Jansen Di's point of view
Masaya ako sa nakuha kong propesyon. Iba ang pakiramdam kapag successful ang aking isinasagawang operation at successfully recovered din ang aking naoperahan. Isang taon na akong neuro surgeon dito sa America at lahat ng nag under sa akin ay success ang isinagawa kong operation.
Ilang taon na rin akong hindi umuwi sa Pilipinas dahil ang aking pamilya ang laging bumibisita sa akin. Lagi na rin akong kinukulit ni Mommy na umuwi na at ang Daddy naman kung may kasintahan na ako. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong umuwi dahil wala akong nagustuhan dito. Sa edad ko na ito ay hindi ko pa naranasan ang makahalik ng babae. Maraming nagparamdam sa akin pero natakot sila sa galit ko lalo na kung yayakap sila ng walang paalam.
"Doc. Ventura, may gagawin ka ba mamaya?" Tanong ng isang Pilipina na Doctor dito din sa Hospital.
"Why?" Seryosong tanong ko.
"Kaarawan ko kasi ngayon at may celebration kami sa bahay. Filipino food ang handa Doc." Sabi niya at ang pagtututol ng isip ko ay nawala. Masaya kasing kasama din ang mga Pilipino na kumain ng aming kinalakihan.
"Anong Oras?"
"Seven Doc, Dinner time."
"Okay, Thanks. Pupunta ako." Sabi ko at makikita kung gaano siya kasaya.
Iniwan ko na siya at nag round na ako para bisitahin ang aking mga pasyente. May isang kakaopera lang at nagka malay na kanina kaya sigurado akong stable na siya. Halos isang oras din akong naglibot, pagkatapos ay bumalik na ako sa aking opisina at inayos ang lahat ng mga documento ng aking mga pasyente. I will not make it sure na bago ako aalis ay okay na ang lahat.
Nagbigay na ako ng resignation letter, ayaw man akong payagan ng aming Director but I have to go home para ang aking napag-aralan ay makakatulong sa aking mga kababayan. Napatingin ako sa aking orasan at oras na para umuwi ako sa aking condo. Kanina ay ibinigay ng kababayan ko na Doctor ang kanyang Address at 15 minutes drive away lang sa aking tinitirhan.
Iniligpit ko na ang aking mga gamit at lumabas na sa aking opisina. Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko ang foreigner na doctor na may gusto sa akin. Hindi ko siya pinansin kahit tinawag ako. Sumakay na ako ng aking sasakyan at pinaandar ko na ito. Medyo malayo ang hospital sa aking condo ang kagandahan lang ay walang traffic.
Pagdating ko sa aking condo ay nagpadala na muna ako ng mensahe kay Mommy na nakauwi na ako. Kapag hindi ako nagpadala ng mensahe sa kanya ay siguradong tatawagan niya ako at iiyak na naman. I miss my parents so much kahit 4 months ago ay binisita nila ako. Sobrang lungkot ang kumain na mag-isa.
Pagkaligo ko ay nagbihis na ako at kumuha nalang ng alak na mamahalin na panregalo sa aking mini bar. Kung minsan ay umiinom ako para pampatulog lang. Hindi naman ako magtatagal doon dahil gusto ko lang may kasalo na kumain. Inilagay ko na sa paper bag ang alak at lumabas na ako sa aking unit.
Kahit paano ay ma mimiss ko din ang lugar na ito dahil sobrang peacefull. Sumakay na ako sa elevator at may nakasabay akong isang pamilya. Typical sa mga foreigner na bumati at makipagngitian. May batang nakipagkilala sa akin at sobrang na cute niya. I think he is 4 years old.
"Bye!" Paalam ko nang lumabas na ako sa elevator. Sa palagay ko ay sa ground floor sila lalabas. Ang aking sasakyan ay nakaparada sa harapan ng building. Binuksan ko na ito at agad na sumakay. Pinaandar ko na at napatingin ako sa oras almost seven na pala. Agad kong pinaandar ang aking sasakyan dahil nakakahiya kung ma late ako.
After a few minutes ay nakarating na ako sa bahay ng aking ka trabaho. Paglabas ko sa aking sasakyan ay nakita ko din na lumabas ang pamilya na nakasabay ko kanina kaya nagbatian kami ulit. Nagtawanan kami dahil iisang bahay lang pala aming pupuntahan. May lahing Pilipino din pala ang babae at kapatid niya ang katrabho kong doctor.
Masaya kaming sinalubong ng aking katrabaho. Kinamayan ko siya at binati sabay ibinigay ko ang aking regalo. May mga ibang lahi at Pilipino din na imbitado. Ipinakilala ako sa lahat at hindi ko na tanda pa ang kanilang mga pangalan.
"Kain na tayo." Sabi ng mga magulang ng may kaarawan.
"Your a doctor right?" Tanong ng bata na pamangkin ng aking trabaho. Nakalimutan ko na ang pangalan nito.
"Yes, I am a Doctor. Pardon, what's your name again?"
"I am Cole Doctor. Do you have a daughter?"
"Why you are asking?" Nakangiting tanong ko din.
"Beacause I want to marry your Child Sir." Sagot niya at ginulo ko ang kanyang buhok.
"I don't have yet."
"Oh, why?"
"Because I haven't met her Mother."
"Doc. kinukulit ba kayo ng aking pamangkin. Naku pasensiya na po Doc." Sabat ng kanyang Tita.
"It's okay." Sagot ko at kumuha na ako ng plato. Kinuhanan ko na din siya at ako na ang tumulong sa kanya na kumuha kung ano ang gusto niyang kainin. Halos lahat palang kami ay imbitado at may mga ilang nurses din. Masaya ang aming salo-salo at na enjoy ko ang pagkain na handa nila.
Pagkatapos naming kumain ay kinanatahan na namin ang birthday celebrant na may malaking cake sa kanyang harapan. Hindi ako mahilig sa matamis kaya konting slice lang ang kinain ko. Gusto ko nang magpa-alam pagkatapos ng dessert pero parang nakakahiya naman kaya nakisalo na muna ako sa kanila.
Iminom na din pero konti lang dahil magmamaneho pa ako. Ilang saglit lang ay gusto kong gumamit ng comfort room kaya tumayo ako. Tinanong ko sa isa nilang kasambahay ang cr at itinuro naman ito. Mabilis lang akong gumamit at naghugas na ako ng aking mga kamay. Paglabas ko ay nasa labas si Cole na parang hinihintay ako.
"Are you going inside?" Tanong ko sa kanya.
"No Sir, I think your life is endangered."
"What." Hindi makapaniwalang sambit ko na may halong tawa.
"I saw my Tita and her friend arguing. I heard that they will make you H*rny."
"What." Sambit ko ulit.
"Anyway, what is H*rny Sir?"
Hindi ko sinagot ang bata, sa kanyang tanong. Mas mabuti pang magpa-alam na lang akong uuwi. Humawak siya sa aking isang palad kaya napagpasyahan ko na sagutin na lang ang kanyang tanong.
"That word means that I will feel uncomfortable."
"Oh I thought you gonna Die." Sabi pa niya at sa mga sinasabi niya ay parang nagsasabi nga siya ng totoo. Nakita ko na kausap ng kanyang Tita ang Doctor na may gusto sa akin at may hawak silang baso na may alak.
"Doc, I have to go. Happy birthday again." Paalam ko.
"Doc, before you go can we have a toast?" Tanong ng Doctora na may gusto sa akin.
"Thanks but I am good." Seryosong sagot ko.
Napansin ko ang masamang tingin ng doctora na may gusto sa akin sa may kaarawan.
"Sir, pa birthday na po ninyo." Mahinang sambit niya.
Kinuha ko ang baso at itinapon ang laman.
"There you go." Sabi ko at nagulat ang dalawa. May asong dumila sa alak at agad na kinuha ng doctora na may gusto sa akin. Aso niya pala ito at ilang saglit ay nagwala ang kanyang aso. Nagkagulo ang bahay dahil sa laki ng aso ay hirap silang patigilin ito. I guess the kid is right may inihalo nga sa alak na iinumin ko sana.
"Cole, are you sure you want to marry my child when I have one?" Tanong ko sa bata habang nagkakagulo at nakagat pa ang doctora na may gusto sa akin.
"Yes Sir, I am hundred percent sure."
"Okay then, that's our deal." Nakangiting sambit ko at nagbigay ako sa kanya ng card para itago at paglaki niya ay hanapin niya ako.
Nagpa-alam na ako sa kanya at paglabas ko ay may dumating na ambulansya. Nagpag-pasyahan ko na next week na ako uuwi sa Pilipinas, I will surprise my parents and siblings.
Mabilis na natapos ang isang linggo at handa na ako sa aking pag-uwi. Ang mga importanteng gamit lang ang aking dala. Isang hand carry at isang malaking maleta lang. Ang iba kong gamit ay ibinigay ko na sa donation center. Kinausap ko na rin ang taga linis sa aking condo na kahit once a month nalang siya pumunta. Her salary will automatically send to her bank acccount.
Ang aking sasakyan naman ay kasama sa donation dahil wala naman nang gagamit. Tumawag na ako ng Uber, pagkatapos ay lumabas na ako hila-hila ang aking gamit. Pagbaba ko ay nakita ko si Cole.
"Where are you going Sir?" Tanong niya na nakatingin sa aking mga dala.
"I am going back to the Philippines."
"Oh no, how about our deal? I put your card in my safe box and when I grow up I will call you." Naiiyak niya sabi at natatawang binuhat siya ng kanyang ama.
"Then we will see each other in the Philippines." Nakangiting sagot ko.
"But my grandparents passed away already and we don't have anyone there."
"I am."
"Really!" Masayang sambit na nito at gusto niyang yumakap kaya niyakap ko siya ng kasing higpit ng kanyang yakap.
"I am sorry about that." Sabi naman ng kanyang ama.
"No, problem." Sagot ko at kailangan na akong magpa-alam.
Tinulungan ako ng Uber na tinawagan ko para ilagay ang aking malaking maleta sa compartment. Pagkatapos ay sabay na kaming pumasok sa loob ng sasakayan. Nalaman ko na may utang na loob ang Tita ni Cole sa doctor na may gusto sa akin. Kaya napilitan siyang sumunod sa gusto niya. Hindi na ako nag file ng case pa dahil madadamay ang Tita ni Cole. Kawawa naman kung maalisan siya ng lesensiya.
Ilang sandali ay nakarating na kami sa airport, agad nag check-in na ako at pumunta muna sa lounge habang hinintay ko ang pagbukas ng gate. Napailing nalang ako ng may umupo sa aking tabi na babae, foreigner siya at kahit hindi ko kinakausap ay sinabi niyang mag babakasyon siya sa Pilipinas.
Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin dahil kung gagawin ko ito ay siguradong kukulitin ako hanggang sa magbukas ang gate. Ayoko pa man din ng makulit na babae lalo na kung hindi ko kilala. Tama na sa akin sina Mommy, Jo at Kim. Ang malas ko lang dahil nang pumasok na kami sa loob ng eroplano ay katabi ko pa siya ng upuan. Business class ito at sobrang lapit namin. Mahaba-habang biyahe paman din.
Nang naka steady na ang eroplano ay naglakad-lakad na muna ako at nakita ko na may bakante na isa sa likuran. Kinausap ko ang isang flight attendant kung pwedeng magpa transfer. Mabuti at pumayag naman, siya ang inutusan ko na kumuha sa aking hand carry dahil ayoko nang bumalik pa sa aking dating upuan. Ewan ko ba at parang mainit ang dugo ko sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa lalaki.
Naisip ko tuloy sina Kim at Jo. Nakaramdam ako ng awa sa kanila pero atleast masaya na sila sa kanilang buhay. Lalo na ang aking kapatid. Nakatulog ako ng mahaba-haba at paminsan-minsan ay nagigising kung mag serve sila ng meal. Mabilis na lumipas ang mga oras at nakarating na kami sa Pilipinas.
Nauna na akong pinalabas at ginamit ko na ang aking numero sa bansa. Tumawag ako ng Grab habang nakapila ako para kunin ang aking maleta. Nang makuha ko na ito ay dumikit sa akin ang babaeng foreigner.
"Assh*ole, f*cking gay." Sambit niya at patay malisya lang akong lumakad. Alam ko na mas nanggalaiti iyon sa galit dahil walang salita na lumabas sa akin.
Sa wakas ay naka labas na rin ako at inalis ang aking jacket dahil ang init ng Pilipinas. Nasanay na kasi akong nasa building at hospital lang na puro aircon. Sumakay na ako sa Grab at napangiti dahil alam ko na magugulat ang aking mga magulang lalo na ang aking Mommy.
Traffic padin ang nadatnan sa bansa kaya halos dalawang oras din ang nakalipas bago kami nakarating sa bahay. Nang makilala ako ng aming guard ay sinabi ko na hindi niya itatawag na dumating ako. Pera nalang ang kinuha ko sa aking wallet na pasalubong sa kanila dahil wala na akong oras pa na bumili.
Hindi na ako nagpatulong pa sa aming mga guards. Hinila ko ang aking malaki at maliit na maleta. Nang nasa harapan na ako ng pintuan ay nag doorbell ako kahit alam ko ang passcode.
Nagbukas ang pinto at si Yaya ang nagbukas na napanga-nga pa. Pagkatapos ay niyakap na niya ako.
"Naku, Jansen mas lalo kang gumandang lalaki." Sambit niya.
"Sina Mommy at Daddy Yaya?"
"Nasa pool sila."
"Sige po Ya, huwag na muna ninyong sabihin na dumating ako."
"Tulungan na kita." Sabi ni Yaya at ibinigay ko sa kanya ang maliit kong maleta. Magaan lang naman ito at ako na ang nagbuhat sa malaki.
"Salamat Yaya." Sabi ko na kumuha ng pera sa aking wallet at dinamihan ko na ito para ibang kasambahay at driver."
"Ang dami naman nito Anak."
"Ayaw ba ninyo?"
"Aba eh gusto, salamat. Sige at sasabihin ko sa taga luto na ang mga paborito mo ang lulutuin niya na pananghalian natin."
Ipinasok ko na ang dalawang maleta at nagpalit ako ng pampaligo. I want to join my parents in the pool. Sa exit na ako dumaan at nang malapit na ako sa pool ay may umuungol. Napailing nalang akong bumalik sa aking kwarto dahil gumagawa ng bata ang aking mga magulang.