2

1597 Words
MONDAY of the following week had finally come. Sa wakas, nakahinga na rin nang maluwag si Hailey dahil mula pa noong nakaraang linggo ay hinihiling na niyang dumating na ang first day ng kanilang bagong director. Nagso-sort ng files noon si Hailey nang pumasok sa quarter nila ang directress ng HR department na si Yolly. “Good morning sa inyo,” nakangiting bating nito sa kanila. “I hope you are doing fine right now.” Hailey greeted back before she focused her gaze on the tall, muscular guy standing beside the directress. He is unfamiliar, so Hailey guessed he is Rovi.  Well, tama naman siya. Ms. Yolly introduced the guy as their new director. “Good morning sa inyong lahat,” nakangiting bati nito in a very round tone. May sense of authority pero hindi bosy. Hailey thought that this guy is a trained speaker, which might be a reason why Ronald said Rovi can do the job. It still wouldn’t change the fact na backer ang dahilan kaya siya naipasok, tahimik niyang ismid saka palihim na umirap. Nagpakilala si Rovi sa kanila isa-isa. In fairness naman sa binata, nag-exert ito ng effort na lumapit at makipagkamay. “Hi,” nakangiting bati nito sa kanya nang magkaharap na sila. Hailey noticed Rovi’s beautiful set of pearly white teeth. “I’m Rovi, and you’re…?” “Hailey na lang, Sir.” She flashed her signature warm smile kahit ba deep inside, gusto niya itong duraan.  Oo na, bitter na kung bitter! Unfair kasi dahil I’m supposed to be promoted na kaso naunahan ako dahil may backer siya. Kung alam lang niyang ganito ang mangyayari, sana pala naging sipsip siya kay Kenneth. They were in good terms naman ng former director niya but it was limited to work lang talaga. Iba ang vibes ni Kenneth. At base rin sa naririnig niya, selosa ang girl friend nito. Ewan niya kung imahinasyon lang niya iyon but Rovi’s eyes flickered. Natigilan din ito pero mabilis din namang nakabawi. “Nice meeting you, Hailey,” sabi nito saka nakipagkamay sa kanya. Tiningnan niya ang kamay nito at napalunok nang makitang ang daming ugat niyon. Pati rin sa braso nito. Rovi is quite muscular, so he must be working out a lot. She grabbed his hand and shook it. “Nice to meet you rin, Sir. I’m looking forward to working with you.” “Likewise. See you around?” paalam nito saka muling binalikan si Ms. Yolly. Hailey guessed that Rovi would be toured around first before he started working. Hinatid niya ito ng tanaw… and she was glad she did. Because the last moment before Rovi left the quarter, he looked back at her. No, it wasn’t his imagination because he even smiled and mouthed, “See you,” before he went out. Hailey just shrugged her shoulders and continued doing her work. - PABALIK na noon si Hailey mula sa cafeteria nang makasalubong niya ang isang guard. As usual, she smiled at him. “Ah, Ms. Hailey?” pagtawag nito. Napatigil naman siya sa paglalakad. “Yes?” “Okay lang po ba na pasuyo kay Sir Johann na may package para sa kanya?” Ka-department niya si Johann. “Oh, sure. Ako na lang magdadala. Ano ba iyon?” “Maliit na box lang naman.” “Sige, dadalhin ko na lang. On the way naman na ako sa quarter namin.” Nilabas ng guard ang isang maliit na box na nakabalot ng seal ng LBC mula sa ilalim ng table nito. Agad niya iyong kinuha at naglakad pabalik ng quarter ng Auxiliary department. Hindi pa siya nakakalayo nang muling may tumawag sa kanya. Bilog na bilog ang boses nito. She can only think of one person. Ano kayang kailangan nito? Napaikot siya ng mga mata saka nakangiting humarap sa bagong director. “Yes, Sir?” Huminto ito sa harap nito. “Ah, pabalik ka na ba sa quarter natin?” may hingal sa boses nito na para bang tumakbo ito palapit sa kanya. Wow, quarter talaga natin? Bago ka lang dito, tsong! “Opo, Sir. Bakit po? May ipapagawa ka po ba?” “Ah… ano…” Napakamot ito ng ulo. “Sabay na tayo bumalik?” “Sure po!” Tinalikuran niya ito. “By the way, Hailey,” gumilid ito sa kanya, “drop the formality. Pinagmumukha mo naman akong matanda. I’m just twenty-five.” See? Ang bata? Pero naging director agad? Well, salamat sa backer niya. Tssk. “Ganoon po ba—“ “Drop the formality, please?” “Sure! And sorry.” Nginitian niya ito. “Magkaedad lang pala tayo?” “Tama nga ang hinala ko.” Tumawa ito kahit ba walang nakakatawa. “Naiilang ako sa mga kasama natin. Puro middle-age na halos lahat.” Ginusto mo iyan. Ba-backer ka pa, ha? Hindi na siya sumagot dahil hindi rin naman siya interested na kausapin ito. Ibinaling ni Rovi ang tingin sa hawak niya. “Para kanino naman iyan?” Nginusuan nito ang buhat. “Ah, kay Sir Johann.” “Hmmm… staff natin siya, hindi ba?” Tumango siya. “Gusto mo tulungan kita?” Gulat niya itong hinarap. “Ha? Nako, wag na. Magaan naman ito.” “Oh, wag ka na mahiya.” Kinuha nito ang hawak niya. “Sapatos siguro ito, ano?” Tss… FC! Gusto niyang irapan si Rovi pero pinili niyang magpaka-plastic pa rin. “Mahilig yata sa sapatos si Sir Johann.” By that time, nasa harap na sila ng elevator. Nasa susunod na floor pa kasi ang quarter nila. Tumango-tango ito. “Ito na lang siguro ang ire-regalo ko sa kanya kapag nag-birthday siya?” He pressed the lift button of the elevator. Nagtatakang ibinaling niya ang tingin dito. “Ireregalo?” Rovi also faced her, smiling. “Why not? Establishing a good relationship with your teammate is a must, you know?” Ah, in short, sipsip ka nga talaga. Tsss. “I know naman po pero parang sobra naman `yung reregaluhan mo siya ng sapatos. Birthday treat na lang siguro?” “Wala naman akong binubuhay na pamilya. I don’t mind.” Rich kid siguro ito? Ah, sabagay. Kaibigan ba naman si Sir Kenneth. O baka naman social climber? Yuck. Bumukas na rin ang elevator. Hinintay muna nilang maglabasan ang mga bababa saka sila pumasok. And now, they were left in silence. Nagkataon pa kasing dalawa lang silang natira. Palihim niyang ibinaling ang tingin kay Rovi. To describe him… well, gwapo naman si Rovi pero high-maintenance type. Kailangang laging naka-style ang buhok nito at dress to kill. And what’s with the eyeliner? Ito yata ang ang unang lalaking nakasalamuha niya na naka-eyeliner. Di kaya bading ito? Napanguso pa siya sa naisip. Sabi kasi nila, endangered species na raw ang mga lalaking pogi na babae ang gusto.  Pero parang ang hirap isipin. Ang laki ng katawan nito at lalaking-lalaki pa kumilos. Not to mention, napaka-gentleman pa. Oh s**t. I’ll pretend na di ko naisip iyon. He’s an enemy, Hailey! Inagaw niya sa iyo ang chance mong ma-promote! Sa wakas, bumukas na rin ang elevator. Sabay silang bumalik sa quarter. Sakto pang nasalubong nila si Sir Johann. “Ay Sir, ito nga pala ang package mo,” sabi ni Rovi saka inabot ang hawak sa lalaking middle-aged na pero hindi maipagkakailang ma-appeal. Not to mentioned, matangkad pa’t dress to kill. Inabot iyon ng lalaki. “Salamat, Sir—“ “Rovi na lang po. Mas matanda po kayo sa akin.” “Salamat, Rovi.” Inipit ni Sir Johann ang hawak sa kaliwang braso nito. “Padala ito ng anak ko sa Davao sa akin. Birthday gift.” Natigilan si Hailey. “Sir Johann, birthday n’yo?” Hinarap siya nito. “Ah, hindi pa. Sa sabado pa. Pinadala lang niya kaagad dahil excited na ipasuot sa akin.” “Wow, that calls for celebration!” pabirong hirit ni Rovi. “Syempre naman. Magpapainom ako. Pero syempre, kayo-kayo lang sa Auxiliary.  Wala rin akong budget,” kumento naman ng lalaki. “Okay lang iyon, Sir. Magandang bonding din sa ating magkaka-team,” pagsang-ayon naman ni Rovi. “Sige. Oh, paano mga hijo’t hija, mauna na ako, ha? May trabaho pa ako,” paalam nito saka sila iniwan. Sinundan nila ito ng tingin. “Tingin ko, makakasundo ko si Sir Johann,” bulong ni Rovi sa kanya. “Mabait naman siguro siya, ano?” Asus. Nagpapalakas ka lang. Utot mo. Kaunti na lang talaga, maiirapan na niya ito. Ah, she hated him to the death talaga! Kung bakit ba naman kasi naagaw nito sa kanya ang promotion! “Syempre naman, sus. Mabait kaya iyan si Sir Johann,” sagot na lamang niya saka nagpaalam at nangatwirang may trabaho pa. Wala nang nagawa si Rovi kung hindi pumasok sa loob. But he still accompanied her to her cubicle before finally going to his table.  Habang nagtratrabaho, palihim niya itong sinusulyapan ng tingin. Kausap nito ang isang co-department nilang babae at tinuturo nito ang mga files sa cubicle ng director. At the back of her mind, she was plotting something evil. Wag ka lang talagang magpapakita ng kamalian sa akin dahil asahan mong matatanggal ka agad sa trabaho! Kulang na lang ay humalakhak na parang baliw ang dalagang hindi pa rin matanggap na hindi siya candidate for promotion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD