Hugo's POV Hindi maalis ang tingin ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Totoong napakaganda niya ngayon at hindi ko din alam kung may pagtingin ba sa kanya ang anak ng isang Aguire. Ang tinaguriang The Gray Hound. "Hindi ba at may trabaho ka ngayon? Bakit nandito ka at umiinom ha?" ani ko kay Joyce na nagulat pa ng magsalita ako. "Uhm, nagpaalam po ako kay Nanay Ester, day off ko po bukas pero dahil nagpaalam po ako ngayon ay papasok ako bukas para pambawi ko po ng oras na kinuha ko." ani niya kaya napatango ako. Hindi na ako kumibo pa pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Sumandal ako sa aking upuan, palihim kong tinanggal ang aking sapatos ng isa kong paa at hinagod ng paa ko ang makinis na hita ni Joyce. Nakita ko ang pagkagulat niya pero seryoso lamang akong nakatingin sa kaniy