"Kane, hindi mo na naman kinain ang pagkaing dinala ng katulong." Bahagya na niyang narinig ang tinig ng Uncle Damien niya mula sa pinto ng okupado niyang silid sa bahay nito. He was lying in his bed, inside the dark room, thinking why everything seemed to be empty. He felt empty. He felt numb. He's scared of the dark but can't live with the light. He wouldn't like to see his reflection from anything shiny. Kapag nakikita niya ang sarili ay nakikita niya ang ama— because he looked like his father. Kaya sa loob ng ilang araw ay nanatili siya sa dilim at hindi humaharap sa salamin. "Ilang araw ka nang hindi kumakain, I am getting worried about you." Muli, ay hindi niya pinansin ang sinabi ng tiyuhin na nakalapit na. Tumalukbong siya ng kumot at wala sa sariling napatitig lang sa kawalan