bc

Maid For You

book_age18+
136
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
dominant
badboy
drama
bxg
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Mataba, maitim, at panget, iyan lang ang kalimitang inaasar kay Zoe. Hindi na luma para sa kaniya ang mga katagang iyan. Ever since, b-in-u-bully siya dahil sa hindi magandang pangangatawan, hitsura, at kulay ng balat. Para kay Zoe, normal na lang ang asarin at pagsalitaan siya ng masasama. Hanggang sa isang araw, bigla na lamang sumugod ang may-ari ng bahay na tinitirhan nila. Sinisingil na sila nito. At dahil halos isang taon silang hindi nakapagbayad, malaki ang kailangan nilang pera dahil kung hindi sila makakapagbayad ay papalayasin na sila. Umutang sila sa mga kamag-anak nila pero hindi pa rin iyon sapat kaya napagdesisyunan ni Zoe na lumuwas sa Maynila para roon maghanap ng trabaho kahit alam niyang imposible dahil sa anyo niya. Habang naglalakad sa kalsada, kamuntikan na siyang mabangga ng isang kotse kaya ganoon na lang ang galit niya. Mula sa kotse, bumaba ang isang lalaki. Pinagyabangan siya nito at sinabihan pa na tatanga-tanga. Dahil sa tindi ng galit, nasampal niya ito. Aminado siya na nasaktan niya nang husto ang lalaki pero dapat lang iyon sa katulad nito.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana nang muli silang magkitang dalawa. Walang kaalam-alam si Zoe na ang lalaking pala iyon ay magiging amo niya. Oh, no! Kakayanin ba niyang maging amo ang antipatiko at mayabang na lalaking iyon? O tatanggihan niya ang trabahong nakatakda na para sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"SA LETRANG B..." Nanginginig ang mga kamay ni Zoe ng mga oras na iyon. Hindi siya mapakali sa kinauupuan. Sumali siya sa bingo para magkaroon ng pera para may maibigay sa nanay niya at ngayon ay dalawa na lang ang bubunuin para mapuno ang card niya. Kung mapupuno iyon agad, mapapalanunan niya ang taya ng mga kalaban niya. Pambili na rin iyon ng ilang kilong bigas at puwede na ring idamay ang masarap na ulam. "...katorse!" Nanlaki ang mga mata ni Zoe nang marinig iyon. Hindi magkamayaw ang puso niya. Isang numero na lang, bingo na siya. Nilagyan niya ng pato ang numerong sinabi kapagkuwan ay pinunasan ang mga tumatagaktak na pawis sa kaniyang noo. "Isa na lang, bingo ka na," sabi ni Lea, ang kaibigan niya na nakaupo lang sa tabi niya. "Kaya nga, e. Sana naman ay manalo ako. Kung hindi ako mananalo, sayang lang iyong tinaya ko." "Magdasal ka lang, mananalo ka rin." "Sana nga," tugon niya saka tumingin sa nagbobola nang alugin nito ang hawak kung saan nakalagay ang mga numero. Kabang-kaba si Zoe. Parang anumang oras ay tatalbog ang puso niya mula sa loob ng kaniyang katawan. Kumuha na ang nagbobola at tiningnan. Lalo pa siyang kinabahan. "Sa letrang O..." Kahit kailan talaga, pabitin! Nanalangin siya na sana'y matawag ang numero niya. Sa O rin iyon. "Sa letrang O... 75!" Nanlaki ang mga mata niya. Diyos ko, bingo siya! "Bingo po ako!" sigaw niya dahilan para tumingin ang ibang manlalaro sa kaniya. "Talaga ba?" tanong ni Aling Auring, isa sa magaling pagdating sa bingo. "Opo, totoo po iyon. Ito po ang pruweba," nakangiti niyang sabi saka tinuro ang card niyang wala nang naiwang mga numero dahil lahat ay natatakluban na ng bato. May lumapit na babae sa kaniya, mukhang assistant yata. Tiningnan nito ang card niya. Ganito talaga rito. Bago mo makuha ang premyo, kailangan muna nilang tingnan kung totoong bingo ka. Hindi naman siya nandadaya kaya sigurado siyang bingo siya at mapapasakaniya ang premyo. "Bingo nga siya," sabi ng babae. Wala pang ilang segundo ang nakalipas, nakarinig na kaagad siya ng mga bulong-bulungan. Kesho hindi niya raw deserve ang manalo kasi ang panget niya. May nagsabi pa na nandaya siya. Marami pa siyang narinig na masasakit at hindi na lang iyon pinansin ni Zoe. At least ngayon, hawak na niya ang napalunan niyang limang daang piso. Mainggit sila, tse! "Pabalato naman, Zoe, nanalo ka, e." Nilingon niya si Lea. "Oo naman, ikaw pa, malakas ka sa akin, e. Tara sa tindahan at magmiryenda tayo " Tinanguan lang siya ni Lea kaya naman nagpatiuna na sila patungo sa malapit na tindahan. Nilibre niya ang kaibigan ng softdrink at tinapay. Nang matapos nilang kumain, naghiwalay na silang dalawa. Naglalakad na si Zoe pauwi sa kanilang bahay at excited na siyang ibigay ang napalanunan niyang pera. Nang makarating, kaagad siyang pumasok sa bahay nila. Bumungad ang kuya niya sa kaniya, nakalupasay ito sa sahig at hindi na siya nagulat, lasing ito. Na naman. At dahil nakamulat ang mga mata, hindi siya nag-atubiling kausapin ito. "Sina nanay at tatay, kuya?" tanong niya. "Bakit mo ba ako tinatanong, Zoe? Hanapin mo, may mata ka naman, 'di ba?" "Kasi baka alam mo kung nasaan si—" "Tinatarantado mo ba ako, baboy ka?" Pagewang-gewang itong tumayo at tiningnan siya ng masama kapagkuwan ay binaba ang tingin sa kaniyang paa pataas sa kaniyang mukha. Nakaramdam ng sakit si Zoe sa sinabi ng kuya niya. Oo, mataba siya pero hindi siya baboy. "H-Hindi naman, kuya. Sorry sa abala, hahanapin ko na lang si—" "Ang taba mo na nga, ang panget mo pa. Tapos iyang balat mo, ang itim-itim! Tanginang katawan iyan!" At humalakhak ito. "Anak ka ba nina nanay at tatay? At kapatid ba kita? Para sa akin, hindi. Bakit? Kasi wala kang pinagmanahan. Napakapanget mo, Zoe! Lumayas ka na sa pamamahay na ito, wala akong kapatid na baboy, panget, at uling!" singhal nito sa kaniya. Hindi na namalayan ni Zoe na tumulo na ang luha sa mga mata niya. Tagos sa puso ang mga sinabi nito sa kaniya. Bakit sobra na ito? Napakasakit ng mga sinabi nito sa kaniya. Pinakatitigan ni Zoe ang sariling katawan. Hindi naman siya maitim, morena lang siya. Aminado siya na panget at mataba siya pero hindi siya uling. At hindi siya aalis sa pamamahay na ito dahil nandito ang nanay at tatay niya na mahal na mahal siya. Palibhasa'y hindi mahal kaya ganito kung makaakto. Tsk! "Kuya, s-sobra ka na..." Napahagulgol na siya. "Nagtatanong lang ako pero nilait mo na ako. Sobrang sakit, kuya. Kapatid mo ako, h-hindi mo dapat ako nilalait ng ganiyan. Tao rin ako, m-may pakiramda—" "Kung baboy ka lang, baka matagal na kitang nagilitan!" "Sige, ngayon na, gilitan mo na ak—" "Anong kaguluhan ito, mga anak?" Napatingin siya sa pinto at nakita niya ang nanay niya. Kaagad siyang tumakbo rito at niyakap habang umiiyak. Mahigpit niyang niyakap ito dahil dinamdam niya ang mga sinabi ng kuya niya. Sino ba naman kasi ang hindi masasaktan? Tao siya, may pakiramdam din. "Zoe, bakit ka umiiyak? Sinong may gawa sa iyo?" "Iyakin naman pala iyang babaeng iyan, hindi na dapat siya tumitira rito. Nakakainis!" inis na sabi ng kuya niya. Humiwalay siya sa nanay niya at tiningnan ang kuya niya. Pero wala na ito. Pinunasan niya ang magkabilang pisngi saka bumaling sa nanay niya. "Nanay, bakit ganoon manlait si kuya? Parang hindi kapatid ang turing niya sa akin." "Shhh, Zoe..." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Huwag mo nang pansinin ang kuya mo. Intindihin mo na lang dahil lasing siya. Ako na ang humihingi ng pasensya, anak." "Nanay, hindi po dapat ikaw at humihingi ng pasensya. Wala ka pong ginawang masama sa akin. Nasaktan lang po ako nang husto." "Pagsasabihan ko iyang kuya mo, baka matauhan siya. Nga pala, saan ka ba nanggaling? Hinahanap kita kanina pa pero hindi naman kita mahanap. Saan ka ba naglagi, anak? "Nga pala, nanay..." Nakangiti niyang kinuha sa bulsa ang napalanunan niya. "Ito po, nanay. Tanggapin niyo po ito." Inabot niya ang pera na kaagad naman nitong kinuha. May gulat sa mukha ang nanay niya na nagsalita. "Saan naman ito galing, Zoe? Baka nagnanakaw ka, ha? Masama iyan at baka mahuli ka." Natawa siya. "Nanay, hindi po galing iyan sa masama. Sumali po ako sa bingo at nanalo po ako." Nanlaki ang mga mata nito. "T-Talaga ba, Zoe?" Ngumiti siya. "Opo, nanay. Naka-bingo po ako. Kaya ayon po, inyo na po iyan, bilhin niyo po ng pagkain natin." "Naku, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa iyo, anak. Pasenya na kung ganito tayo. Hindi kasi kami nakatapos ng tatay mo kaya pa-extra-extra lang kami." "Nanay, ano ka ba?" natatawa niyang tanong dito saka niyakap ito patagilid. "Ayos lang po iyon, nanay. Hayaan niyo, kapag nakahanap ako ng trabaho, babalik po ako sa pag-aaral para makabawi po ako sa inyo. Gusto ko pong bigyan kayo ni tatay ng magandang buhay." "Tama lang iyan, anak. Mangarap ka dahil hindi naman masama iyon. Libre lang ang mangarap. Kung anong gusto mo, papayag ako pero siguraduhin mong mabuti ang gagawin mo, ha? Huwag kang gumaya sa iba na pariwara ang buhay." Mahirap lamang sila. Ang kuya ni Zoe ay hindi na tumuloy sa pag-aaral dahil tinamad na ito. Sayang, isang taon na lang at matatapos na ito ng highschool. Samantalang siya naman ay hanggang highschool din. Hindi pa nga siya nakatapos kaya nahihirapan siya. Oo, sa edad na 27, ayan pa lang ang narating niya dahil sa hirap ng buhay. Pero kahit ganoon, masaya pa rin si Zoe dahil binigyan siya ng mapagmahal na magulang. Ang balak niya'y magtrabaho para makabalik siya sa pag-aaral dahil sa panahon ngayon, mahirap nang mabuhay nang walang pinag-aralan. "Si Zoe po ako kaya kakapit ako sa mga mabubuti at hindi sa masasama." "Iyan ang anak ko. I love you, Zoe." "I love you rin po, na—" "Hoy, Teresa! Lumabas ka nga riyan sa bahay ko!" Naputol na lang ang iba niyang sasabihin nang biglang may sumigaw mula sa labas. Nagkatitigan sila ng nanay niya kapagkuwan ay maghakawak ang kamay na dinako ang pinto. Nang buksan iyon ng nanay niya, bumungad si Aling Espe, ang may-ari ng bahay na tinutuluyan nila ngayon. Diyos ko, mukhang maniningil ito ngayon. "Espe, napabisita k—" "Hindi ako bumisita para makita ka, Teresa." Teresa ang pangalan ng nanay niya. "Ano po bang pinunta niyo rito, Aling Espe?" tanong niya. Umirap ito at pinagkrus pa ang mga braso sa harap ng dibdib. "Pumunta lang naman ako rito para singilin kayo sa upa niyo sa bahay ko. Nasaan na? Aba'y mag-iisang taon na kayong hindi nagbabayad! Malaki-laki na rin iyon. Nasaan na, Teresa? Ibigay niyo na ang bayad niyo para makaalis ako agad." Sabi na, e. Kapag talaga pumupunta ito rito, sisingilin sila. Tama ito, mag-iisang taon na silang hindi nakakapagbayad dahil sa kahirapan. Mabuti nga't pinagbigyan sila ni Aling Espe nitong mga nagdaang buwan. At ngayon, hindi nila alam kung saan sila kukuha ng pambayad dahil wala silang ipon. Diyos ko, sana'y may dumating na biyaya sa kanila. "P-Pasensya na, Esp—" "Anong pasensya, Teresa? Kating-kati na ang kamay ko! Isipin niyo rin sana ako. May pamilya rin ako, Teresa. Inuubos niyo ang pasensya ko. Kung hindi kayo magbabayad, pasenya na dahil baka maipakulong kita. Kahit one-fourth lang, ibigay niyo na sa akin. Kung wala pa rin, pasensya na at baka palayasin ko na kayo riyan." "Huwag naman ganoon, Espe. B-Baka puwedeng pag-usapan natin ito. Kung papaalisin mo kami rito, wala kaming mapupuntahang iba. Magiging palaboy kami sa kalsa—" "At wala akong paki!" mataray na singal nito. "Aling Espe, baka puwedeng bigyan niyo kami ng isang linggo pa. Huwag po kayong mag-alala, magbabayad po kami." "Sige, payag na ako! Pero ito ang usapan, pagbalik ko sa isang linggo, dapat may maibibigay na kayo sa akin kahit papaano. At linggo-linggo ay dapat babayaran niyo ako hanggang sa matapos niyo ang dapat bayaran. Kung wala talaga, papalayasin ko na kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?" "Opo, Aling Espe." "Mabuti." At umalis na ito sa harap nila— naglakad palayo habang nagpapaypay. Humarap ang nanay niya sa kaniya. "Anak, saan naman tayo kukuha ng pambayad?" malungkot nitong tanong. Ngumiti siya saka hinawakan ang mga kamay nito at marahang hinimas. "Mangungutang po tayo sa kamag-anak natin. Huwag kayong mag-alala, tutulungan po nila tayo." "Sigurado ka ba riyan, anak?" Tumango siya. "Opo, nanay. Siguradong-sigurado po ako!" may diin niyang sabi. Walang naging imik ang nanay niya kalaunan ay niyakap siya nang mahigpit. Malapad siyang napangiti at ginantihan ito. Malalampasan din nila ito... mababayaran din nila ang kailangan bayaran!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook