Chapter 37

1615 Words

IYON ANG unang araw ni Raven sa Ellison Mansion. Mas nakakahinga na siya nang maluwag dahil hindi na niya naabutan pa ang mga magulang ni Lhorde nang bumaba siya sa unang palapag ng mansiyon nang umagang iyon. Nakaalis na ang mag-asawang Ellison papunta sa Japan. Kaya naman ramdam na ramdam ni Raven ang kakaibang kapayapaan sa kaniyang dibdib dahil hindi sila magkikita ng ina ni Lhorde sa loob ng halos isang linggo. “May aasikasuhin ka rin ba habang narito tayo?” tanong ni Raven kay Lhorde habang nag-aalmusal sila sa may lanai. “Sana,” tugon ni Lhorde. “Pero ayaw ko namang umalis muna.” “Masyado ng mahaba ang bakasyon mo,” aniya rito. “Bakit hindi mo muna i-check ang mga hawak mong negosyo? Lalo na ang airline company mo?” “I can check it online, love. At wala namang problema. So, do

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD