoy. “Ina! Ama! May taong walang malay sa dalampasigan,” Nag aalala na sabi ko sa kanila at agad silang huminto sa kanilang ginagawa at sinundan nila ako patungo sa nakita kong tao. Nang makarating na kami, wala pa ring malay ang lalaki ngunit gumagalaw ang kamay nito. Agad siyang tinignan ni ama may ginawa sa kanyang katawan. Pinagmasdan ko ang lalaki at ngayon lang ako nakakita na ganito kagandang mukha ng isang lalaki. Mapuputi at mapupula ang kanyang kulay, ang kanyang buhok ay may kulay na kayumanggi at makikisig ang kanyang katawan. Kakaiba ang kanyang suot at hindi ko mapigilang magtaka kung anong tawag ng suot niya. Nagulat ako nang sumuka siya ng tubig at napaupo ito at umubo. Napatingin siya sa kanyang paligid at napunta ang kanyang tingin sa akin. Nagulat ako dahil asul ang kulay ng kanyang mata, sobrang ganda ng mata ng lalaking ito. Saan ba siya nanggaling at bakit siya napadpad sa isla namin? “D-Dónde estoy?” (W-Where am I?) Nahihirapang tanong niya. Nagtaka naman kami sa sinabi niya, hindi kasi namin maintindihan ang kanyang wika. Hinaplos niya ang noo niya at tinignan ulit kami, “Do you speak tagalog?” Tanong niya. Umiling lang ako dahil wala kaming maintindihan. “Nagsasalita ba kayo ng Tagalog?” Tanong niya at agad kaming tumango at namangha sa kanya dahil nakakapagsalita siya sa aming lengguwahe ngunit hindi niya gaano nabibigkas ng tama ang kanyang sinasabi. “Saan ka nanggaling?” Tanong ni Ina sa kanya. Napangiwi siya sa sakit habang hinahaplos ang noo niya. “Spain,” Sabi nito at kumunot naman ang noo ko. Ngayon ko lang narinig ang lugar na yun. Nanlakihan ang kanyang mga mata habang tinitignan ang dagat. Bakit siya ganito makatingin? “My ship! M-May nakita ba kayong malaki na bangka?” Tanong niya at umiling kaming tatlo at napa buntong hininga naman ang lalaki. Napahawak siya sa ulo niya kaya nag alala naman kami. “Anong problema?” Tanong ni Ama. “Hindi ako makakauwi kapag wala ang bangka na yun,” Malungkot na sabi niya. “May bangka ba kayo rito?” Tanong niya. Tinulungan siya ni ama at ina na makatayo at napatingin naman siya sa akin at tinignan ang katawan ko. Parang nababaguhan siya sa suot ko dahil magkaiba ang mga suot namin. Nakausot ako ng damit na gawa sa balat ng ahas at mga dahon. Nakikita ang tiyan ko dahil rito. “Meron pero hindi kami lumalabas sa ibang teritoryo,” Sabi ni Ama at napangiwi sa sakit ang lalaki habang tinulungan namin siyang makalakad at hinatid sa bahay. Pinahiga siya ni ama sa loob ng aming bahay at ginamot ang mga sugat niya. Wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan ang kanyang magandang mukha. Napatingin siya sa akin at agad akong napayuko sa hiya. “Hi,” Narinig kong sabi nito, hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. “Konti lang alam ko sa tagalog,” Sabi niya at tumango naman ako. “Anya, kumuha ka ng dahon ng bayabas sa labas,” Sabi ni ama at tumango ako at pumunta sa labas at kumuha ng dahon. Bumalik ako sa loob at nakahiga pa rin ang lalaki. Hindi ko alam ang pangalan niya kaya naisipan kong magtanong. “Anong pangalan mo?” Nahihiyang tanong ko. Napangiti naman ito. “Cadfael, ikaw?” Tanong niya at parang uminit ang aking pisngi dahil sa sinabi niya. Pati pangalan niya, sobrang ganda. “Anyangga,” Sabi ko sa kanya. Pinalayo ako ni ama sa kanya at kinuha ang dahon ng bayabas sa kamay ko at nilagay sa sugat ni Cadfael. “Hindi niyo ba ako kilala?” Tanong niya at umiling ako. “Bakit ka namin makikilala? Ngayon ka lang namin nakita.” Sabi ni ama. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Cadfael at hinaplos ulit ang kanyang noo. Napabuntong hininga si Cadfael. “Tapos na, gagaling din ang mga sugat mo,” Sabi ni ama at nakita ko si ina na may hawak na plato at baso. Napatingin si Cadfael sa dala ni ina. Ang plato at baso namin ay gawa sa kahoy, hindi pa ba siya nakakita ng ganito? Binigay ito ni Ina sa kanya. “Kumain kana,” Sabi ni ina. “Salamat,” Sabi ni Cadfael. Pinagmasdan ko siya habang kumakain at lumabas na sila Ina para ipagpatuloy ang kanilang ginagawa kanina. Narinig kong napaungol siya sa nang matikman ang pagkain namin. Napangiti naman ako at patuloy siyang pinagmasdan. Nakita kong may kakaiba siyang suot sa leeg niya at tinignan ko ang suot kong kwintas na gawa sa mga perlas sa dagat. Ang sa kanya ay parang galing sa langit dahil maliwanag ito at sobrang kinis. Hinawakan ko ang kwinstas niya at nagulat siya sa aking ginawa. “Magkaiba tayo ng kwintas,” Bulong ko at napatingin siya sa kwintas ko. “Gawa ito sa gold,” Sabi niya. Anong gold? Hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi niya. Marami akong mga natutunan na bagong salita galing sa kanya. Saan ba talaga nanggaling ang taong ito. Wala akong alam sa ibang lugar, mas ginusto ng mga ninuno namin noon na manatili dito dahil magulo raw ang mundo. Ang storya nang matuto kami ng tagalog ay isa sa aming pinuno ay hindi talaga taga rito, kundi taga ibang lugar at napadpad siya rito kaya kami natutong magsalita ng ganitong lengguwahe. Ngayon, naulit na naman ang nangyari noon na may napadpad na tao dito sa aming isla na nanggaling sa ibang lugar. Ano na naman kaya ang mangyayari? Makabubuti ba ito sa aming isla? Magkakaroon na naman ba kami ng bagong alam sa ibang lugar? “Bakit tahimik ka?” Tanong nito habang kumakain. Nabalik ang atensyon ko sa kanya at napayuko naman ako. “Wala,” Sabi ko sa kanya. “Paano ka napadpad dito sa isla?” Tanong ko sa kanya. “May bagyo na dumating, nasira ang bangka namin.” Sabi niya. Kaya pala, kawawa naman pala siya. Paano ang mga kasamahan niya? Siya lang mag isa ang napunta rito sa isla. Nakita kong pinagmasdan ni Cadfael ang aking katawan at napakagat labi naman ako. “Anya, hayaan mo muna siyang magpahinga,” Narinig kong sabi ni ama. “Opo ama,” Sagot ko at tumayo. Pinagmasdan pa rin niya ako at napatingin siya sa tiyan ko at agad akong kinabahan at tinakpan ito sa kamay ko. Agad akong lumabas at tumulong sa mga gawain ni ina. “Berno, baka hindi mapagtiwalaan ang lalaking yun.” Sabi ni ina kay ama. “Naabutan daw ang bangka nila sa bagyo ina, siya lang ang nakaligtas sa mga kasamahan niya.” Sabi ko sa kanila at napatingin sila sa isa’t isa. Alam ko na wala pang tiwala sila ina kay Cadfael ngunit hindi rin nila maiiwasan ang tumulong sa nangangailangan. Mabubuti ang puso ng ama at ina ko at hindi nila hahayaan na may mangyari sa taong nanganganib ang buhay. “Punasan mo mamaya sa mainit na tubig ang kanyang noo at sugat,” Sabi ni ina at tumango ako. Tumulong ako sa mga gawain sa labas at nagdilig ako sa mga halaman sa munti naming hardin at pagkatapos ay kumuha na ako ng mainit na tubig at pumunta sa loob ng bahay at sa kwarto na hinihigaan ni Cadfael. Nakita ko siyang humihiga habang nakatulala at nakatingin sa kisame. Napatingin siya sa akin at umupo ako sa tabi niya. “Pupunasan ko muna ng mainit na tubig ang mga sugat mo.” Sabi ko sa kanya at tumango naman ito. Sinumulan ko na ang pagpunas at nang matapos na ako, napatingin ako sa kanya ngunit nakatingin na ito sa akin kaya uminit ang aking pisngi. Agad akong tumayo at lumabas ng walang pasabi. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Dahil ba, iba siya sa mga tao rito? Sinubukan ko siyang alisin sa aking isip at kumuha ng mga bulaklak sa hardin para ilagay ito sa mesa mamaya. Nagluto na rin si Ina sa makakain namin mamaya kaya nag igib na rin ako ng tubig para mainom namin. Tinulungan ko si ina na ihanda ang mga pagkain sa mesa. Masarap ang ulam ngayon, isda at gulay. Napangiti naman ako at bigla akong nagutom. Tinawag ni ina si Cadfael sa loob, hindi pa nila alam ang pangalan ni Cadfael kaya iho ang tawag nila sa kanya. Nakita ko siyang dahan dahan na lumakad patungo sa mesa at umupo sa tabi ko. “Kumain na tayo,” Sabi ni ama at nagsimula na kaming kumain. Tinanong nila si Cadfael kung anong pangalan niya at kung bakit siya napadpad rito sa isla at sinagot ni Cadfael sila gaya ng sagot niya sa akin kanina. “Huwag kayo mag alala, mahahanap ako ng kasamahan ko sa palasyo.” Sabi niya. “Palasyo?” Tanong ni ama. Narinig ko na ang palasyo pero sa mga kuwento noon ng mga pinuno namin na sa labas raw ng lugar na ito, maraming iba’t ibang malalaking bahay. Minsan, nagkukuwento sila Ina at ama sa akin noon tungol sa mga prinsesa at prinsipe at kung paano sila nakatira sa palasyo. “Oo, kung saan nakatira ako.” Sabi niya at nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na nanggaling siya sa palasyo. “I-Ibig ba sabihin non, isa kang prinsi- “Prinsipe, ako ang prinsipe at magiging hari balang araw sa Spain.” Sabi niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.3K
bc

His Obsession

read
89.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook