bc

Everything About Him

book_age18+
164
FOLLOW
1K
READ
playboy
comedy
bxg
city
enimies to lovers
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

"I will make you my wife... a mother of my children and a grandmother of my grandchildren. "

-Vayden

"Mas gugustuhin ko na lang tumandang dalaga kaysa maging asawa ka!"

-Leira

As a loving granddaughter, Leira Crisostomo will make her Lolo's wish do come true, at iyon ay ang magkaroon na ng asawa at anak. She's very willing to do that as long as she reach her own dream and wishes too. Until Vayden Austria came into her life. The man she hates and the man she curse and everything got ruined because she hates everything about him.

chap-preview
Free preview
Tunggali
Leira Crisostomo Malalaking hakbang ang ginawa ko upang makapasok agad sa gymnasium ng Sache University ang university kung saan ako nag-aaral bilang fourth year college sa kursong BFA (Bachelor of Fine Arts) Major in interior design "Finally, Leira nandito ka na!" bulalas ni Aimmee nang makita niya ako agad din niyang kinalabit si Arci upang ipaalam na dumating na ako. "Good you're here na, Ra may change of plans kasi sa kabilang team," pagbigay alam agad nito sa akin. Today we're celebrating the tenth birthday of Sache University at ngayon may debate na namang idadaos, every year itong ginagawa bilang bahagi ng celebration at kada taon ay mga graduating students ang mga maglalaban sa debate mula sa iba't-ibang kurso at boys vs Girls ang labanan. "What do you mean?" tanong ko. "We heard from the other team na nag back out ang makakalaban mo," sagot ni Arci at agad itong nagpalinga-linga sa paligid ng gym halatang may hinahanap pati tuloy ako ay nagaya sa ginagawa niya. "Ayon siya. Maldita!" tawag ni Arci kay Maldita na siyang kaibigan din namin. Actually we're not just friends. We're sisters to be exact not by blood but by heart and soul. Hindi man kami magkaklase pero palagi naman kaming magkasama hindi lang dito sa loob ng University dahil maging sa mga bahay-bahay namin at kung minsan ay nag t-travel pa kaming apat sa kung saan namin gusto. Si Arci ay Information Technology ang course niya while, Maldita and Aimmee took the accounting course. Ang tatalino namin 'di ba? Dapat lang din naman. "Ano na ang balita sa kalaban?" tanong agad ni Arci kay Maldita nang makalapit na ito sa pwesto namin. "Confirmed, umatras nga si Galo." "Ano? E, sino na ngayon ang makakalaban ko sa debate?" may pag-aalalang tanong ko kay Maldita. Ang Galo na tinutukoy niya ay ang makakalaban ko sa debate isang varsity player sa basketball ng unibersidad namin ito at galing sa Bachelor of Science in Entrepreneurial Management na kurso. "Oo nga, Maldita, hindi naman pwedeng hindi matuloy itong debate," halos hindi makabasag pinggan namang wika ni Aimmee kay Maldita. Sa aming apat si Aimmee ang pinakamabait at daig pa ang Santa kung magsalita pero huwag ka dahil napakamatalino niya na sa math ultimo parte ng katawan mo ay sukat niya gamit lang ang mga mata. Malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ni Maldita bago sinagot ang katanungan ni Aimmee. "Mukhang si Leira yata ang magiging dahilan kung bakit hindi matutuloy ang debate ngayong taon," wika niya na ikinalukot naman agad ng mga noo namin. "Paanong ako? E, nandito nga ako at ready na ako," tanong ko pa. "E, kasi si Vayden Austria ang papalit kay Galo." "Ha!" Arci "Ano!" Aimmee Gusto kong bumuga ng apoy ngayon din dahil sa narinig ko. Kung bakit kasi sa dinami-rami ng mga lalaking estudyante sa BS Entrepreneurship ay ang betlog na 'yon pa ang napiling ipalit kay Galo. Vayden Lucero Austria is the Most Valuable Player in the Basketball game industry. Siya palagi ang nagbibigay tagumpay at karangalan sa aming paaralan dahil sa husay nitong maglaro kaya siguro siya rin ang pinalit kay Galo dahil bukod sa parehas sila ng kurso ay parehas pa silang nasa basketball team. Kaya maraming babae rin ang nagoyo ng Vayden na iyon dahil sa galing niya sa court ang daming deads na deads na mga babae sa kanya at siya naman itong feeler dahil halos lahat babae dito sa campus ay jinowa na niya at basta-bastang na lang iniiwan kapag nakuha niya na ang gusto niya. In short palikero siya at ayoko sa ganoong lalaki. Pero kahit may sa demonyo ang ugali niya marami pa ring patay na patay sa kanya maging ito ngang si Aimmee ay kamuntik-muntikan niya ng mabiktima kung hindi ko lang nalaman sa isang kaklase ko. Kilig na kilig naman kasi itong si Aimmee sa kanya kaya noong nagpakita nang walang katuturang motibo ang betlog na si Austria ay muntik nang bumigay si Aimmee. "Mukhang ikaw nga ang magiging dahilan kung bakit hindi matutuloy ang debate this year, Ra," pagsang-ayon ni Arci sa sinabi kanina ni Maldita sa natatawa nitong boses. Hay bwisit! Kung bakit kasi ang betlog pa na 'yon ang itatapat sa akin! Nasa kalagitnaan ako ng nanggigigil kong pag-iisip ng biglang nahiyawan ang buong estudyante sa loob ng gym at nagtilihian at kahit hindi ba ako lumingon ay alam kong pumasok na ang betlog na si Vayden sa loob ng gym. "Hala ang gwapo pa rin talaga niya," kinikilig na wika pa ni Aimmee. "Hindi ka na rin lugi sa magiging kalaban mo, Ra," ani naman ni Arci habang ang mga mata ay nasa kay Vayden at may mumunting ngiti pa sa kanyang labi. "Gagi, Leira ang gwapo!" tumitiling ani rin ni Maldita. Napairap na lamang ako dahil sa mga reaksiyon nila, ang lakas talaga ng apog ni Vayden dahil pati mga kaibigan ko ay nadadala sa pagmumukha niya. They say super gwapo raw siya dahil matangkad, matipuno ang pangangatawan, makapal ang kilay matangos ang ilong, at mapupula ang mga labi at higit sa lahat kulay asul ang mga mata niya. Pero hindi gwapo 'yon sa paningin ko dahil iba ang depenisyon ko ng gwapo 'yong katulad ng mga Kuya ko na sina Kuya Kyros at Kuya Pancho pati tulad nina Papa Panfilo at Lolo Leonard. Mga mababait at hindi nananakit ng damdamin ng babae. "Ra, the stage is waiting," bulong sa akin ni Arci. Muntik pa mawala sa isip ko ang debate dahil sa bwisit na si Vayden. Marahas muna akong bumuga ng hangin mula sa bibig ko para maalis ang kung anumang inis at gigil ko sa lalaking makakalaban ko sa debateng ito. "Leira, huwag kang papatalo itaas mo ang bandera." Hindi ko alam kung pambabanta ba iyon ni Maldita o, cheer parang iba kasi ang tunog. Pero kahit hindi naman niya sabihin 'yon ay hinding-hindi naman talaga magpapatalo lalong-lalo na kay Vayden Austria hindi pa nailuwal ang magpapasuko sa akin. Kaya humanda siya. Pag-akyat ko ng entablado ay mas nag ingay ang madla lalo na ang mga kababaehan. We're on left side while the Entrepreneurship team are on the right side. Bawat team ay binubuo ng apat na tao pero dalawang tao lang ang magdedebate which ako nga 'yon at si Vayden samantalang ang mga kasama naman namin ay mag su-suhestiyon at tutulong din kung paano maipanalo ang debate. Bago magsimula ang debate ay pinakailala muna ang bawat team lalo na kami ni Vayden bilang representative sa debate itong nag shake hands pa kaming dalawa sa gitna as a sign of sports. Kaya pinilit kong maging mabait muna sa harapan ni Vayden ngitian ko pa ito kahit labag na labag iyon sa kalooban ko. At itong loko ay kinindatan pa ako habang nagkakamayan kaming dalawa malulutong na mura at kung anong mga kasumpa-sumpang salita tuloy ang nasabi ko sa aking isipan. Ang lakas talaga ng apog ni betlog! "Okay let's start the debate," wika ng estudyanteng host pagkatapos naming magkamayan ni Vayden at ng makabalik na kami sa aming mga pwesto. "Here's the question. Do you think there's beauty in lust?" tanong ng host. "Ay ang lala naman yata ng tanong," dinig kong komento ng aking kaklase na nasa tabi ko pero binalewala ko lamang muna ito kahit na sumasang-ayon ako sa kanya. Napatingin agad ako sa pwesto ng kalaban at sakto namang nakatingin din pala sa akin si Vayden at sinenyasan ako nitong mauna na sa pagsagot. Kaya kinuha ko ang microphone sa mesa upang sagutin ang naging kantanungan. "I may be from the fine arts course, but I believe that there's no beauty in lust and there will never be," panimula ko. "Dahil walang magandang naidudulot ang pagnanasa sa ating mga tao, in fact the word lust is the main reason kung bakit may mga babaeng na re-rape at naabuso," pagpapatuloy ko at naghiwayan ang madla. "I disagree, Ms. Crisostomo!" sabad ni Vayden. "Because I believe that there's beauty in lust, why? because people are craving and begging for more s*x once they've experienced it." Agad namang tumaas ang kilay ko dahil sa sinagot niya. "Well, those people are pervert, Mr. Austria naeengganyo at naaliw sila sa tinatawag na tawag ng laman so walang maganda roon," pahayag ko. "Ms. Crisostomo kung walang pagnanasa walang pamilyang mabubuo." "I disagree, Mr. Austria I think you misinterpret the word lust and love making," "Kahit love making pa ang tawag diyan nandiyan pa rin ang pagnanasa sa dalawang tao, because lust is also a feelings and believe me during the thing called love making of two people they will just automatically feel the lust inside of their body, lalo na kapag malapit na sila sa sukdulan," pahayag din niya at ang manyak ng dating niyon sa akin. "Sige sabihin na nating may ganoon nga silang pakiramdam but still may kaibahan pa rin ang lust at love making. Dahil ang pagnanasa ay sandali mo lang iyon mararamdaman iyan but in love making you'll devour and romancing your lover's body with your heart, mind and soul." Napangiti siya dahil sa sinabi kong 'yon at dahil ngumiti siya ay naghiwayan na naman ang madla. Bwisit lang! "Well, you're right that lust will last for a short period of time but you know what sometimes lust can turn into love." Hindi ko napigilang matawa dahil sa sinabi niya. Baliw yata 'to, e! "That's very impossible, Mr. Austria," kontra ko sa sinabi niya. "It is, Ms. Crisostomo kasi minsan ang panandalian ay paulit-ulit pa ring hinahanap ng mga hanggang sa masanay na sila sa ganoon at gusto na nila 'yong maging parte ng kanilang buhay and that's the time that they will realize that lust will not just forever be lust it can turn into something. Something that you can't explain and once you can't explain your feelings that's is love already. So you see, Ms. Crisostomo there's a beauty in lust." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagpalakpakan at hiyawan agad ang madla maging si Arci ay ganun din. Well kung ibang lalaki ngayon ang kaharap ko ay mapapahanga rin ako sa sinabi niya pero dahil siya nga si Vayden Austria ay never ko siyang papalakpakan at hindi ko siya kailanman hahangaan. Asa siya! "No, Mr. Austria lust will be never be beautiful dahil ikakapahamak mo lang ito at ang mas malala minsan ay ikinakamatay pa ng tao," pangangatwiran ko pa rin. "Gawain lang iyan ng mga taong may problema sa pag-iisip, Ms. Crisostomo." "Bakit ang taong may pagnanasa ba walang problema sa pag-iisip?" Ang sarap talaga niyang bayagan. "Hindi, Ms Crisostomo dahil minsan nakukuntento na lamang sila na mga mata na lang nila ang magnasa, ibang usapan na 'yon kapag may ginalaw na," giit pa niya kahit na baluktot naman ang rason niya. "Doon din 'yon papunta, Mr. Austria dahil lahat nagsisimula naman sa patingin-tingin na 'yan tapos may masamang plano pala talaga, kaya wala talagang maganda sa pagnanasa," may kariinang ko ng wika. "Lalo na kayong mga lalaki. Kung makaabuso kayo sa aming mga babae akala niyo mga hayop kami, ang sasama talaga ng mga ugali niyo. At—" nahinto ako sa panggigigil ng biglang magsalita ang estudyanteng host. "At mukhang mainit na po yata ang ulo ng ating kabilang panig," wika niya na sinundan na naman ng hiwayan ng mga madla. "I think we should rephrase the question," dagdag pa ng host. Agad namang kinumpas ni Vayden ang kaliwang kamay bilang ipaalam na nais nitong magsalita. "Wala namang mali sa tanong ninyo, Ms host it's just no man can beat a woman when it comes to argument," sabi niya sa buong madla na umani na naman ng samu't-saring hiyawan at kantyawan. "So, gentlemen if you still love your life let your babe win over you," dagdag pa niya habang nakangiti. "Himala nagpatalo ang isang Vayden Austria sa isang babae," bulong na naman sa akin ng kaklase ko. "Everyone let's give around of applause to Ms. Leira Crisostomo!" Ang inaasahan kong muling hiwayan mula sa madla ay hindi nangyari dahil bigla itong tumahamik at tanging singhapan ang narinig ko mula sa kanila may iba pang nagbubulungan. "And the debate ends here, everyone! That was a good debate guys," malakas na anunsiyo ng host ang unti-unting kumuha ulit ng pansin ng mga madla. And as I sign of respect, ay tumayo ako mula sa kinauupuan ko at sinalubong si Vayden sa gitnang bahagi ng entablado upang kamayan siya mas nauna naman kasi itong tumayo kaysa sa akin. "Congratulations, Ms. Crisostomo," bati niya sa akin habang may ngiti sa kanyang mga labi. "Thank you, Mr. Austria that was a good debate," sagot ko nang may ngiti rin sa aking mga labi. At habang abala na ang ibang mga tao sa kanya-kanya nilang ginagawa ay hindi ko naman inasahan ang ginawa ni Vayden. "You're right that was a good fight but you know what's better, Ms. Crisostomo?" Halos tumirik ang mga mata ko ng dumampi ang mainit niyang hininga sa tenga ko na umabot sa leeg ko. May pabulong-bulong pa kasi siyang nalalaman. Wala sa sarilli tuloy akong napahawak nang mahigpit sa kamay niyang kasalukuyang hawak ko. "It would be better if you're going to be my wife... a mother of my children and grandmother of my grandchildren." Kahit may halong lambing ang pagkakasabi niyang iyon ay mabilis ko pa ring binitawan ang kamay niyang hawak ko. Kasindak-sindak na tingin agad ang ginawad ko sa kanya. Napakawalang hiya talaga ng pagmumukha ng betlog na ito! "Mas gugustuhin ko na lang tumandang dalaga kesa maging asawa ka!" mariin ngunit mahinang wika ko sa kanya. Pero nakalimutan kong 'sing tigas pala ng bato ang pagmumukha nitong kaharap ko dahil hindi man lang ito natinag bagkus ay ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis. Ang sarap niya tuloy ipakagat sa isang batalyong langgam. "You'll see, My wife," kumikindat pa niyang sabi na at nasa boses niya ang kasiguraduhan. Napamaang na lamang ako sa sinabi niya. Talagang ang tigas-tigas ng pagmumukha niya! At bago pa man ako makaangal ay wala na si Vayden Austria sa harapan ko may tumawag na kasi pangalan niya at agad niya naman itong pinuntahan. "G*go ka talaga, Austria!" nagpupuyos sa galit ko ani sa aking isipan habang matalim na nakatitig sa papalayong bulto niya. Uulan muna ng nyebe bago maisakatuparan ang kahilingan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook