Chapter 1. Trida Meets Ivy

1602 Words
TRIDA'S POV "Nasa'n ka?" bungad ko kay Zee nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag ko. Kaibigan ko siya simula pa noong high school ako. Nagkakilala kami noong minsan na pinagtanggol niya ako sa mga nambu-bully sa 'kin. Siya rin ang pumigil sa 'kin noong oras na tatalon dapat ako sa rooftop ng school dahil sa matinding depresyon, dulot ng pambu-bully sa 'kin ng mga kaklase ko at iba pang mga estudyante. "Bakit? Miss mo na 'ko?" tinawanan niya pa 'ko mula sa kabilang linya. "Oo, miss na kita. Pahiram muna 'kong pera. Tinatamad akong mag-withdraw," sagot ko sa kaniya. May pera naman ako sa savings account ko dahil pinapadalhan ako ni kuya. Kaso nga lang, sinaniban ako ni Master Katam. Katamaran. "Bakit na naman? Ano'ng tingin mo sa 'kin? ATM mo na basta na lang magluluwa ng pera 'pag kailangan—magkano ba?" Iniba niya agad ang usapan no'ng pabagsak kong binaba ang baso sa sink, at kamuntikan na 'yon mabasag. "Five lang. Kailangan ko lang mag-grocery 'tsaka magpa-laundry." "Five pesos lang pala, sure!" "G*go ka ba!" Nag-init na naman ang ulo ko. "Ano'ng gagawin ko sa five pesos mo! Baka gusto mong ipako ko pa 'yan sa noo mo!" "Ikaw ang nagsabi na five lang, 'di ba? Labo mo kausap! Lukutin ko mukha mo d'yan, eh!" "Five thousand, tukmol! Kung five pesos lang ibibigay mo sa 'kin, salamat na lang sa lahat. Mag-iingat ka palag—" "Oo na, Trida! May dagdag pang wan-key kung gusto mo!" narinig ko siyang natawa at agad naman akong napangiti ro'n sa wan-key na binanggit niya. "Hintayin mo na lang ako sa dorm, sabay na tayo mag-grocery. Last subject ko naman na. Baka mamaya kung saan-saan ka lang pala pumunta. Mahirap na kapag napahamak ka. Malaking gastos magpalibing ngayon," biro niya sabay tawa. Sinabayan ko naman siya. "Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo. Kung ipapalibing mo 'ko, gusto kong kabaong 'yong tig-isang milyon ang halaga. 'Yong may aircon sa loob para fresh pa rin kahit kalansay na. Tapos 'yong kape starbucks dapat. Cakeland naman ang tinapay. 'Wag na 'wag kang magpapakape ng black at 'wag ka rin bibili ng nakabaldeng tinapay, utang na loob! Gusto ko sosyal. 'Yong mga hindi naman magbibigay ng abuloy, kahit dunkin' donuts na lang at 3in1. Tapos lahat ng maiipon mong abuloy, sa'yo na." Hindi ko na siya hinintay makasagot at agad binabaan. Mabuti na lang may kaibigan akong yayamanin. Sa edad niyang nineteen ay may sarili na siyang sasakyan, villa at condo. Bukod sa g'wapo na ay galing pa siya sa mayamang pamilya. Kaya nga kahit hindi ko nababayaran ang mga hinihiram kong pera, nakakatulog pa rin siya nang mahimbing with hilik pa. Pero kahit may sarili siyang condo, nagdo-dorm pa rin siya. Ayaw niya raw kasing ma-hassle sa biyahe kapag papasok. Magkasama rin kami sa isang dorm. Sa DS Dorm. Pero sa 4th floor silang mga lalaki. Ang first to third floor naman ay para lamang sa 'ming mga babaeng estudyante. Ang fourth at fifth floor naman ay para sa mga unggoy na tulad niya. Halos thirty minutes akong naghintay bago siya dumating sa dorm. Nasa lobby lang naman ako at nanonood ng tv kaya agad niya 'kong nakita. "Akala ko ba mag-grocery tayo? Bakit hindi ka pa nakagayak?" sita niya sa 'kin pag-upo sa tabi ko. Nakasuot lang kasi ako ng shorts na kulay itim at big size shirt na kulay gray. Tapos naka nike na slippers lang ako. Pambahay lang ba. "Ganito na lang ako tutal pangit naman 'yong kasama ko," I said seriously but he knew it was just a joke. "Pangit pala 'ko kaya pala maraming nagkakagusto sa 'kin," natatawa niyang sabi habang nakatingin sa screen ng tv. Binalingan ko naman siya at inirapan. And yes, he's right. Marami ngang nagkakagusto sa kaniya dahil sa itsura niya. From head to toe, his features scream royalty. His face is so symmetrical. It’s scary. He looks almost like a game character or an anime character. His eyebrows are thick and masculine, outlining his adorable brown eyes that can be intense. The bridge of his nose is really high. The shape of his lips are subtle, but I really love how he looks wearing his transparent balm. And his boxy smile is so adorable. He looks like he’s about to brush his teeth every time. He has a really strong eyebrow game — he looks like he could beat you up, honestly. But his personality is so friendly that all intimidation kinda melts. I say kinda, because his stare is still killer. If I saw him on the streets I wouldn’t look twice, one, because he’s incredibly attractive and I would be terrified, two, because his natural expression is pretty intense and I would be terrified. He seems childlike and innocent, but trust me, he can f**k s**t up if he wants. He’s also smart. Has a great height, his legs and arms toned with muscle. He's slim for the most part, but is also angular and precisely chiseled. Tumayo na 'ko at inaya na siya. "Let's go." Agad naman siyang sumunod sa 'kin palabas. Naabutan namin ang sasakyan niyang magara sa tapat ng dorm building at mas nauna akong pumasok do'n kaysa sa kaniya. "Mag-grocery muna tayo, then samahan mo 'ko sa salon." Agad niya 'kong binalingan pagkatapos niyang start ang makina. Nakataas ang isang kilay niya. "Oh, akala ko ba grocery lang at laundry?" Imbes na sagutin, nginitian ko lang siya. "Scammer ka talaga!" sabi niya sabay iling. IVY’S POV Paakyat ako sa hagdan habang hinihila ang maleta ko. Sabi sa ‘kin no’ng caretaker ng dorm ay tutulungan niya akong mag-akyat ng mga gamit pero pagkatapos kong magbayad at mag fill-up ng form, hindi na niya ako binalikan. Sa third-floor pa naman niya ‘ko nilagay, ilang hagdan pa ang kailangan kong akyatin. "Saan ba dito ‘yong room 303?" luminga-linga ako para tingnan ang mga numero sa bawat pintuan. Nang mahagip ‘yon ng paningin ko ay agad kong nilapitan. Tumayo ako sa harap ng pintuan at nag-aalangan akong pumasok dahil baka may tao sa loob. Ang sabi kasi ng caretaker, may isang naka-room daw dito. Ilang sandali pa ay nagdesisyon na rin akong kumatok kaysa tumayo at tubuan ng ugat sa tapat ng pinto. Noong walang sumagot ay pinihit ko ‘yong doorknob at dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Madilim sa kwarto dahil nakapatay ang ilaw. Hindi ko alam kung nasaan ang switch. Ginamit ko ‘yong flashlight ng cell phone ko para hanapin ang switch at natagpuan ko ‘yon sa tabi lamang ng pintuan. Ang tanga ko talaga. Nang mabuksan ko ang ilaw, tumambad sa harap ko ang magulo at makalat na kwarto. Napaisip tuloy ako. Isa lang ba ang kasama ko rito? Bakit parang mga sampo? Dinampot ko ‘yong unan na nakalaglag sa tiles pati na rin ang twalya at ilang mga damit. Para namang ahas ‘yong kasama ko rito. Kung saan maghunos, do’n na lang. Noong maitabi ko na ang ilang kalat ay bumalik ulit ako sa ibaba para kuhanin ang iba ko pang mga gamit na naiwan sa lobby. Habang inaayos ko ang isang kama na bakante, sumulpot sa pintuan ‘yong babaeng caretaker— si Ate Mildred. Hindi siya mukhang katandaan. Sa tingin ko ay nasa thirty years old pa lamang siya dahil mukha naman siyang bagets. "Pagkatapos mong mag-ayos bumaba ka, may ituturo ako sa’yo." "Sige po," sagot ko at bahagyang ngumiti. Nang maiayos ko na ang kama at mga gamit ko sa cabinet, bumaba agad ako. Naabutan ko sa lobby si ate Mildred. Katapat ng lobby ang maluwang na sala tapos may flat screen tv at sofa. "P'wede kayong manood ng tv dito anytime, pero bawal mag away-away sa channel," paliwanag niya. Naglakad siya at ako naman sumusunod lang. "Dito naman ang kusina. P’wede kang magluto dito kung gusto mo. Pero karamihan sa mga estudyante rito sa dorm, sa labas na kumakain. May nagluluto rin naman pero usually kapag weekend lang o kapag may time sila." Tumango lang ulit ako. Naglakad ulit kami at bumaba sa parang basement. I mean basement nga. "Dito naman ang laundry area. Pagkatapos mong maglaba at kapag tuyo na ang mga damit mo, ipasok mo agad dahil may mga tirador ng panty at bra dito. Maraming estudyante ang nagsusumbong na madalas silang nawawalan ng sinampay." Pati ba naman panty at bra? Napailing ako. Tama ba na dito ako nag-dorm? "’Yong katapat naman na ‘yon, laundry area ng mga lalake." Natigilan ako sa pagsunod sa habang nakaturo naman siya sa kabilang side. "Po?" Tama ba ‘yong dinig ko? May lalaki dito sa dorm? "Sa mga lalaki ‘yong kabilang laundry area, pero parang halos wala naman naglalaba sa kanila. Madalang. Halos karamihan nagpapa-laundry sa labas. ‘Yong 1st floor hanggang 3rd floor, puro mga babae. Ang 4th to 5th, occupied ng mga lalaki. Bawal umakyat do’n ang mga babae. May lobby sa 4th floor at may receptionist do’n na nakabantay," paliwanag niya. "Ah..." Napatango ako nang bahagya at nakahinga na rin kahit papaano. Akala ko rambol sa bawat floor ang mga lalaki at babae. Ayoko pa naman nang gano’n. "Huwag kang mag-alala, mababait ang mga nakatira rito. Lalo na ‘pag tulog," biro ni ate Mildred sabay tawa nang mahina. "Kung may tanong ka pa puntahan mo na lang ako sa kwarto ko. Sa first floor lang ako, ‘yong kwarto malapit sa sala." Ngumiti siya at iniwan na ‘ko mag-isa. Saglit kong nilibot ang basement bago nagdesisyong bumalik sa taas, sa kwarto ko. Pero pag balik ko ro’n, may tao na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD