#BetweenYouAndHim EPISODE 21 “Dahan-dahan lang…” malumanay na sabi ni Khiro habang inaalalayan si Howard sa pag-upo sa sofa. Nasa condo na sila ngayon. After ilang days pa ng pananatili sa hospital at ilan pang test and examinations na ginawa kay Howard ay pinayagan na rin itong i-discharge sa ospital dahil sa tuluyan na itong gumaling. Napangiti si Howard ng maiupo na siya ni Khiro. “Ano? Nauuhaw ka ba? Ikukuha lang kita ng tubig…” nakatinging sabi ni Khiro kay Howard. Nakangiti lang si Howard habang nakatingin rin kay Khiro. “Anong ningingiti-ngiti mo diyan?” tanong ni Khiro. Napailing si Howard. “Wala lang… Sobrang saya ko lang kasi na nandyan ka at nakikita kita…” sabi nito. Napailing at napangiti si Khiro. “Binobola mo pa ako… Teka nga lang,