Chapter 5

1790 Words
"Sign this," ani ni Richmoon, bilang lawyer ni Mr. Shein. Ibinigay nila sa akin ang contract na nagsasaad na bawal akong umalis hangga't hindi ko pa nababayaran ang isang milyon. Every weekends lang ako makakaalis, gaya ng sa inaasahan ko. All my expenses ay cover na ni Mr. Shein ngunit doon ako sa quarter's maid matutulog. Not in my old room, or sa kwarto namin mag-asawa dati. Lahat ng mangyayaring ganapan sa bahay ay maiiwan lang sa bahay. Walang salitang dapat makalabas. Sex, kiss and other inappropriate na gawain ay allowed depende sa gusto ni Mr. Shein and I'm not allowed to complain. Nag-a alangan ako sa huli, ngunit nagamit ko na ang pera. Binayaran ko na lahat ng expenses ni auntie Lorena sa hospital. Pati na rin sa mga kakailanganin ni Sico. Nagalit si Zee no'ng nalaman niyang nakabayad na ako at galing kay Mr. Shein ang pera lalo na no'ng nalaman niya ang kapalit no'n. Ayos lang. Kahit ilang beses na niya akong napagsalitaan ng hindi maganda, naniniwala pa rin akong hindi niya ako sasaktan... physically. Kinuha ko ang ballpen at nanginginig na pinirmahan ang kontrata. I'm not sure if allowed ba ang gan'tong contract na in favor lang sa kanila pero bahala na. "I expect you to resign to that fvcking club and work for me here seriously." Huling sinabi ni Mr. Shein bago umalis. Naiwan si Richmoon na napabuntong hininga muna bago sumunod sa kaibigan niya. Pati yata siya galit sa 'kin. Alam ko na ang quarter's maid, doon si manang dati kahit na may sarili itong kwarto dito noon. Pagpasok ko palang, tumambad na sa akin ang puro alikabok kaya ito muna ang una kong nilinisan. Unang araw ko palang dito, na miss ko na ang mga anak ko. Parang gusto ko ng umuwi. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko sa quarter's maid, agad akong nagluto. Pinili kong lutuin ang adobo dahil alam kong magugustuhan iyon ni Mr. Shein. No'ng nagpapanggap siyang Harold, halos ito ang request niya sa 'kin lagi. Nakangiti ako habang hinahanda ang ingredients at nag ha-hum pa habang nag sa-sideline sa pagwawalis habang pinapalambot ko ang karne. Halatang hindi masiyadong nalilinisan ang bahay dahil puro alikabok talaga ang makikita sa loob. Tinignan ko ang ibang stock ng pagkain niya sa aparador at refrigerator niya. May ilan na expired na, may ilan namang nabubulok na. Naisip ko tuloy kung nasaan na si manang at mukhang hindi ito nalinisan ng ilang taon. Sinilip ko muna ang karne sa kalan, ngunit matigas pa ito kaya umakyat muna ako sa itaas para kumuha ng kurtina pamalit sa mga kurtinang nagmistula ng itim sa dumi. Napahinto ako sa stock room, medyo malinis ng konti dito. Medyo lang. Kumuha na ako ng mga gamit saka bumaba. Nakatingin lang ako sa nilalakaran ko dahil wala akong makita sa harapan buhat sa mga bitbit kong kurtina. Nang biglang may nagsalita. Napilitan akong ibaba ang kurtina sa sahig at nagulat nang makita ang nakangiting mukha ni Lee. "I was thinking kung sino ang nagluluto, but here you are." "Lee!" Gulat na sabi ko. "Can I hug you?" natameme ako habang dahan-dahang tumango sa kaniya. Hinigit niya ako at niyakap. "Lee, hindi ka galit sa 'kin?" nagtataka kong sabi. Pinakawalan niya 'ko at hinarap. Naroon ang ngiti na abot sa kaniya mga mata. Umiling siya sa'kin at piningot ang ilong ko. "Why? Galit ba ang lahat sa 'yo dito?" Parang akong naluluha na tumango sa kaniya. "I'm sorry," aniya. "Saan ka galing? Saka nakita mo b-ba si D-Dave?" hindi ko pa kasi nakikita ang kapatid ko. Natatakot akong magtanong kay Mr. Shein tungkol kay Dave. "Kasama ko siya sa Valencia. May trabaho siya doon kaya nauna ako dito." Nang banggitin niya ang Valencia, agad na nanlaki ang mga mata ko. Tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatingin sa akin. "So it's right," ani ni Lee. "Your son exactly looks like you." Nawala ang ngiti sa labi ko no'ng sabihin niya iyon. "Anong ibig mong sabihin?" "I met your son with his... dad. Or I assumed, his stepfather? Tama ba 'ko?" "Wala akong kabit," "So it's confirmed. Anak mo nga iyon. Hindi ka nag react no'ng sabihin kong kamukha mo ang anak mo e." Agad niya akong binatukan at sinimangutan. "Teka! Sandali. Paano mo na..." "Dave and I went to Valencia for a certain project. Napunta kami sa kainan na pagmamay-ari ng auntie mo and na meet namin ang anak mo kasama no'ng tinatawag niyang dad." Ano? Kailan 'to? Abot hanggang kalawakan ang gulat ko no'ng sabihin iyon ni Lee. Ni wala akong alam dito. "I have my ways to confirm kung nagpunta ka ba ng Valencia and I found out na doon ka tumira after mong umalis dito." "Lee..." "Dave knows nothing about this nor Shein, TG or Richmoon. Ako lang." Napaupo ako sa sahig. Pakiramdam ko ay nanghihina ako. "They wronged you. Shein wronged you. So don't worry, I'll support you with this. I believe that was your reason for leaving him 5 years ago. Kung ako man ang nasa posisyon mo, gagawin ko rin ang ginawa mo to protect my child from those chaotic environment." Nag-angat ako ng tingin kay Lee. Nakangiti ito sa akin. Lumuhod siya para magpantay ang paningin namin dalawa. "And instead of getting you back, mas pinili niyang mambabae sa bar. Kiss random girls just to forget you. How immature is that?" May luhang kumawala sa mga mata ko. Niyakap ko si Lee. Hindi ko alam kung bakit pero nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Thank you, Lee. "It's odd. Noong una mong tungtong sa bahay na ito, ako ang hindi mo kasunduan." "And now, ikaw na ang kakampi ko." Natatawa kong dugtong sa sinabi niya. "What are you two doing?" naitulak ko si Lee nang marinig ko ang boses ni Mr. Shein sa likuran. Sabay namin siyang balingan ni Lee. Kunot ang noo niya na papalit palit nang tingin sa amin. "I just say hi to her, Shein. She's a friend." Gumuhit ang ngisi sa labi nito. "Oh. So nangyayakap ka ng tao everytime you greet them? Nice." Puno ng sarkasmo na ani nito. "Kailan pa?" dagdag niya. "Shein," tawag ni Lee. "Hindi kami ganoon gaya ng naiisip mo, Mr. Shein." "Hindi kayo ganoon? Kasi ikaw lang?" nakagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan na huwag humikbi. "You're too much, Shein." Nagbabanta na ani ni Lee. Hinawakan ko siya sa braso niya.. "Stop it, Lee. Umalis ka na." Bulong ko dito. Ayaw kong mag-away sila dahil sa 'kin. Tumango ito at tahimik na umalis. Nang mawala si Lee sa paningin namin, hinawakan ako ni Mr. Shein sa braso. Napaigik ako sa diin ng pagkakahawak niya. "The next time you flirt, choose someone else." Sabi nito sa akin at iniwan ako. ----------- "Dad, saan nag wo-work si mama?" pang ilang beses na itong tanong ni Sico kay Zee na siya namang busy sa pag s-sketch ng bahay. "Sa malayo anak e," "Gaano kalayo?" persistent na tanong ni Sico, kabaliktaran sa kakambal nitong nasa tabi lang at tahimik. "Basta. Malayo siya," wala ng maisagot si Zee sa bata. Sumimangot si Sico at umupo sa tabi niya. Nasa Boulevard sila ngayon, nagpi-picnic habang tanaw ang malawak at malinis na dagat. "You're not answering me well, dad." Natawa si Zee nang sabihin iyon ni Sico. "You should keep your mouth shut, Sico. Ang ingay mo." Reklamo ni Rico na nilalantakan ang cookies sa tabi ni Zee. "You should stop eating more cookies or isusumbong kita kay mama." Sagot ni Sico sa kakambal. Napakamot nalang ng ulo si Zee at isinuot ang sunglasses niya, saka nahiga. Nang makita siya ng kambal na humiga ay agad ding humiga ang mga ito sa tiyan niya. Natawa si Zee sa ginawa ng mga bata ngunit pinabayaan niya nalang. Sila ng tatlo ang nakahiga sa manipis na tela ma nasa buhangin, suot ang kaniya kaniyang sunglasses at parang gangsters kung umasta. Pinagtitinginan sila ng mga mga tao lalo't puro mga gwapo. "Dad," it was Rico. "Yes son?" "Kilala mo ba ang papa namin?" nawala ang ngiti sa labi ni Zee. Rico is innocent and normal lang sa bata na magtanong tungkol sa papa nila. Zee thought that. "Stop it, Rico. Daddy Zee is our dad. Stop asking sa wala." Naiinis na ani ni Sico. "I know. I'm just curious, Sico. Anyway, don't answer that, Dad." Bawi ni Rico. Ginulo ni Zee ang buhok ng bata at palihim na ngumiti. 'Kilala ko Rico but I don't to answer you 'cause I don't want to lie to you.' Zee wanted to say but chose not to. "Yeah. Because daddy is the best, right? Do you agree with me?" "Yes!!" Sabay na sabi ng dalawang bata at sabay na natawa kasama ni Zee. "So.. Who wants ice cream?" "Later, Dad. Baka sumakit na naman ang tiyan ni Sico." "Rico, it's fine. Hindi naman nasakit tiyan ko lagi kapag kumakain ako ng ice cream ah." "Stop it Sico or else, isusumbong kita kay mama." "Tama na iyan baka magkasakitan pa kayo." Kinuha ni Zee ang cellphone niya at nagbukas ng message. Isang linggo na siyang babysitter sa dalawang bata. So mamaya ay uuwi si Lorelay sa kanila. "Where are you? Kasama mo mga bata?" - text ni Lorelay. "You guess." - Zee "Wala akong panahon sa kalokahan mo, Zeebal!" - Lorelay. Napangiwi si Zee nang mabasa ang buong pangalan niya sa text ni Lorelay. 'She's mad,' mahinang sabi nito. "Nag picnic kami" - Zee "Send picture" - Lorelay "I posted our pictures on my i********:. Make one now and follow me para makita mo." - Zee "Dami mong arte" - Lorelay Hindi na namalayan ni Zee na kanina pa siya parang timang na nakangiti at natatawa habang ka text si Lorelay. Nag hagikgikan naman ang dalawang bata habang pinapanood siya. "Ayaw niyong maligo?" tanong ni Zee lalo't maganda ang dagat ngayon. Hindi maalon. Stop gossiping kids. Hindi ako makadiskarte sa mama niyo e. "Sun burnt... No." Agad na sagot ni Rico. Sumimangot ang isang kambal ng marinig iyon. "Ang arte mo, Rico. C'mon. Hindi naman tayo magtatagal sa dagat e." "Ikaw nalang, Sico. I'm still eating here." Napailing nalang si Zee at tinext si Lorelay. "Mga anak mo, mana sa 'yo. Maarte na hindi." - Zee Nang ma e send iyon ni Zee, umupo siya at inasikaso ang dalawang bata dahil mukhang magsusuntukan na. Tumunog ang cellphone niya at alam niyang reply iyon ni Lorelay. "Saka mga gwapo pa. Mana nga sa 'kin. Maganda ako e," - Lorelay Kagat ni Zee ang labi nito habang binabasa ang huling mensahe ni Lorelay sa kaniya. "Yeah. I agree," patukoy nito sa huling mensahe ni Lorelay "kaya nga hulog na hulog ako e." Mahinang aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD