NATIGILAN si Markus nang makita niya si Patricia kasama si Mark. Kaya pala wala ang mga ito sa loob ng bahay dahil abala pala ang mga ito. Tinuturuan ng kanyang kapatid na magboxing si Patricia. Pawisan na ang babae habang sinusuntok nito si Mark na todo naman ang ngiti. Hindi niya mapigilang hindi magselos sa kanyang nakita. Pakiramdam niya ay may gusto si Mark sa babae… Iba ang nakikita niya sa mga mata ni Mark habang nakatingin ito kay Patricia. Napailing na lamang siya. Masyado na yata siyan nagiging possessive pagdating kay Patricia. Hindi ibang tao si Mark dahil kapatid niya ito. Kailanman ay hindi naging issue sa kanila ang agawan ng babae. “Boxing?” wika niyang malakas ang boses upang maagaw ang pansin ng mga ito. Huminto naman ang mga ito at tiningnan siya ni Patricia. Ngumiti sa