Palabas ako ngayon sa university ng marinig ko na may tumawag sa akin. Nilingon ko ito.
“Hunter! Wait….” Hingal na hingal ito at may mga pawis sa kaniyang noo kaya naman kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at tinulungan itong magpunas. Habang ginagawa yun ay sinalubong ko ang titig na titig na mata nito.
“Bakit mo ba ako hinahabol?” tanong ko sa kaklase ko na si Jenny sa kursong Bachelor of Performing Arts.
“Ang bilis mo kasing maglakad porke matangkad…. Wait…..” naghabol pa ito ng hininga “So ayun na nga, yayayain sana kitang pumunta ng Quiapo. Nood tayo ng actual shooting makakatulong yun para alam natin paano umarte sa harap ng camera” napaisip ako. Gustong gusto ko kasing umarte, hindi dahil malaki ang kita kapag naging sikat ka pero dahil ito yung passion ko. Naalala ko na hindi ako pwede ngayon dahil ipagdadrive ko si Ate Moore papuntang subic.
“Ngayon ba yan Jenny?” biglang kumapit sa braso ko si Jenny at pilit na inaabot yung panyo ko. At dahil akin naman talaga yung panyo ay inilayo ko yun sa kaniya.
“Panyo ko toh”
“Alam ko, akin na lalabhan ko tas sasauli sayo. Napawisan ko na yan eh” kumunot ang noo ko.
“Maglalaba ako sa Sunday kaya isasabay ko na” kita ko ang pagsimangot nito at sumuko na sa ginagawa.
“Sa tanong mo, oo sana. Bakit, hindi ka ba pwede ngayon?” umiling ako.
“May trabaho kasi ako, ipagdadrive ko yung boss ko sa Subic” sagot ko habang naglalakad palabas ng university. Nakakapit pa din si Jenny sa braso ko, masyado itong clingy sa akin at hilig kapitan ang braso ko. Pero okay lang naman, mukha namang wala siyang masamang balak sa braso ko.
“Subic? Almost 2 hours yung byahe dun ah. Papasok ka naman ba bukas?” tumango ako, syempre. Ayokong umaabsent sa school, kahit nga may sakit ako ay pumapasok pa din ako.
“Oo naman, kung hindi man ako makauwi mamaya baka papakiusapan ko yung boss ko na magdrive ako ng maaga bukas para makahabol sa klase” tumango tango ito.
“Oh, edi sa sabado na lang after class. Isa lang naman subject natin tuwing Saturday eh” napaisip ako, gusto ko sanang manood ng shooting kaso baka kailangan ni Ate Moore ng driver. Di bale magpapaalam ako sa kaniya mamaya sana pumayag.
“Sandali, may alam ka bang nagtitinda ng gummy bears dito sa campus?” pangsusuhol ko sana kay Ate Moore yung gummy bears, pansin ko mahilig siya dun eh kasi may gummy bears na inabot yung secretary niya sa akin. Pinabibigay daw ni Ate Moore, hilig niya siguro.
“Gummy bears? Meron ako sa bag, iuuwi ko sana sa mga kapatid ko. Sayo na lang” binitawan nito ang braso ko sabay bukas sa bag niya.
“Wag na, bibili na lang ako. saang tindahan ba meron?” pero hindi nakinig si Jenny at itinulak sa braso ko yung Gummy bears.
“Jenny, wag na”
“Ano ka ba? Gummy Bears lang yan, may chocolates pa nga ako dito eh. Gusto mo ba?” agad akong umiling ng makitang bubuksan niya ulit yung zipper ng bag niya. Hinawakan ko yung kamay niya para sana hindi niya na kunin yung chocolates.
Beep!
Beep!
Beep!
Napatigil ako at lumingon, nakita kong nakasilip sa bintana ng sasakyan niya si Ate Moore. Nakakunot ang kilay nito at parang nagtataray na naman.
“Sige Jenny, bayaran na lang kita bukas para dito ha. Una na ako, andyan na boss ko eh” mabilis akong tumakbo sa sasakyan ni Ate Moore. Binuksan ko yung passenger’s seat at umupo doon. Paglingon ko ay nakataas pa din ang isang kilay niya.
“Para sayo Ate Moore” sabay abot ko ng maliit na jar ng Gummy Bears. Bumaba na yung nakataas na kilay nito at seryosong kinuha yung gummy bears.
“Moore” paalala nito, hinawakan ko yung tungki ng ilong ko. Para naman kasing ambastos kung Moore lang ang itatawag ko sa kaniya. Pero dahil siya ang boss, siya ang masusunod.
“Moore, Para sayo yan Moore” nginitian ko ito.
“Sino yung babaeng yun? Girlfriend mo o nililigawan?” inistart nito yung sasakyan.
“Ha? Si Jenny ba?” muli na namang tumaas ang kilay nito at tinapunan ako ng tingin.
“Who else? May iba ka pa bang nililigawan?” luh, single since birth kaya ako. Sabi ng magulang ko wag maging katulad ni kuya, masama daw.
“Grabe naman po ma’am. Hindi naman po ako ganung klaseng tao atsaka kaklase ko lang po yung si Jenny. Niyaya akong manood ng shooting sa sabado”
“Tsk! Iba yung tingin niya sayo” kumunot ang noo ko, anong klaseng tingin.
“Ano pong klase ng tingin ma’am” tinapunan ako ng tingin ni Ate Moore at umiling ito.
“Nevermind” sumandal ako sa upuan.
“By the way, thank you for the gummy bears” ngumiti ito sa akin.
“Welcome, so tama po ako na mahilig kayo sa gummy bears?” kinagat nito ang ibabang labi niya at tila natatawa. Sumandal ako sa upuan.
Sandali! Parang may mali, tumingin ako kay Moore habang nagdadrive siya. Wait! Ako dapat yung driver eh.
“Moore diba dapat ako po yung magdadrive?”
“Yep, pero mamaya ka na. Galing ka sa school for sure ay pagod ka. You can take a nap then gigisingin kita if turn mo na para magdrive” napakamot ako sa buhok ko. Si Moore inagawan pa ako ng trabaho, paano yung sahod ko niyan.
“Ako na po ang magdadrive, ang panget naman po na ako yung driver tapos kayo yung magdadrive”
“Mas panget kung hindi mo ako susundin” masungit na sabi nito pero agad din yung nawala at ngumiti sa akin na parang nang aakit. Ganyan yung mga ngiti ng mga babae ni kuya pag bumibisita sa bahay namin. Sabi ni kuya inaakit daw siya ng mga yun.
Hininto nito ang sasakyan sa gilid.
“How about this, kiss me na lang as a p*****t dahil ako yung magdadrive. Then I’ll kiss you as a p*****t kapag ikaw na yung magdadrive” kumunot yung noo ko. Aanhin ko yung kiss, hindi ko naman maipangbabayad yan sa mga school projects.
“Moore hindi ko naman kailangan yung kiss mo, mas prefer kong bayaran mo ako ng pera” wrong choice of words ata dahil bigla nagtaas na naman siya ng kilay. Bumuntong hininga ako, bakit ba ang harot ni ma’am?
Inalis ko yung seatbelt at tinawid ang distansya sa pagitan namin. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi tapos balik sa upuan.
“Okay na po ba ma’am? Happy po?” kita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi nito tapos ay ngumiti. Inalis niya yung seatbelt niya, masama yung pakiramdam ko sa ginawang yun ni ma’am.
And I’m right!
Mabilis ako nitong hinalikan sa labi, madiin at kulang na lang ay kainin niya yung lips ko. It feels weird, hindi ko alam na ganito pala kapag makikipaghalikan ka. Pumikit ako at sinabayan ang halik niya. After a few minutes ay bumitaw ito, huminga ako ng malalim.
“Thank you for the gummy bear, it tastes yummy” kumunot ang noo ko sa narinig at takang tiningnan siya.