“Cheers! For our beautiful, successful friend here for being the second Billionaire sa circle natin” Suzette said, we clink our glasses to start our celebration.
“Thank you, but I’m not done yet. My target for this year is to be the first to earn a Billion in dollars currency in our circle.” agad kong tinapunan ng tingin si Maicy, but she just shakes her head and giggles.
“So competitive, b***h. But let’s see.” I smirked in her direction and flip my new blonde hair backward.
“I think we still need to order, may darating pang ibang bisita. Let me call the waiter.” Suzette pressed the intercom that connected our room to the counter. I sipped my tequila while observing my friends, nagsisimula pa lang kami ay parang lasing na sina Aubrey and Maicy because they were eating each other’s face. I automatically raised my eyebrows.
Really, sa harap ko pa talaga!
May kumatok sa room namin at dahil busy sa pakikipaglandian at chismisan ang mga kaibigan ko ay ako na ang nagbukas sa pinto. As I opened the door, an angel smiled at me.
“Hello, ma’am. Ito na po yung order niyo” I blinked multiple times to calm my fallopian tube, Gosh! Anong ginagawa ng anghel na toh dito sa bar. I opened the door for him na sinuklian niya ng malawak na ngiti. Tiningan ko siya ng maigi habang isa-isang nilagay yung drinks sa table, at dahil sa kaharutan nina Suzette at Steff ay hindi sinasadyang natapunan ng martini ang suot nitong puting uniform.
“Girls!” I walked closer to them.
“Sorry, I’ll just compensate you” Suzette smiled apologetically, but the cute guy shakes his head.
“Okay lang po, ma’am. May extra uniform naman po ako, if may iba pa po kayong order just call us po.” Ngumiti ito kay Suzette, and I saw her stop for a second before makabawi. I raise my eyebrow as my friend meets my gaze. After the cute guys left our room ay agad akong hinila ng kaibigan ko sa sulok ng room.
“So--- target lock, huh?” I wriggle my eyebrow as response and mabilis na ininom yung tequila. I wanted to smell drunk and wasted. Agad akong nagpaalam kay Suzette, and the b***h just muttered goodluck to encourage me. I quickly fixed my hair to look more alluring and made my way to the personnel area. Dire-diretso akong pumasok sa pinto without knocking. Kita ko pa ang pagkagulat niya sa ginawa ko, he’s half naked. Perfect timing.
“Ma’am bawal po kayo dito” I ignored his words and walked closer to him. Agad akong umarteng nahihilo kaya naman nasalo niya ako sa bisig niya. I want to applaud myself for being so dramatic.
“I’m sorry, akala ko bathroom. Nahihilo talaga kasi ako” nanghihina pero malanding sabi ko habang nakapulupot ang braso ko sa leeg niya, I heard his breath hitch.
“Parang okay naman po kayo kanina” I shake my head at tinago yung mukha ko sa leeg niya, smells like johnsons baby powder, bango!
“I feel dizzy, pinainom kasi nila ako ng isang bote ng tequila before going to the bathroom” a white lie.
“Ma’am hatid ko na lang po kayo sa room niyo.”
“Okay, thank you” rinig ko ang malalim na paghinga nito. We’ll, who woudn’t? Ako na toh si Moore Iris Archambeau. Inalalayan ako nitong umupo at pinagmasdan ko siya habang nagbibihis ng nakatalikod sa akin. He’s tall tansya ko ay nasa 5’11 ang height niya, exactly my type. Actually, yung height niya lang yung type ko sa kaniya. He looks innocent to my liking. I was shocked when I saw him kanina, akala ko ay batang nanaliligaw ng landas. Like wala sa itsura niya ang pumunta o kaya ay magtrabaho sa bar, mukha siyang hindi gagawa ng kasalanan. I giggle at my thought. Gagawa kami ng kasalanan mamaya, konting landi pa.
“Tara na, Ma’am. Kaya niyo na po ba?” I act na parang nahihilo.
“No, umiikot yung paningin ko” ramdam ko ang paglapit nito sa akin
“Gusto niyo po ba, buhatin ko kayo pabalik ng room niyo?” mas gusto kong buhatin mo ako pabalik ng room mo, baby.
Habang naglalakad ito at buhat buhat ako ng pabridal style ay naisipan kong magtanong.
“Can I ask your name? Gusto kong malaman yung pangalan ng taong tumulong sa akin” bait-baitang sabi ko.
“Hunter, ma’am. Hunter Cesiah San Diego, kayo po?” saglit ako nitong tiningnan at dahil dun ay napansin ko ang ang kulay ng mata niya. He has amber-colored eyes, mas nagmumukha siyang inosente sa panigin ko. His black hair suits him well. Damn, he's not my type but through the roof na ang attraction ko sa kanya in a span of few minutes.
“So, ilang taon ka na Hunter?” I hope hindi masyadong bata.
“18, ma’am. Ikaw po?” bigla akong nasamid kahit wala naman akong iniinom. Damn, I’m 8 years older than him.
I’ll terminate my mission now. Ayokong maging headline sa balita, titled: A New Billionaire is in jail for child abuse. No! That can’t be.
“Medyo okay na ako. You can put me down here, tutal malapit na rin naman tayo” huminto ito at nag aalalang tiningnan ako. Oh, please. Wag mo akong tingnan ng ganyan, mahina ako sa tukso.
“Sure ka po ma’am? Hindi na po ba kayo nahihilo?” my gaze softened, what a sweetie. Pero utang na loob wag mo akong hinahamon. Makasalanan ako pero ayokong maging child abuser.
“Yep, thank you ha. You’re so sweet” nginitian ko ito, sweet na bata. He smiled back and I swear kitang kita yung hapiness sa mata nito.
Bakit ba naman siya pinanganak ng late, Lord?
“Sige, ma’am. Ingat po kayo ha” I nodded and smiled as a response, mabilis ko siyang nilisan dahil baka magbago ang isip ko. Agad akong dumiretso sa VIP room and Suzette met my gaze while wearing her infamous smirk. I rolled my eyes as a response at agad na uminom ng tequila. I feel Suzette presence near me, agad ko itong hinarap.
“Ang bilis naman nun, b***h. Walang foreplay? O hindi magaling?” umirap ako at muling tumungga ng iinumin.
“Walang nangyari” shocked was visible on Suzette’s face.
“Himala! Inayawan ka o inayawan mo? O kaya Bad breath kaya umatras ka?”
“18”
“Anong 18?”
“18 years old siya. Ayokong maging cougar!” malakas na tumawa ang gaga sa narinig.
“Sis, obviously cutie is younger. Halata naman, ikalma mo kasi yang ovary mo muntik ka ng maging sugar mommy kanina” annoyed na nga ako, dinagdagan pa niya.
“I know he’s younger, but I did not expect na ganun kabata. It feels so unlawful flirting with him! Ayoko ng isipin”
“Maybe try finding another guy? We’re in the freaking bar so maraming mga guys diyan na available.” I rolled my eyes in annoyance.
“I’m not in the mood.” Suzette just shrugged her shoulder and sipped her drinks.
“Fudge!” sapo ko ang ulo ko at sumandal sa manibela. I’ve lost count of how many shots of tequilla I’ve had. Masyadong mabilis ang oras and I just realize na need ko pang magdrive pauwi.
Mabilis akong lumingon ng makarinig ako ng katok sa bintana ng kotse. I tried to focus kasi talagang yumayanig yung paligid ko. I lowered the windshield a bit.
“Yes?” nahihilong sabi ko pa while squinting my eyes.
“Ma’am, okay lang po ba kayo?” I tried to focus my gaze and there I saw my giant baby. Feeling ko nawala yung kalasingan ko and my liberated self-switches on.
Can someone remind me that he’s freaking 18!
“No, I feel dizzy, but I need to drive home” I blinked multiple times in his direction.
“Saan po ba kayo ma’am? Book ko na lang po kayo ng grab” I opened my car door at sinubukang lumabas, but I know I can’t kaya ang ending ay sinalo niya ako. Omyghad! I’m drunk pero ang bango pa din niya.
Bahala na, I already give him a chance kanina pero ito at siya ang kusang lumapit sa akin
“Can you please drive me home? Feeling ko naman you are a good person” I looked at him in the eye, ngumiti ito sa akin. And at that time alam ko na, tanggap ko na magkakasala talaga ako.
Kung ganito kacute at pogi naman ay willing ako maging cougar.
“Sige po, ma’am. Address niyo po?” binuhat ako nito ng pabridal style at inupo sa passenger seat.
After telling him my address ay inistart niya ang kotse. Almost 2 a.m na ng umaga ng makarating kami sa condo ko and because I still feel dizzy for real ay binuhat ako nito sa elevator. While we were in the elevator, an idea formed in my mind. I snuggled close to his neck and rained it with small kisses, ramdam ko na natigilan siya.
“Ma’am, hindi ako yung boyfriend mo” I chuckled at what he said but didn’t bother to stop. Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin and breathe deeply.
“Lasing ka lang, ma’am” mahina akong tumawa at tinigil ang paghalik sa kaniya ng bumukas ang elevator. I’m head is throbbing ng magtanong ito sa susi ng condo ko. After opening the door ay inutusan ko siyang ihiga ako sa bed ng room ko. I closed my eyes and started massaging my throbbing head. Akala ko ay naka alis na ito pero naramdaman ko na lang na dahan dahan nitong inalis ang heels ko. Then, I feel his hands starting to massage my head, nagmulat ako. Kahit seryoso ay ang attractive pa din niya sa paningin ko. Natigilan ito ng dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga.
“Okay ka la—” I cut him off by closing the gap between us. The next thing I knew ay nakalapat na ang labi ko sa malambot niyang labi. Kitang kita ko ang gulat sa mata nito, I mentally smirked and bit his lowerlip. Agad itong natauhan at dahan dahan akong nilayo sa kaniya habang naroroon pa din ang gulat sa kaniyang mata. Ngunit mas lalo itong nagulat sa sinabi ko.
“Would you like to be my FUBU?” very casual yet flirty na sabi ko.