Maraming nagsasayaw, papalit-palit ang ilaw. Medyo nasasanay na rin ang mga mata ko sa mga ilaw na nandito buhat ng ilang buwan na rin akong nagta-trabaho sa club na ito.
"Ma'am Lorelay, nandito po kayo?" napatingin ako kay Mia, isa sa Entertainer. Maganda si Mia at bata kaya sobrang higpit ng pagbabantay ko sa kaniya sa mga guard lalo't hindi gawain nito ang tungkol sa s*x.
"Oo Mia, napadalaw lang. Ikaw? Kamusta?"
"Naku ma'am! Maraming sumubok na lasingin 'yan. Buti nga at nababantayan namin." Singit ni Dom, isa sa waiter ng club.
Tumingin ako kay Mia, desi otso palang ito, at para sa akin, napaka bata pa niya kaya natatakot talaga ako sa kalagayan niya na baka magpadala siya sa mga manyak dito.
"Huwag po kayo mag-alala sa akin ma'am. Bantay sarado naman po ako ng mga ate at kuya ko dito e. Saka, nangako ako sa sarili ko na no s*x hangga't hindi ako makaka graduate. Ayaw ko mabuntis." Aniya at ngumiti.
Maluwag akong napabuntong hininga sa sinabi niya. Mabuti at ganoon nga ang nasa isipan niya. Mas mabuti pa rin iyong graduate muna saka kikiringkeng.
"Oh paano, mag-ingat kayo dito. Aalis na ako."
Agad akong nagpaalam sa kanila dahil tumatawag ngayon ang anak ko.
Sobrang ingay sa loob kaya kailangan kong lumayo ng konti.
"Baby?"
"Mama! You're so tagal." Na-i imagine ko na ang mukha ni Rico na nakasimangot.
"Wala pa naman ang daddy niyo," natatawa kong sabi.
"Speaking of, daddy left his phone. Sabi niya, tawagan ko daw kayo."
So on the way na si Zee?
"Alright. Nasaan si Sico?" tanong ko habang naghahanap ng pwede mauupuan.
"I'm here mama!" rinig ko ang boses ni Sico. More likely nasa kusina ito at kumakain.
"He's eating mama." Sabi ni Rico at maya-maya ay naririnig ko na ang boses ni SpongeB0b sa TV.
"Nanonood kayo ng SpongeB0b?"
"Yes mama. Kami tatlo ni Dad kanina. Mamaya, when you're here, tayo na apat."
Napangiti ako habang nakatingin sa mga kotse sa harapan na napapadaan.
"I missed you mama."
"Awee. You miss me?"
"Yes mama. Dapat kasi mag stay ka nalang with us e." Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
"I missed you too, baby."
"So baby pala tawagan niyo ng lalaki mo?" agad kong naibaba ang tawag at napatingin sa gilid.
Bumilis ang t***k ng puso ko habang kaharap si Mr. Shein na galit na galit na nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" kinakabahang tanong ko.
"Drinking." Ikling sagot niya at naglakad papalapit sa akin.
"Aalis na a-ako," aligaga na ako sa oras na ito. Gusto ko nalang umalis pero hinawakan niya ako sa kamay at pwersahang pinaharap sa kaniya.
"Saan ka pupunta? We're still talking."
"Wala akong oras para makipag-usap sa 'yo."
"Kabit mo ba 'yong kausap mo?" galit, igting ang panga na tanong niya sa akin.
"Paki-alam mo?!"
Nanlisik ang mga mata niya.
"Magkano ka ba?"
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at malakas na binawi ang kamay ko na hawak niya.
"Magkano ka ba?" tumawa ako at galit na binalingan siya nang tingin. "Pakisaksak sa utak mo na hindi mo ko mabibili."
"Akin ka. Kasal ka sa akin. Pag-aari kita." Nanggigil na aniya.
"Hindi mo 'ko pag-aari. Umalis ka na. Lasing ka na." Tumalikod ako sa kaniya at balak ko ng umalis. Lagi nalang kaming ganito.
"Saan ka pupunta?" galit na tanong niya. "Sandali nga. Sumama ka sa akin." Hinawakan niya ako sa kamay at sapilitang sumama sa kaniya.
"Bitawan mo 'ko Mr. Shein!" Naiiyak na sabi ko. Sandali siyang tumigil at tinignan ako.
Lumamlam ang mga mata niya at tumitig sa akin. Naroon ang sakit at pangungulila habang nakatingin sa mga mata ko.
"Say that again,"
Anong sasabihin ko?
"Limang taon ko ng hinintay 'yan e." His voice, cracked. Nasasaktan ako sa paraan ng pagtitig niya.
"Leave him, wife. Akin ka naman talaga e. Sabi mo dati, akin ka 'di ba? Kakalimutan ko lahat, bumalik ka lang sa akin." May luhang tumulo sa mga mata niya.
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Nanginginig na hinakbang ko ang isang paa ko palapit sa kaniya ngunit...
"Shein-"
Dumating si Veronica. Agad siyang lumapit kay Mr. Shein at inalalayan ito.
"That's enough, let's go home." Natigilan ako. Bumaba ang paningin ko sa kamay ni Veronica na nakapulupot sa braso ni Mr. Shein.
Ngunit mas nagulat ako, nang makita ang tiyan ni Veron. Nang makita ang umbok sa tiyan nito.
"Let's go home," mahinang ani ni Veron. Dumating rin si Richmoon, nagtagpo ang paningin namin.
Walang expression, masiyadong malamig. Tinulungan niya si Veronica na ipasok si Mr. Shein papasok sa sasakyan nito.
Nakatayo lang ako, nakatitig sa sasakyan nilang papalayo na sa gawi ko.
Nang mawala sila sa paningin ko, doon na bumuhos ang luha sa mga mata ko..
"Lor-" napatingin ako kay sa likuran, nakita ko si Zee, na seryosong nakatingin sa akin.
Tinakbo ko ang distansya namin at niyakap siya. Humagolgol ako sa dibdib niya, habang sinusubukan niyang patahanin ako.
"It's alright. Nandito na 'ko," sabi ni Zee habang hinahagod ang likuran ko
From that day on, hindi ko na nakikita si Mr. Shein. Wala na siya sa bar, kahit kada byernes, ay wala siya doon para uminom.
Naging payapa ang buhay ko. Huling kita ko sa kaniya, naging pala-isipan sa akin ang tungkol sa ipinagbubuntis ni Veronica.
"Auntie, susunduin ko lang po ang mga bata sa school." Sabi ko kay auntie Lorena. Dalawang linggo na rin sa akin ang mga anak ko.
Minsan nalang din kung dumalaw si Zee. Hindi ko alam kung busy siya sa trabaho o ano.
"Sige, nak. Ako na ang bahala dito." Sabi niya habang nakatalikod sa akin.
"Ayos lang po ba kayo tita?"
"Oo naman nak," aniya at humarap sa akin nang nakangiti. Kumunot ang koo ko nang makita ang pawis nito sa noo.
"Umalis ka na. Kanina ka pa hiinihintay ng mga bata." Aniya. Ay oo nga pala.
Nagmamadali akong pumunta kay auntie at nagmano saka umalis.
Pagdating ko sa school, nakita ko agad ang teacher ng mga anak ko na nagmamadaling sinalubong ako.
"Ma'am Han, bakit?"
"Mrs. Shein, pasensya na po kayo. Tatawagan sana kita kasi isinugod namin si Sico sa clinic dahil nagsusuka ito."
"Ano?" binalot ng kaba ang buong sistema ko. Para akong aatakihin sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
Pagdating namin sa clinic, nakita ko si Sico na nagsusuka.
"Sico, anak..." Nang makita niya ako at agad siyang umiyak.
"Mama..."
Dinaluhan ko siya at tinignan si teacher Han para tanungin kung anong nangyari.
"Mama, sakit po ng tiyan ko." Umiiyak na sabi ni Sico.
"Ms. Han, paki tawag po ng ambulansya. Dadalhin ko sa hospital ang anak ko." Natataranta kong sabi habang yakap yakap si Sico na umiiyak.
"Parating na po Mrs. Shein. Natawagan na namin bago kayo dumating."
Ilang sandali pa ay dumating na nga ang ambulansya. Agad naming dinala si Sico sa hospital, while I let Rico stay with teacher Han for the meantime.
Agad na inasikaso ang anak ko. Naghihintay ako sa labas while waiting kung anong sasabihin ng doctor bakit nagkaganoon si Sico.
Paglabas ng doctor, agad akong lumapit sa kaniya.
"Don't worry misis. Ayos na po ang anak ninyo," sa iyan pa lang na sinabi nang doctor, nakahinga na ako ng maluwag.
Jusko! Mababaliw yata ako kung may nangyaring masama sa anak ko.
Dumating si teacher Han bandang ala una ng hapon. Dahil bawal ang bata sa loob, sinalubong ko siya sa labas dahil kasama niya si Rico.
Nang masiguro kong maayos na ang pakiramdam ni Sico, hinabilin ko muna siya kay teacher Han para ma iuwi ko si Rico.
Balak ko siyang iwan muna kay auntie Lorena.
"Ang tigas kasi ng ulo ni Sico mama. I told him not to buy the puto kasi I saw some langaw sa top nito." Naiinis na nag-aalalang sabi ni Rico.
Sico will always be Sico. Lahat yata gustong kainin
Na food poison si Sico. Mabuti at naagapan agad no'ng dalhin siya sa clinic. .
Pagdating namin sa bahay, nagulat ako ng may ambulansya sa labas at maraming tao na nagkukumpulan.
Nagulat ako nang makita na ipinasok nila si auntie Lorena sa loob ng ambulansya kaya nagmamadali akong tumakbo palapit sa kanila.
"Teka, anong nangyayari dito?"
"Nakita namin siyang nawalan ng malay sa labas ng bahay niyo Lorelay. Kaya tumawag na kami ng ambulansya." Napatingin ako kay Aleng Taleyang na siyang sumagot sa tanong ko. Jusko!
Hindi ko na alam ang uunahin ko.
"Sinong kaanak ni-"
"Ako! Sasama ako!"
Tumingin ako kay Rico, nakatingin siya sa akin. Naroon ang takot at nagbabadyang luha sa mga mata niya.
"Don't worry about me mama. I'll be safe here, alone. I can handle myself. You can call dad to fetch me here later."
Ngumiti ako at tumango saka hinalikan siya sa noo.
"Magiging okay ba si lola?" nabasag ang boses niya. Pinipigilan lang na huwag tuluyang maluha.
I nodded. "She'll be fine, Rico. Mama promise that."
----------
Inatake si auntie Lorena sa puso. Comatose siya ngayon at lumalaki na ang hospital bills namin. Idagdag pa ang expenses na babayaran ko kay Sico lalo't pwede na siyang nakalabas ng hospital bukas.
Wala na akong pagpipilian kaya lalapit ako kay Zee. Kakapalan ko na ang mukha ko. Mangungutang ako ng pera sa kaniya.
Ngunit hindi pa man ako nakapasok sa office niya nang marinig ko na na tila ay nagtatalo sila ni ma'am Zelaya.
"Stop it Zee,"
"But mom!"
"Malaki na ang naitulong mo kay Lorelay. Ano? Uubusin mo ang oras at pera mo sa kanila? Ano ka ba nila?"
"I'm their family, mom. Daddy ako ng mga bata."
"Stop being so delusional, Zee. Hindi ikaw ang ama ng mga bata. Hindi ka mahal ni Lorelay gaya kung paano mo siya tignan. Let them fix their family problem. Labas ka na doon. Get a life. Stop pursuing yourself to them. You deserve to have your own family."
Napaatras ako. Nagbago na ang desisyon ko. I didn't know this. Masiyado na kaming umaasa kay Zee. Kinukulong na pa namin siya.
Sumakit ang dibdib ko sa kaisipang ang unfair ko sa part ni Zee. Hindi ko man lang naisip ang kalagayan niya.
Tumakbo ako palayo. Wala na akong pagpipilian. Lulunukin ko ang pride ko dahil wala na talaga akong maisip na paraan.
Kahit ano gagawin ko para sa pamilya ko.
Oo. Tinatahak ko ngayon ang daan papunta sa dati kong tinitirhan kasama ni Mr. Shein. Papunta ako ngayon kay Mr. Shein.