Chapter 4

1575 Words
Rain's POV, "Isang bloody mary miss!" Napantig ang tenga ko ng tawagin ako ng malanding babae. Oo nagsisimula na ako at halos isumpa ko ang uniform nila. Hanggang pwet na palda tapos halos dibdib ko nalang ang hindi nakikita, mabuti nalang may fake skin na nakatapal sa tattoo ko kaya hindi nila ako nakikilala. Bwesit ayan tuloy bilad ang katawan ko. "Here Maam." Saad ko at binigay sa babae ang isang baso ng bloody mary. Ng maibigay ko na sa kanya umalis na ako. Hindi ko maatim na tingnan ang babae na nakikipaglaplap sa kasama niyang lalaki. Hindi na nahiya. Malamang bar to. You can do whatever you want kahit maghubad kapa. "How much for the blow job miss?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng lalaki sa harapan ko. Ano daw? Hindi nga ako pinipilit ni Nix na mag blow job sa kanya tapos magpapabayad pa kaya, wow just wow! "Hindi ako nagpapabayad!" Mataray na sagot ko at nilampasan siya pero hinaklit niya ang kamay ko kaya napabalik ako. "Huwag ka ng pakipot miss. Name your price. How much? Fifty thousand, Forty thousand? C'mon say it!" Saad sa akin ng lalaki habang nakangisi pa. Bwesit manyak. "Hindi mo kaya ang halaga ko kaya backoff!" Singhal ko sa kanya at nilampasan na naman siya pero hinaklit na naman niya ako pero hindi ko na siya hinayaan na hawakan ako. "Don't you ever try to touch me or else you will suffer!" Singhal ko sa kanya kaya nakuha namin ang atensyon ng iba. "Miss waiter ka lang dito! Huwag kang magmalinis dahil alam ng lahat na haliparot at bayaran ka!" Sigaw niya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya dahil tumigil talaga ang sound kaya rinig ng lahat ang isinigaw niya. "Oh ano! Natahimik ka kasi totoo?" Saad pa nito. Kaya hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at tinuhud ko siya. Hinila ko ang ulo niya at sinikmura pagkatapos pinag-susuntok ang mukha niya. Walang umaawat kahit na ang may-ari ng bar hinahayaan ako. Malamang si Flame ang may-ari nito. "Hindi ako katulad ng ibang babae na kinakama mo! Kaya matuto kang magdahan-dahan ng pananalita mo dahil kahit babae ako mapapatay kita!" Sigaw ko sa kanya at binigyan ito ng flying kick! "Rain enough!" Napantig ang tenga ko ng may tumawag sa akin. Napatingin ako sa kanila. "It's not my fault." Sagot ko. Wala naman talaga akung kasalanan eh. "We know, tama na baka mapatay mo pa siya. Bakit ba ikaw ang pinadala ni Slyde dito alam naman niya na short tempered ka." Pailing-iling na wika ni Ice at bumaling kay Knight at Bench. "Aalis na ako dito. Unang araw ko palang ngayon pero tingnan mo nga. Mabuti pa na si Flower nalang dito." Sagot ko naman. Oo nga naman. Bakit ba kasi naiisip ni Kuya na dito ako ilagay alam niya naman na conservative ako eh. "Mabuti pa nga. Nalulugi ang bar ni Flame sayo eh." Natatawang saad ni Bench. Asawa siya ni Emerald kaibigan din namin. "Yeah." Maikling sagot nalang ni Knight. "Hey! Knight sinabi ba sayo ni Grey na nag-usap na sila nina Trick at Thorn?" Napatingin ako kay Ice habang nakatingin ito kay Knight. "Yeah." Sagot nalang ni Knight at umupo sa bakanteng upuan. "Tssk!" Napailing nalang ako sa inasal ni Knight. Pero mabuti din kasi nagkakaintindihan din sila nina Grey. "Aalis muna ako." Saad ko sa kanila tumango naman sila. Ng nakatalikod na ako sa kanila nakita ko si Flame na kinakamot ang ulo. Sorry Flame, saad ko sa isip ko at pumasok sa dressing room. Nagka-usap na pala sina Grey at ang kambal na Clanford. Ang huli kasi nilang pag-uusap noong sa Mongolia pa sina Grey. Will bahala sila jan, akala ko nga magka-away talaga sila pero hindi naman pala ganon daw talaga sila mga baliw talaga. Ng makapasok ako sa dressing room nagpalit ako ka agad ng jeans at simple shirt. Sinuklay ko ang puting buhok ko na may bangs. I love color white. Kinuha ko ang mga gamit ko at isinilid ito sa bag ko dahil aalis na ako dito. Malulugi ang bar ni Flame kapag nagtagal ako dito kay Flame na bar ang pinakasikat sa buong mundo madami pa itong branch sa ibang bansa. May malaking pagawaan ng wine. Flame also the owner of the Hotter Desire Cruise, na naglalayag sa ibat-ibang panig ng mundo magkatuwang sila ni Fire. Ang kakambal naman niya na si Fire namamahala ng isang restaurant at sikat din ito sa buong mundo at madaming branch at malaking kompanya naturingan na agent pero mga mayaman naman. "Tinawagan ko na si Slyde na si Flower ang papalit sayo." Pambungad sa aki ni Flame. "Salamat, babayaran nalang kita sa nasira ko dito sa bar mo." Saad ko sa kanya at inayos ang bag ko dahil aalis na ako. "No its okay. Paki tingnan nalang si Pink para sa akin. Malamang nagpapakabaliw naman yon kay Gatorade." Sabi ni Flame habang umi-iling. Bestfriend niya kasi si Pink at si Pink may gusto kay Gatorade. "Love is f**k Flame, it's f**k! At teka lang! Crush lang ni Pink si Rade." Sagot ko totoo naman nagmamahal ka lang pero sobrang masakit masaktan, masakit. "Yeah, alam ko parang ganon na din yon, adik na kay Rade. Baliw! f**k! Forget him Rain. Nix is my friend too, but it just not meet to be." Sagot nito sa akin, yeah it just not meet to be. "Yeah, I know." Sagot ko at tinapik siya sa balikat bago umalis. Dumiretso ako sa kotse ko at doon tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Masakit, hanggang nagyon masakit parin kasi mahal ko pa si Nix pero tama si Flame it not just meet to be. Kumalma ako at pinaharurot ang kotse ko papunta sa TDR. Kukuha nalang ako ng ibang mission para naman kahit paano mabaling sa iba ang oras ko. Mabilis akung nag park sa villa ko at nagpalit ng damit. Nagugutom ako kakain muna ako sa Slyde's at deritso kay Kuya Slyde. Ng makarating ako sa Slyde's napansin ko ka agad na madaming tao sa loob. Nakiramdam muna ako. Naman bakit sila nadito. Patay malisya akung pumasok sa loob at umupo sa pinaka dulo. Malamang nandito ang chilhood friend ni Kuya Slyde at nina Grey. Ang mga sikat na billioner sa buong mundo. Will ang mga agent dito billioner din pero tago ang indentity nila maliban nalang sa iba. "Rain akala ko may mission ka? Bakit ka nandito?" Napabaling ako kay Kate na nagsalita. "Si Flower ang papalit sa akin malulugi si Flame kapag nandoon ako." Nakabusangot na sagot ko, napatawa naman si Kate sa sinabi ko alam na kasi niya kung ano ang ibig sabihin ko. "Oo nga no. Kanina pa nga sina Val dito pero hindi pa sila umaalis. Ginugulo nila si Slyde, tatlong araw sila dito sige the same order?" Saad ni Kate kaya tumango nalang ako. So tatlong araw pala sila dito. Kinalikot ko ang cellphone ko at hindi pinapansin ang nagtatawanan sa dulo. Napataas naman ang kilay ko ng makita ang pangalan ni Saya sa screen ng cellphone ko. Bakit napatawag ang isa na to, sinagot ko ang tawag niya. "Oh!" Pambungad ko sa kanya.. "Rain!" Sigaw nito kaya napalayo ko naman ang cellphone sa tenga ko. Nandoon pala sila sa Spain. High tech na simcard na ang gamit namin. "Makasigaw wagas, bakit ka napatawag Cyan?" Saad ko at umayos ng upo habang pinaglalaruan ang tessue sa mesa. "Gusto lang kita kamustahin. Tsaka sabi sa akin ni Grey nagbakasiyon daw ang mga kaibigan nila jan sa TDR, nakita mo ba sila?" Sagot nito sa kabilang linya, oo nga pala magkakaibigan sila. Pero iba naman ang negosyo ni Grey sa totoo lang mas mayaman si Grey kaysa sa kanila mas sobra naman ngayon na napangasawa niya si Cyan na halos lunurin na ng pera kahit apo niya sa tuhod hindi maghihirap kahit walang trabaho. "Oo nandito sila nga Slyde's bakit mo natanong? Sandali nga ako ba ang kakamustahin mo o sila?" Saad ko sa kanya. "Ito naman, gusto ko lang sana maka-usap si Luther, Val, Skyfer, Erox, importante lang." Saad ni Saya at naging seryoso na ito. Bumuntong hininga ako at tumayo palapit sa table nila nagtatawanan pa sila pero ng makita nila ako tumahimik ka agad sila. "Val, Luther, Erox, Skyfer gusto daw kayong maka-usap ni Cyan." Saad ko at ni loudspeaker ang cellphone ko at nilagay sa gitna ng mesa nila. "Cyan nandito na!" Saad ko bago nilagay sa gitna ng mesa. "Alright! Luther, Val, Erox, Skyfer sinabi sa akin ng mahal kung asawa na si Grey na papuntahin kayo dito sa Spain next month kaya ayusin niyo daw ang schedule niyo. Hey! Grey urong nga kita mo na may kinakausap ako eh." Napa ikot naman ang mata ko sa inakto ni Saya narinig ko pa naman ang lambing sa kanya ni Grey, naman. "So ganon nga, pumunta kayo kung ayaw niyong balirin ko ang ulo niyo. Importante daw about sa negosyo niyo tsaka pinapasabi pa niya na his middle finger is saluting in the four of you. Bye!" Saad ni Saya at napatay na ang tawag. "That boss! Ano na naman ang pumasok sa ulo niya." Pailing-iling na wika ni Val at uminom ng tubig. "Siguro about sa bagong island pa papatayuan natin." Inosenteng saad ni Erox at uminom ng wine. "He's lucky to have a top agent wife. I hope I have too." Nakangiting saad ni Luther at napatingin sa akin. "Tigilan mo ako Luther ha!" Sagot ko sa kanya at umalis na doon narinig ko naman ang pagtawa sa kanya ng mga kaibigan niya. Yeah kilala ko silang lahat. Saya is lucky to have Grey too. I hope someday my life will be like Saya too. A happy and a complete one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD