“HI, BOYFRIEND.” Gulat na nilingon ni Jeric si Athena. Kasalukuyan siyang nasa piggery, sinamahan ang beterinaryong na nagche-check sa mga bagong panganak na biik. Malaki at modernized ang piggery ng Hacienda Escarbal. May tatlong malalapad na istraktura kung saan nakapamahay ang libo-libong mga baboy. “A–” Hindi niya natuloy ang pagbanggit ng pangalan ng dalaga dahil naiilang pa rin siyang tawagin ito sa pangalan lalo na’t pinagtitinginan sila ng ilang trabahador na nandoon ngayon. “Anong ginagawa mo rito?” “Visiting you, of course,” malapad ang ngiting deklara ni Athena. Dalawang araw na simula noong magdiwang ng kaarawan si Athena. Ngayon lamang ulit sila nagkita nito matapos ang naganap sa kanila sa dagat. Pilit na winawaksi Jeric sa kanyang isipan ang nangyaring iyon. Marahil