Chapter Fourteen

1194 Words

IT WAS THE EIGHTEENTH death anniversary of Donya Tina. Alam ni Jeric na tuwing sumasapit ang araw na ito, iba ang lungkot ni Don Alvaro. Kaya naman maaga pa lang ay naglinis na siya sa mausoleum. Namitas siya ng mga bulaklak na ayon kay Lola Beth ay mga paborito raw ng donya noong nabubuhay pa ito. Nilagay niya ang mga iyon sa malaking flower vase at ipinuwesto sa gitna ng marmol na nitso. Bawat sulok ay siniguro niyang malinis. Maging ang malaking painting nito ay pansamantala niyang kinuha upang mapunasan. “Anong ginagawa mo rito?” Napatalon si Jeric at agad na nilingon ang dumating. “D-Don Alvaro…” Salubong ang mga kilay nitong nakatitig sa kanya. Mayamaya ay bumaba ang paningin nito sa hawak niyang painting ng namayapang asawa nito, saka muling binalik ang tingin sa kanya. Tit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD