ISANG MALALIM na buntong hininga ang pinakawalan ni Patrick. Nakakulong na si Samuel at hindi pwedeng makulong din siya. Gagawin niya ang lahat mapalaya lamang ang kapatid sa kulungan. Hindi siya magpapatalo sa mga Villareal at ngayon pati ang mortal niyang kaaway na si Markus Herrera ay kakampi na rin ng mga ito. "Handa ka na bang mamatay?" tanong niya sa lalaking nasa kanyang harapan. Magkasingkatawan lamang sila. Maging ang tangkad ay sakto rin sa kanya. "Opo boss, pero gusto kong makuha ang perang ibabayad ninyo. Gusto kong masiguro ang buhay ng aking pamilya kapag nawala na ako," sagot sa kanya ng lalaking kaharap kaya napangisi siya. "Gusto ko ang taong ito. Segurista." "Pasensiya na po kayo boss. Kailangan na kailangan din kasi ng pamilya ko ang pera na ibabayad ninyo. Alam ko