Chapter 13 - Girlfriend

1735 Words
Paggising ko ay wala na ulit si Josha sa tabi ko. Pagod na pagod ako kagabi na wala na akong lakas upang kumilos. Pero kahit sobrang pagod at inaantok na ako ay naramdaman ko pang nilinis ni Josha ang aking p********e at ang pawisan kong katawan. Naramdaman ko ring hubo’t hubad siyang tumabi sa akin sa ilalim ng comforter hanggang sa nakatulog kaming dalawa na magkayakap habang nakaunan ako sa kaniyang braso. Bumangon ako at inayos ang beddings ng kama ko bago ako muling umupo at sumandal sa headboard. Napansin kong umilaw ang screen ng cellphone ko kaya binuksan ko iyon at binasa ang text message. Kagaya ng inaasahan ko, galing iyon kay Josha. “Good morning, baby! Nandito ako sa gym ng school. May practice kami ng team. You were great last night! Thank you for what you did for me. Babawi ako mamayang gabi. See yah! Mahal kita.” Napangiti ako nang mabasa ang kaniyang message. Ngunit gusto ko mang kiligin ay hindi ko magawa. Gusto kong magsaya dahil mahal niya ako pero bakit nag-aalinlangan ako sa mga sinasabi niya? Nalilito ako. I felt ecstatic because of what happened last night. Pero hindi buo ang kaligayahan ko dahil sa realidad na bumigay na naman ako sa lalaking may girlfriend. Ano na lang ang sasabihin ni Maurine? Ni Sage? OMG! Si Sage! Mahina kong inuntog-untog ang aking ulo sa headboard. I clearly remembered what Sage told me yesterday. “You have to be clear-headed wherever you go.” “Ang rupok ko talaga! Ang tanga ko,” kastigo ko sa sarili ko bago tumayo upang maligo. Linggo ngayon pero maaga akong gumising. Kailangan kong matapos ang paglalaba ng mga uniform ko at ilang maruruming damit dahil paniguradong susunduin ako ni Kuya Leonel mamaya upang isamang magsimba. At malamang sa malamang ay sa kanila kami didiretso upang kumain ng dinner kasama ang pamilya niya. Ginagawa namin ito tuwing Linggo simula nang naging malapit kami sa isa’t isa. This is one of the things that I like about Kuya. Aside from treating me like his own sister, he’s also a God-fearing person and a very active member of the church just like his parents. Isa rin siyang mabuting anak sa kaniyang mga magulang. Napaka-sweet at thoughtful din niya at masyadong galante. Mahilig magbigay ng regalo kahit wala namang okasyon. Sa katunayan, ang dami na niyang naibigay sa akin. Pagkatapos kong maglaba ay naghanda na nga ako sa pag-alis. Eksaktong natapos na akong magbihis nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Napagbuksan ko si Tita Shirley, ang aming landlady na sa edad na forty-five ay napakabata pa ring tingnan. Maalaga kasi siya sa katawan. Napakabait din niya, in fact, parang Nanay namin siya kung ituring. “Good morning, Margaux! May naghahanap sa ‘yo. Pinaghintay ko na lang sa sala.” “Good morning, Tita! Sino po ang naghahanap sa akin?” nagtataka kong tanong. Alam kong hindi si Kuya iyon dahil kilala na siya ni Tita. “Hindi ko kilala, e. Basta ang sabi, Maryse raw ang pangalan niya. Ano nga ulit ang last name? Ay! Gustilo, Maryse Gustilo raw.” Nagtaka ako dahil wala naman akong kilalang Maryse. “Sigurado po kayong ako ang hinahanap?” paniniguro ko. “Aba, oo. Wala naman kasing ibang Margaux na nakatira rito. Ikaw lang.” “Sige, Tita. Susunod po ako. Salamat po.” “S’ya, sige. Ikaw na ang bahala rito. Baka kasi maya-maya ay mamamalengke kami ni Yolly.” “Sure, Tita.” Tumango si Tita Shirley bago tumalikod. Kinuha ko ang aking bag upang diretso na lang kaming aalis mamaya pagdating ni Kuya. Pagpasok ko ng sala ay naabutan ko ang isang sexy at magandang babae na sa tantiya ko ay kaedad ko lang. Mahaba ang tuwid niyang buhok na nakabrush-up. She’s wearing an off-white, sleeveless hand-painted dress na hanggang tuhod. She matched it up with a pair of three-inch wedge sandals. Nakalapag sa gilid niya ang isang bag na alam kong mamahalin. Halatang mayaman. Napakaaristokrata ng dating. Prente siyang nakaupo sa pang-isahang sofa habang naglalaro sa kaniyang cellphone. Kabaligtaran niya ako lalo na sa pananamit. Medyo boyish kasi ako lalo na sa pixie cut kong buhok. Palagi pang cross-body bag ang dala ko. Nagmukha akong tomboy sa harap niya. “Siguro ito ang Maryse na sinasabi ni Tita Shirley,” wika ko sa isip ko. “Hello! Good morning! Kayo po ba ang naghahanap sa akin?” magalang kong tanong. Dahan-dahang umangat ang tingin niya at saka puno ng kompiyansang tumayo. Mataas siya. Siguro ay nasa five feet, six inches ang height niya, isama pa ang three-inch wedge na kaniyang suot. Humalukipkip siya saka ako tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik. “Sooo... ikaw si Margaux?” nakataas ang isang kilay niyang tanong. “Parang napakawalang modo naman nito. Mayaman pero lumaking bastos. Hindi naturuan ng magandang asal. Kung sabagay, hindi nabibili ang magandang pag-uugali at class,” muling wika ko sa sarili. “Ako nga po,” magalang ko pa ring sagot. “Tell me, masarap ba ang fiancé ko?” tanong nito na binigyang-diin ang salitang fiancé. Natigilan ako sa kaniyang tanong. “Ano po ba ang ibig ninyong sabihin? At sino po ba kayo?” “I am Maryse Valderrama Gustilo. Josha Dean’s fiancée,” buong pagmamalaki niyang saad na ikinapatda ko. “F—Fiancée? Akala ko ba g—girlfriend lang? At akala ko ba hiwalay na sila tulad ng sinabi ni Josha kagabi?” “Are you surprised? Bakit? Akala mo single si JD? Iyon ba ang sinabi niya sa ‘yo?” “Fiancée? Sinasabi mo bang engaged kayo ni Josh?” “Apparently, yes! Can’t you see what I’m wearing?” tanong niya sabay taas ng kaniyang kanang kamay upang ipakita sa akin ang engagement ring niyang suot. Nakasisilaw ang white diamond sa gitna niyon. I was stunned while staring at her ring finger. I was sure confusion was clearly written all over my face. “Natulala ka yata? Hindi ka makapaniwala? Dahil ang mas pinaniniwalaan mo ay ang mga pinagsasabi ni JD sa ‘yo. For sure, he also told you that we’ve already broken up, didn’t he?” Hindi ako nakasagot. “Girl, niloloko ka lang ng fiancé ko, pinaglalaruan. At ikaw namang si tanga, naniwala kaagad. Look at yourself! Do you really think na ang isang Josha Dean Carmona Mallory ay papatol sa isang katulad mong... basura? My goodness! You must be dreaming! Delusional! Kung itatabi ka sa kaniya ay magmumukha kang cheap na chimay! If I know, kumakapit ka kay JD dahil alam mong mayaman siya! And what are you expecting? Na mamahalin ka niya’t pakakasalan! OMG! Akala ko ba patay na ang lahat ng tanga? Bakit hindi ako na-inform na may isa pa palang natira?” Nasaktan ako sa kaniyang mga sinabi. Nanginginig ang aking mga kamay na maghigpit na nakakuyom sa aking magkabilang gilid. Walang salitang lumabas sa mga labi ko. Makakaya ko ang panlalait niya pero ang pinakamasakit sa lahat ay ang sinabi niyang niloko lang ako ni Josha. Isang malaking sampal iyon sa akin dahil paniwalang-paniwala ako kagabi. Muntik ko pang naisuko kay Josh ang lahat nang mayroon ako. My God! What was I thinking! Ang laki kong gaga! “Kung hindi pa niya iniwan ang kaniyang cellphone sa akin habang nagpa-practice sa gym ay hindi ko pa malalaman ang mga kalokohang pinaggagawa niya. May pa-text text pa siya sa iyo na “mahal kita”. At ano? Kinilig ka sa sinabi niya?” Umiling-iling siya. “Poor girl! Hindi mo kilala si JD. Gagawin niya ang lahat upang makuha lang ang kaniyang gusto! At pagkatapos, itatapon ka niya na parang basura. Kung sabagay, mukha ka naman talagang basura,” panghahamak pa niya sa akin kaya hindi na ako nakatiis. “At ikaw, sigurado ka bang mahal ka niya? Huh! I doubt it! Dahil kung totoong mahal ka ni Josha, walang Margaux ngayon sa pagitan ninyong dalawa. Pero ano? Heto ka at parang bata na inagawan ng candy. Bakit ako ang inaaway mo? Bakit hindi mo puntahan si Josha at siya ang tanungin mo kong ano’ng pinaggagawa namin sa ibabaw ng kama ko?! Why don’t you ask him how we moaned each other’s name?” ganting pang-uuyam ko kahit alam kong mali, kahit nagmukha akong defensive na kabit. Hindi ko hahayaan na tapak-tapakan niya ako nang walang kalaban-laban. Nakita ko siyang natulala. Maya-maya pa ay walang salita niya akong dinakma sa aking ulo at mahigpit na hinawakan ang aking buhok. Sinabunutan ako ng loka-lokang girlfriend ni Josha. Hindi ako nakapanlaban dahil mas mataas siya sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak sa sakit ng pananabunot niya. Walang ibang tao sa sala dahil halos lahat ng boarders ay nagsiuwian. At sigurado akong nakaalis na si Tita Shirley para mamalengke kasama ang nag-iisang katulong na si Manang Yolly. “Malandi ka! Nang-aagaw ka ng fiancé ng iba! Diyan ka sa sahig kong saan ka nababagay, b***h!” sigaw niya habang pinipilit akong ingudngod sa sahig. Ngunit isang galit na boses ang nagpatigil sa kaniya. “What the hell are you doing to my girlfriend?!” ang galit na boses ng lalaking naglalakad patungo sa kinaroroonan namin na walang iba kundi si Kuya Leonel. Napabitaw si Maryse sa aking buhok na naging rason upang bumagsak ako sa sahig. Mabilis akong dinaluhan ni Kuya at tinulungang makatayo. Maingat niyang iniyapos ang kaniyang braso sa aking baywang at kinabig ako payakap sa kaniya. “Tahan na, sweetheart. Nandito na ako. Wala nang mananakit sa ‘yo,” he softly said while gently wiping my tears with his thumb. Hinarap niya si Maryse. “And you! Who gave you the right to hurt Margaux?! Ang lakas ng loob mong pumunta rito at manakit ng ibang tao! How dare you lay your filthy hand on her?!” mahina ngunit may diing asik ni Kuya. Halata ang pinipigilang galit sa nag-iigtingan niyang panga. “So, kasalanan ko pa? S’ya na nga ang nang-agaw ng fiancé, s’ya pa ang pa-victim! Bilib din naman ako sa malanding iyan!” “Watch your mouth, woman! Umalis ka na rito bago ko pa makalimutang babae ka!” galit pa ring saad ni Kuya. “Hindi pa tayo tapos! Sisiguraduhin kong umiiyak kang iiwanan ni JD!” sigaw ni Maryse na dinuro pa ako sabay dampot ng kaniyang bag sa sofa at walang kaabog-abog na umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD