Chapter 13

1733 Words
"Sa tingin mo ano kayang pinag uusapan nila?" tanong ni Emman, siya talaga yung tipo ng tao na ang hilig makichismis. "Kanila na yun, Emman. Labas tayo sa kahit na anong pag uusapan nila" tumango ako sa sagot ni Tyler. "Anong labas? Siguro labas tayo sa usapan nila pero itong si Hunter" sabay turo niya sa akin "Hindi siya labas sa usapan nila" tinuro ko ang sarili ko, bakit ako kasama? "Kita mong hindi naman nagrereklamo si Hunter" "Tsk! Syempre masyadong mabait at inosente yan, baka mamaya niloloko na ni Ma'am si Hunter. Umiyak pa itong bunso natin" kumunot ang noo ko, bakit naman niya ako lolokohin eh wala namang kami. "Paalala ko lang. FUBU sila ni Hunter, hindi porket nakikita nating sweet si Ms. Moore sa kaniya, may something na. Ang pinakamatagal na FUBU umaabot ng 3 months or else ma aattach yung dalawang party" lumingon sa akin si Tyler. "Kaya ikaw, wag ka masyadong ma attach sa kaniya. Oo, mabait si Ms. Moore pero in the end FUBU lang kayo" paalala ni Tyler sa akin, alam ko naman yun. Kaya naman kahit nakakadala si Moore ay lagi kong inaalala na FUBU lang kami, in the end of the day gagawin niya din sa akin yung ginawa ni Kuya sa mga babae niya. Okay lang naman sa akin yun, naiintindihan ko yung consequences ng pinasok ko. Alam ko yung boundaries sa pagitan namin and I respect that. "I short wag kang maiinlove sa kaniya" bigla sabi ni Jenny habang nakatingin sa direksiyon ni Moore na kausap si Clark na isa sa mga sikat na artista ngayon. "Wag kang ma aattach" sabi ni Tyler "Para hindi ka masaktan" dugtong naman ni Emman, tumango ako. Alam ko na yan. "Pero curious pa din ako, ex kaya yan ni Ms. Moore? Ayos din ah, sikat na artista ex ni Ma'am" muling chismis ni Emman. Bagay sa kaniya maging newscaster masyadong mahilig sa balita. "Hindi naman ganun ka sikat si Clark Jermin, artista siya pero hindi naman ganoon kasikat. Palibhasa basta artista sayo tapos lumalabas sa kahit na anong palabas sa tv, sikat na" sang ayon ako kay Tyler, sa madaling salita hindi in demand si Mr. Clark pero artista siya at papausbong pa lang ang career, kaya kung naging girlfriend niya nga si Moore. Sa kanilang dalawa mas maswerte si Mr. Clark. "Teka! Nananakit na si Clark oh!" mabili kong nilingon sina Moore at Clark, kita ko na hinawakan nito ang braso ni Moore at pilit na yumayakap dito. Aba't, wala siyang respeto sa babae! Mabilis kong binuksan yung pinto ng sasakyan at lumabas dinig ko pa ang pagtawag ni Jenny sa akin pero hindi ko yun pinansin. Mabilis kong tinulak si Clark sabay hawak sa bewang ni Moore palayo dito. Kalalaking tao ay pero nambabastos ng babae! "Are you okay Moore?” nag aalalang tanong ko, nakatitig lang siya sa akin ng ilang sandali. Kumunot ang noo ko, natakot ata siya--- Napapikit pikit ako ng dampian ako ng halik ni Moore, saglit lang yun pero hinalikan pa din niya ako kaya naman ng tingnan ko si Clark ay nanlilisik ang mata nito ngayon. Agad na tumayo si Clark at akmang susugod ng tinulak ko ulit toh sa dibdib niya, mas matangkad ako sa kaniya at mas mahaba yung kamay ko kaya naman bago pa niya ako maabot ay tinulak ko na siya. Hindi naman malakas yung pagkakatulak ko pero sakto lang para mapaatras siya ng ilang hakbang. "What's the meaning of this Moore?" kumunot ang noo ko. Meaning ng ano? "Can't you see?" sinilip ako ni Moore sa gilid ng kaniyang mata "Hunter is my boyfriend" Ha? Napakurap kurap ako, akala ko scholar niya ako bakit naging boyfriend ulit. Dinig ko ang mapaklang tawa ni Clark habang hinahawi niya yung buhok niya paitaas. "Hindi ka papatol sa mas bata sayo Moore, isa pa he's not your type. Ang sabi mo sa akin yung type mo mga bad boy, yung malakas yung dating. Look at him," tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa " Mukhang high school student, mukhang bata at may gatas pa sa labi" hindi ko alam if lang iinsulto yun o papuri. Pero thank you. "Matagal ng nagbago yung type ko sa lalaki, also yes. May gatas pa siya sa labi because I always taste his milk every time we make love" napakurap kurap ako, bakit parang iba ata yung meaning ng milk sa pagkakatanda ko at sa pagkakasabi ni Moore. "You!" galit na nakatingin si Clark kay Moore, hinila ko si Moore sa likod ko upang harangan yung tingin ni Clark sa kaniya. "Ilang taon na ba toh? Kailan ka pa naging cougar?" aba't bastos pala ang bibig ng isang ito. "Alam mo ba kung sino ako sa buhay ni Moore" kumunot ang noo ko at titig na titig sa akin si Clark. "Shut up, Clark! Wala tayong relasyon, stop being delusional!" inis na sabi ni Moore habang nakayap siya sa likod ko at nakasilip mula doon. Ngumisi si Clark at muling tumingin sa akin. Mukha siyang kontrabida sa mga palabas. "Wag kang magpapauto kay Moore, tingnan mo naman after niya akong gamitin, tinapon ako. Itatapon ka din niya" nagsalubong ang kilay ko, hindi pa ba siya mananahimik. "Wala akong pakialam kung ano kayo ni Moore dati. Ang alam ko lang, hindi ka niya gusto ngayon and that's enough for me. Also, kahit anong sabihin mo I will believe Moore, so please back off."seryosong sabi ko, kita ko na napailing pa ito. “Moore don’t commit, I’m pretty sure she’s toying you” paano mag cocommit eh hindi nga kami, mukha siyang desperado ngayon para siraan si Moore. “Leave or tatawag kami ng security” Tyler said nan as likuran na pala namin. “Tingnan niyo ito guys, ito yung artist na ng haharass, ayan yung mukha niya oh” napalingon ako kay Emman na nakabukas ang camera at vinivideohan yung mukha ni Clark. Tinakpan ni Clark yung mukha niya sabay takbo ng mabilis. “Tsk! Tingnan mo yun, walang utak. Mukha lang naman navideo ko sa kaniya hindi yung pang haharass niya, natakot na agad” Hinarap ko si Moore at nag aalalang tiningnan siya. “Okay ka lang?” ngumiti ito at tumango. “I’m okay baby, don’t worr—hiss—” napatingin ako sa braso nito na nahawakan ko. Dali dali kong itinaas yung sleeve ng polo niya. Dapat talaga tinulak ko ng malakas yung Clark na yun! She hurt Moore! Kitang kita yung pasa sa braso niya. Bastos na nga siya, nanakit pa ng babae. Nagsalubong ang kilay ko, naiirita talaga ako! “I’m okay baby” mahinang sabi ni Moore, pero nakatingin pa din ako sa pasa nito. Okay daw siya pero halata namang masakit yung pasa niya, inuuto niya ako. “Look at me” sinapo ni Moore ang pisngeko at hinarap sa kaniya, titig na titig siya sa akin. “Okay lang ako, thank you kanina baby” masuyong sabi niya tumango ako. Fine, walang sense if magagalit pa din ako. Nangyari na eh pero sa susunod na makita ko yung Clark, igaganti ko si Moore. After nung nangyari ay naisipan naming umuwi na lang para makapagpahinga na din si Moore. Una kong hinatid sina Tyler, Emman at Jenny. Pinark ko ng maayos yung sasakyan ni Moore at tiningnan siya pagkatapos. Tumaas ang isang kilay nito. “Ganda ko noh?” automatic akong napatango, narinig ko ang mahinang tawa nito. “Cute mo talaga baby” pinugpog niya ng halik ang buong mukha ko halatang nang gigigil. Hindi ako kumibo, napansin niya yun. “Baby, huwag mo ng isipin yun. It’s not your fault that he’s delusional, though may kasalanan ako doon” sa sinabi niya ay na curious ako sa totoong nangyari sa kanilang dalawa. Pero ayoko siyang tanungin, if gusto niyang ishare ay makikinig ako kung hindi naman ay okay lang din. Pero may tanong ako na gustong gusto kong masagot. “Moore” panimula ko, kita ko na umarko ang kilay niya tanda na nakikinig. “Bakit mo pinatulan yun? Akala ko pa naman may taste ka” sunod sunod na sabi ko, may itsura yung Clark pero hindi naman sobrang gwapo. Mas gwapo pa pinsan ko doon eh. “Hahahaha” tingnan mo toh, seryoso akong nagtatanong tinawanan ako. “Baby may gwapo naman si Clark” pagtatanggol nito “Tsk! May itsura siya, pero hindi gwapo” “So ano ang gwapo sayo then?” nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. “Nakita mo toh” hinawakan ko ang baba ko para ipakita ang mukha ko “Akala ko pa naman may taste ka kasi pinatulan mo ako. Mali pala ako, hanggang ngayon sinasabi mo pa din na gwapo yun eh lupa lang yun at langit ako” seryosong sabi ko pero yung bandang dulo biro yun. Rinig ko ang may kalakasang tawa niya, napangiti ako atleast napagaan ko yung loob niya. “Where’s my innocent Baby Hunter? Saan mo siya tinago?” kumunot ang noo ko “Ako pa din naman ito, medyo face control kasi ako. Kaya alam ko na hindi naman kagwapuhan yung ex mo” totoo naman, may itsura pero hindi ganun ka gwapo. Seryoso ako doon, lalo na simula bata ay mahilig ako sa mga may itsurang tao. Sa pamilya namin, lahat kami face control. Pati nagtatrabaho sa amin may mga itsura kaya naman alam ko kung paano maka appreciate ng good looking person. “Baby he’s not my ex, wag kang makikinig sa sinasabi niya” napatango ako at tumitig sa maganda niyang mukha. “Don’t worry, hindi naman ako naniniwala sa kaniya. Pero Moore” Sumeryoso ako at maayos na humarap sa kaniya habang nasa loob pa din kami ng sasakyan. “Kapag ayaw mo na sa akin or sawa ka na sa pagiging FUBU ko, sabihin mo lang. Maiintindihan ko naman eh, iintindihin kita at tahimik akong aalis” sinserong sabi ko, nawala yung ngiti sa labi niya at seryosong tumingin sa mga mata ko. Hinawakan ni Moore yung pisnge ko gamit ang kanang kamay ko sabay halik sa labi ko. Pumikit ako at dinama ang halik niya, gentle lang yun at hindi mapusok katulad madalas naming ginagawa kapag naghahalikan. Nang maubusan kami ng hangin ay lumayo siya at pinagmasdan ako. “Baby, do you want to go on a date with me?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD