Bago ang Tayo
"Oy, guys wala daw si Ma'am!" sigaw ng kaklase ko na nasa pintuan. Siya 'yung taga tingin kung mayroon bang teacher o wala.
"Yeyyyy!" hiyawan ng mga kaklase ko.
"Tara guys, laro tayo ng jackstone!" sigaw ng nasa likuran ko na halos lahat naman sila ay nagsang-ayon, pero ako dedma lang. Ang ko-korni naman kasi nila eh.
"Ayoko niyan!" sigaw naman nung nasa harapan ko. Nagsitahimik 'yung mga kaklase kong naghihiyawan.
"Eh, ano pala?" tanong naman ng katabi niya.
"Hmmm. May naisip kasi akong laruin." sagot naman niya.
"Ano nga yun? Parang ewan to..." sabi ng mga kaklase ko.
"Kase, napansin ko kapag wala si Ma'am—sari-sarili na tayo," sabi niya ulit. Oonga pala, siya si Anne.
"Andami mong paligoy-ligoy sabihin mo na!" sabi ng isa kong kaklase na tila atat na atat sa paglalaro.
"Oonga! Bilisan mo, Anne! Baka biglang pumasok si Ma'am!" sabi naman ng isa ko pang kaklase. Tapos ayun ang ingay na naman nila.
"Teka nga kasi! Tahimik muna!" sabi niya ulit, dahil masunurin ang mga kaklase ko. Tumahik ulit ang lahat.
"Ganito kasi... balak ko sanang maglaro tayo ng SPIN THE BOTTLE!" sabi ni Anne. Seriously?! SPIN THE BOTTLE!? ANO BA YAN! MAS OKAY NA YUNG JACKSTONE EH!
"ANG KORNY MO ANNE!" sigaw ng karamihan at 'yung iba tumatawa. HAHAHAH! Nakakatawa naman kasi talaga. Ang korny ng laro.
"MAG-CHECHESS NALANG KAMI!" sabi ng kalalakihan.
"Wait nga muna guys!" sabi naman ni Paula. Sabay tayo nito na parang Class President. Agad na namang napatigil sa pagdadakdakan 'yung mga nag-iingay.
"MASAYA KAYA YUN! LALO NA KAPAG KASAMA MO YUNG PINAKATAHIMIK SA KLASE NIYO!" dugtong ni Paula.
Agad namang napatingin yung mga kaklase ko sa akin. Oo tama kayo. Ako kasi yung pinakatahimik sa klase. Ako yung nanahimik lagi walang pakialam sa mundo. Minsan kapag wala si ma'am, kapag dala ko ang phone at earphones ko, nakikinig na lang ako sa music. Kapag hindi naman, humihiram ako ng mga ginagawang stories ng mga kaklase ko.
"Oonga! Masaya nga yun!" sabi naman ni Andrew, yung kabarkada ni Laurence. AKA yung crush ko. Sympre, hindi porket tahimik ako wala akong crush. Palihim lang ako magkagusto. Quiet lang tayo ha. Ahehehe.
"Tara na guys! Masaya 'tooooooooooo~" sabi naman ng iba kong kaklase. Yung totoo kanina ayaw niyo nun kasi korny tapos ngayon gusto niyo na? Yung totoo? Gusto ko nalang matawa.
"Onga guys! Kaya tayo na!" sabi ni Anne at 'yung mga kaklase ko naman tumayo samantalang ako hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Igilid niyo na 'yung mga upuan niyo guys," utos ni Anne.
"Excited na ako bakla!" sabi ng dalawang babae sa harapan ko.
Tumayo na din ako sa kinauupuan ko at ginaya sila. iginilid yung upuan pagkatapos eh— umupo ako ulit sa upuan ko na nakagilid. Duhh! hindi ako KJ. Sadyang ayaw ko lang talaga sumali! Papanuorin ko nalang sila! Ahehehehe! At sympre i-ooverlook ko din 'yung crush ko. Ahehehe. Ampogi talaga ni Laurence!
Umupo na silang nakaikot. Oo, halos lahat talaga sila sumali. At tsaka pati din yung barkada niya. Hala! Oo nga! Lahat sila. Yung totoo? Halaaa! Ayoko ng ganito! >3///////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////<
"Sige, HALIKAN MO SI LAURENCE!" panguutos niya.
DUG DUG DUG DUG DUG. May tumatakbong kabayo sa puso ko. GRABEEE yung heartbeat ko. Tumayo si Ryan sa inuupuan niya at pinatayo niya din si Laurence na katabi niya at agad akong hinila papunta sa kinatatayuan ni laurence. At ito magkatapat kami ni Laurence. AS IN TAPAT. Grabe ang gwapo niya talaga. Ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan kung wala lang mga kaklase ko dito...kanina ko pa siya hinalikan. De joke lang. Ano ka ba. 3rd year High school lang ako!
"Oh~ Ano pang inaantay mo? Halikan mo na!" panguutos ulit niya. DAPAT HINDI GANITO EH. SIYA DAPAT ANG GUMAWA NUN SA AKEN. Pero... AYOKO!
".........................................."
"......................................"
"FINE! SIYA NGA YUNG CRUSH KO!" sabi ko sa kanila at tsaka ako tinalikuran si Laurence dahil hindi ko na kaya 'yung pag-iinit ng pisngi ko at panlalamig ng mga kamay ko!
"AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!" sigawan ng kaklase ko. May mga nagtatalunan at naghihiyawan.
"Oh... Ako ng bahala sa dare ah!" narinig kong sabi ni Laurence agad naman akong naalarma nang hinigit niya ako pabalik sa kanya at magkaharap kaming muli. Pero hindi katulad ng kanina...mas malapit ngayon as in feel ko na yung hininga niya! Gusto ko ng gumulong gulong gulong gulong dahil sa sobrang kilig at kaba!
"Parehas pala tayo ng nararamdaman, Lara Abigael Martinez," sabi niya na tila tumigil ang lahat—'yung takbo ng oras, 'yung paghihiyawan ng mga kaklase ko—as in LAHAT. Ewan ko kung tumigil o nabingi na ata ako. Mas lalo ko namang kinabingi 'yung sumunod niyang sinabi.
"Hindi lang kita crush, Lara. Mahal din kita..."